( Patty )
Isang magarbong anunsiyo pala itong magaganap sa bahay nang mga Dela Vega.
Alas-siyete na nang gabi. Kitang kita na ang mga nagkikislapang mga ilaw mula sa loob at ang malamyos na musika.
Sa labas pa lamang nang gate malalaman mo na kaagad na marami ang taong dumalo. Sobrang daming sasakyan ang naroroon na halos sakop na ang buong kalsada maging ang kasunod na kanto ng subdivision.
Akala ko'y isang simpleng pagtitipon lamang at malalapit lamang na kamag-anak at kaibigan ang darating ngunit pati media ay mayroon doon. Mabuti na lamang pala nagsuot ako nang maayos-ayos na dress ngayon para hindi naman nakakahiya. Iyon dahil suhestiyon din ni mommy na dapat presentable ang isuot namin.
"Are you ready, baby?" pukaw sa akin ni mommy.
Magkatabi sila ni dad sa unahan habang ako ay nasa backseat.
Sinabi ko sa kaniya kanina kaagad na invited kami sa magaganap na announcement nang mga Dela Vega at tuwang-tuwa naman ang mga ito. Nakagugulat nga at mabilis silang pumayag. Hindi rin pala sila pumasok sa office ngayon na talaga namang nakakagulat. Ang alam ko kasi marami pa silang dapat abyarin.
Hindi pa rin nawawala ang agam-agam sa akin tungkol sa nakita kong birth certificate pero hindi ko pa iyon binabanggit sa kanila. Gusto ko pa sana makahanap ng tamang pagkakataon bago ko sila kausapin kahit na ba puputok na ang ulo ko sa kakaisip kung ano ang dahilan.
Kinakabahan ako sa totoo lang. Alam ko naman na tungkol sa nawawalang si Monique ang i-a-announce nang mga Dela Vega at alam ko rin na si Lina iyon.
Masaya ako para kela Kuya Renz at sa mommy at daddy nito dahil sa wakas natagpuan na nila ang matagal nang nawawalang si Monique.
Pero bakit nalulungkot ako? Bakit ganito, ang sakit nang dibdib ko?
Ipinilig ko ang aking ulo saka ngumiti bago tumango kay mommy. Nauna nang bumaba si dad sa sasakyan kaya sumunod na kami ni mommy.
Sa totoo lang iba ang saya ni mommy at dad ngayon lalo na nang banggitin ko ang tungkol sa announcement na magaganap ngayon. Pero ikinibit ko lamang iyon nang balikat. Baka masaya lamang din ang mga ito para sa pamilya nang mga Dela Vega.
Mabilis kaming pinapasok nang guard nang ipakita nila mommy ang invitation card na galing kay Kuya Renz na ibinigay nito sa akin kanina sa school.
"Maraming salamat po.", turan ko kela Manong guard.
Sumaludo naman ito at ngumiti sa akin.
Natawa na lamang ako sa ginawa nito. Siguro'y kahit paano natandaan ako nang mga ito.
Namataan ko kaagad ang ilang estudyanteng mga may sinasabi rin sa buhay. Naroroon ang mga ito sa garden. Naroroon din ang mga Zairin boys. Napangiti ako nang makita si Catherine at Kuya Niko na sweet na nag-uusap sa gilid.
Naghanap kami nang table na bakante at doon kami umupo.
Kamusta na kaya ang relasyon no'ng dalawa. Dahil sa ilang mga nangyare sa akin nitong mga nakaraan, hindi ko na alam ang iba pang progress sa ilang Zairin na napalapit na rin sa akin.
Ang sweet lang nila tingnan habang halatang inaasar ni Kuya Niko si Catherine dahil kanina pa nakabusangot ang dalaga pero halata rin namang kinikilig sa ginagawa ni Kuya Niko.
Inilibot ko ang aking paningin sa paligid. Marami ang naroroong bisita. Iyong iba halatang mga business man dahil sa mga suot na suit nang mga ito. Ang mga kababaihan nama'y pusturang-pustura sa suot nilang gown na naggagandahan. Marahil mga business partner ito nang daddy ni Kuya Renz na si Tito Miguel.
BINABASA MO ANG
Her Name Is Monique ( Zairin Boys Series #1 ) (Completed)
RomanceNapunta si Patty sa bahay ampunan noong siya'y apat na taong gulang pa lamang. Hindi siya nakikihalo-bilo sa iba. Lagi lamang siyang nag-iisa, takot sa tao dahil na rin sa pambu-bully ng ibang bata. Nakilala niya roon si Gelo, isang batang lalake na...