( Patty )
NAKATINGIN ako sa isang pamilya 'di kalayuan sa kinatatayuan ko na mababakas mo sa mga mukha nito ang saya at tuwa habang masayang kumakain at nagkukulitan sa isang malinis at maaliwalas na harden na iyon. Hinahabol ng dalawang batang lalake ang maliit na batang babae habang ang mga magulang ng mga ito'y masaya lamang na tumatawa na sinusundan ng tingin ang tatlong mga batang patuloy pa rin sa paghahabulan at paglalaro.
Napakagaan ng pakiramdam na ako'y magmulat ng aking mga mata. Napangiti ako sa aking napanaginipan habang ako'y nakatitig sa puting kisame, alam ko kasing isa iyon sa magandang memories na nawala sa akin noon. It's our family memories! Ako, si kuya Santy, kuya CJ, si mommy Kelly and daddy Miguel.
Malabo pa ang aking paningin ng ilibot ko ito sa paligid ngunit lumiwanag rin naman iyon paunti-unti, marahil dahil iyon sa matagal kong pagkakapikit. Naroroon ang lahat ng nasa panaginip ko at payapang natutulog. Ang totoong pamilya ko.
Bumalik sa ala-ala ko ang nangyare kung bakit ako naririto ngayon sa hospital. Panigurado napagod sila sa pagbabantay sa akin.
Si Gelo!
Napabalikwas ako ng bangon, ng maalala ang binata. Hinanap siya ng aking mga mata ngunit wala ito sa kwartong iyon. Nakaramdam ako ng panlulumo ng hindi siya makita. Nasaan kaya siya ngayon?
"Finally! You're awake Monique, my baby.", turan ni mommy Kelly saka ito maluha-luha lumapit sa kinahihigaan ko.
Napangiti ako ng isa isa ng lumapit sa akin ang aking pamilya. Si daddy Miguel, Kuya CJ and Kuya Renz (kuya Santy). Nagising ang mga ito ng magsalita si mommy Kelly. It felt home when I saw them smiling at me. Niyakap nila ako isa isa habang si dad naman ay hinalikan ako sa aking noo.
"Welcome back my Princess.", maluha-luha itong ngumiti ng napakalumanay sa akin habang masuyong hinahaplos ang aking ulo.
"Thank you.....Daddy."
Maging ako ay napaluha na. Finally nahanap ko na sila. Finally makakasama ko na sila.
"Dad, bakit mo naman pinaiyak ang bunso natin?", biro ni kuya CJ kay daddy Miguel na katabi lamang nito sa gilid ng kama ko.
"Finally Precious naririto ka na. Namiss kita!", turan ni kuya Santy saka marahang ginulo ang buhok ko.
"Kuya Santy naman!", reklamo ko.
Natigilan ako maging sila. Para iyong normal na lang sa'kin ng banggitin ko ang kuya Santy. Akala ko magagalit si kuya Renz ngunit ngumiti lamang ito at mas ginulo lang niyang muli ang buhok ko. Napuno ng tawanan ang silid na iyon.
Marami pa kaming pinagkwentuhan at sa buong oras na nag-uusap kami sobrang saya ng pakiramdam ko at ayoko ng matapos pa iyon.
Nalungkot akoat napaiyak ng malaman na hindi na umabot pa sa hospital si Lina. Binawian na ito ng buhay. Masakit na malaman na wala na siya dahil siya ang una kong naging kaibigan. Siya ang unang tao na kumausap at tumanggap sa'kin noon. She is my bestfriend at alam kung ganu'n din ang turing niya sa akin. Kinain lamang ng inggit ang puso niya kaya nauwi sa ganu'n ang ugali niya. Alam ko talagang mabait si Lina.
Sila mommy Janice at daddy Patrick naman ay nakulong pa rin kahit na sabihin na hindi nagsampa ng kaso ang mga Dela Vega dahil lumabag pa rin sila sa batas ng aminin nila na sila ang dahilan ng naging sunog sa mansion namin noon at kung bakit ako nawala. Malungkot man pero wala naman kaming magagawa sa batas. Kapag okay na talaga ako bibisitahin ko na lamang siguro sila.
KINABUKASAN dumating ang mga Zairin boys ngunit wala pa rin ang hinihintay kung dumating, si Prince. We have a lot to talk about at mas lalo akong kinakabahan na excited.
BINABASA MO ANG
Her Name Is Monique ( Zairin Boys Series #1 ) (Completed)
RomanceNapunta si Patty sa bahay ampunan noong siya'y apat na taong gulang pa lamang. Hindi siya nakikihalo-bilo sa iba. Lagi lamang siyang nag-iisa, takot sa tao dahil na rin sa pambu-bully ng ibang bata. Nakilala niya roon si Gelo, isang batang lalake na...