Monique, baby, I have a surprise for you.""What is it mommy?" sabi ng isang batang babae na bagong gising at naalimpungatan ng bumukas ang pinto ng kanyang kwarto. Ngunit tuwang-tuwa naman ito na bumangon sa pagkakahiga ng makita ang ina. She immediately hug her mother. She look so excited.
"Here it is!" masayang ini-abot ng ina nito sa kanyang anak ang dala-dalang pasalubong. She saw her daughter giggles ng makita nito ang dala-dala ng ina. Umupo siya sa kama at tumabi sa anak.
"A teddy bear?" gulat na gulat pero kitang-kita ang saya sa mukha nito.
Ngiting-ngiti rin naman ang ina nitong si Kelly na tumatango sa anak. The little girl extended her two little hands para kunin ang pasalubong habang nakaluhod sa kama katabi ng ina. "Thank you mommy! I love you," tuwang-tuwa na turan nito saka niyakap ng mahigpit ang teddy bear.
"I love you too, baby," she kiss her daughter in the forehead and hug her tightly.
"Your not leaving, mommy? Makakasama kita the whole day?" the little girl ask her mother innocently.
Nag-alangan si kelly dahil may flight siya ngayon. She have a meeting with the new investors in Cebu at hindi niya iyon pwede i-cancel. Nagtaka ang bata ng hindi siya sumagot. "Your leaving?" malungkot na tanong nito. At hindi niya kaya na makita itong malungkot ngunit hindi rin niya pwede palampasin ang mahalagang meeting with their big time investors.
"Don't be sad, baby," hinawakan niya ang pisngi ng bata at marahang hinaplos iyon. She felt guilty while watching her daughter. "I promise, next weekend hindi ako aalis , hindi ako pupunta sa trabaho, maghapon tayong magkakasama nila kuya Renz mo at kuya CJ. Pangako yan baby. Okay? Please don't be sad, hmm?" paglalambing ni Kelly dito ngunit malungkot na yumuko lamang ang bata.
"But you promised last week, that your not gonna leave for work today," hindi tumitingin na malungkot nitong turan. Nakayuko pa rin ito.
"I know, and I'm sorry baby. But this time, I promise, next weekend I'm not going anywhere. Pupunta tayo sa beach nila kuya mo and your Dad. I promise, Okay?"
"Promise?"
Sa wakas ini-angat na nito ang ulo at tumingin na rin sa ina.
"I promised," nakataas pa ang kanang kamay na pangako niya sa anak habang nakangiti.
"Okay mommy."
Nakangiti itong yumakap sa kanya.
I still remember her smiling and innocent face while hugging me. 13 years had past pero sariwa pa rin sa isip ko ang huling mga araw na nakasama ko siya, my baby. Nagsisisi ako. Kung maibabalik lang ang mga oras at panahon, sana nga hindi na lang kami umalis ni Miguel no'ng araw na 'yon. Sana nga sinamahan na lang namin ang mga anak namin buong maghapon at sinulit ang mga oras na kasama pa namin ang bunso namin, our princess Monique. Siguro buhay pa siya at kasama namin ngayon.
13 years ago, Kelly and her husband Miguel went to Cebu para sa big time investors nila na galing pa sa Korea. Maayos naman ang naging meeting at napapirma nila ang mga ito ng contract. They we're so happy back then pero ng pauwi na sila at lulan na ng eroplano pabalik sa Manila, she don't know but she felt weird all of the sudden. Kaba at pagkabog ng dibdib ang biglaang nagpatigil kay Kelly sa pagsasaya. She immediately search her phone to call their child or the maids but Miguel told her na bawal pa mag-cellphone dahil nga nasa eroplano pa sila. He ask her why and she told him na kinabahan siya bigla at naalala ang mga bata sa bahay. Sinabi lamang nito sa kanya na wala lang iyon at baka na-excite lamang siya, ngunit iba talaga ang pakiramdam niya.
She immediately receive a call matapos niyang tanggalin ang airplane mode hindi pa man sila nakakalabas ng eroplano na kalalapag lamang. Mabilis itong sinagot ni Kelly ng makita na isa sa mga maid ang tumatawag.
Una niyang narinig ang hagulhol at ingay ng mga taong sumisigaw sa kabilang linya. Doon pa lang alam ko ng may mali at may masamang nangyayare.
Mabilis lumapit sa kanya ang asawa niya na si Miguel dahil muntik na siyang himatayin at matumba dahil sa narinig na sinabi ng katulong nila sa kabilang linya.
"Ma'am, Sir ang bahay po ninyo, nasusunog. Nawawala rin po si Monique. Hindi po makita ng mga bumbero. Pinasok na po nila ang bahay kahit sobrang laki na ng apoy, ngunit hindi po nila makita si Monique at ang iba'y hindi na po nakalabas." sabi nito sa pagitan ng mga iyak at hagulhol.
Isang malagim na pangyayare ang nangyare noon sa pamilya nila at hanggang ngayon nasa process of moving on and acceptance pa rin sila, na alam ni Kelly maging ang asawa niya na si Miguel at mga anak na si CJ at Renz ay ganoon din tulad niya. Kahit hindi sabihin ng mga ito alam niyang hindi pa nila natatanggap ang pagkawala ni Monique.
Ⓒ︎ 𝙰𝚕𝚕 𝚁𝚒𝚐𝚑𝚝𝚜 𝚁𝚎𝚜𝚎𝚛𝚟𝚎𝚍 2020
written by: ItsMeJennalyn
☕
BINABASA MO ANG
Her Name Is Monique ( Zairin Boys Series #1 ) (Completed)
RomanceNapunta si Patty sa bahay ampunan noong siya'y apat na taong gulang pa lamang. Hindi siya nakikihalo-bilo sa iba. Lagi lamang siyang nag-iisa, takot sa tao dahil na rin sa pambu-bully ng ibang bata. Nakilala niya roon si Gelo, isang batang lalake na...