( Patty )
"Are you okay, Miss?" nagulat ako sa biglang nagsalita sa likuran ko, nilingon ko siya at... Ang ganda niya.
"Did I scare you? I'm sorry about that." natatawa nitong turan sa'kin.
Pinasadahan ko ang suot niya. She's wearing a maroon skirt with a slight slit in the side. Maging ang kanyang suot na pang itaas ay maroon din, kulay yellow naman ang kwelyo nito. 'She's a teacher.'
"Naku! Hindi naman po. Nagulat lang po ako." magalang na sagot ko naman sa kanya.
"Okay! So ano ginagawa mo dito sa labas? Bakit hindi ka pa pumasok? Is there any problem?" Sunod-sunod na tanong niya sa'kin.
"Ahm... Nahihiya lang po akong... pumasok." Napapakamot sa batok na turan ko sa kanya.
At nasa loob din po ang taong iniiwasan kong makaharap. Gusto ko sana i-dugtong sa sinabi ko pero nakakahiya teacher pa naman ang kaharap ko ngayon.
"May kailangan ka ba sa loob?"
"Transferee po ako Ma'am. Ito po kasi yung magiging department ko ayun dito sa binigay na papel ng Dean sa akin."
"Ohw! I see. You must be Ms. Patty Salvador, right?"
"Yes Ma'am."
"O---kay!" aniya habang tumatango ng marahan. Ngumiti ito sa'kin kaya lumabas ang dimple niya sa magkabilang pisngi. "Don't worry mababait naman ang mga magiging classmates mo." anito.
'Sana nga ma'am.'
"By the way, ako nga pala ang magiging adviser mo. I'm Carla Valdez," pagpapakilala nito.
'Pero teka paano niya nalaman? Ni Hindi pa nga ako nagpapakilala sa kanya.'
Matagal napatitig sa'kin si Ma'am. Ganoon ba kapanget ang suot ko kaya halos lahat ng tao dito ganyan ang nagiging reaction.
"Ma'am okay lang po ba kayo?" Magalang na tanong ko sa kanya. Medyo natulala kasi siya.
"Oh yes, yes. I'm sorry," hinging paumanhin niya tapos muling ngumiti.
'Bakit kaya?' Ang weird.
"Okay. Just wait here for a while kakausapin ko lang ang mga magiging classmates mo sa loob, then I will introduce you to them."
Tumango naman ako bilang sagot. Kinakabahan pa rin ako. Lalo na sa part na magiging classmates ko ang lalakeng 'yon.
Iniisip ko rin na baka masusungit, maaarte at lait laitin ako ng mga magiging classmates ko dito. Hindi sa pinangungunahan ko pero karamihan sa mayayaman mapanglait. Pinagbabasehan nila ang estado mo sa buhay bago ka nila lapitan at kaibiganin. Reality hurts ika ka nila.
Iniisip ko pa lang na makakasama ko ang tulad ng mga nakasalubong ko sa labas lalo na ng mga babae doon napapaisip na ako kung paano ko sila pakikibagayan. Namiss ko tuloy ang mga naging classmates at mga naging kaibigan ko na sa dating school na pinapasukan ko. Sayang.
'Lord sana naman po mababait sila, wala sanang matataray at mga mapanglait dito,' piping dasal ko na lamang.
Ilang sandali pa'y bumukas na muli ang pinto at tinawag na ako ni ma'am para pumasok.
Jusko kinakabahan ako. Isipin pa lang na baka nakilala ako no'ng lalakeng 'yon dahil sa nangyare kanina. Nanginginig na ang mga tuhod ko sa kaba.
'Bakit ba kasi sininok na naman ako?' Naweirduhan pa siguro ito sa'kin kasi bigla akong tumakbo kanina. Sino ba ang hindi diba. 'Eng-eng ka talaga Patty. Hindi ka nag-iisip.'
"Ms. Salvador you can come in now and introduce yourself to them," nabalik ako sa katinuan nang tawagin ako ni ma'am na nasa harap na ng table niya habang nakangiting sumisenyas na pumasok na ako. Nag-aalinlangang ngumiti ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
Her Name Is Monique ( Zairin Boys Series #1 ) (Completed)
RomanceNapunta si Patty sa bahay ampunan noong siya'y apat na taong gulang pa lamang. Hindi siya nakikihalo-bilo sa iba. Lagi lamang siyang nag-iisa, takot sa tao dahil na rin sa pambu-bully ng ibang bata. Nakilala niya roon si Gelo, isang batang lalake na...