▰▱▰▱▰▱▰▱▰▱▰▱▰▱
-Chapter twelve-
"Do you want me to make you officially...mine?" Pag-amin niya ng hindi man lang kumukurap na parang buo ang tiwala niya sa kanya."Hala...pakiulit? Di ko narinig eh." Tinukso mo siya habang nilapit mo ang tenga mo sa kanya para marinig mo sa kanya ang mga salitang iyon.
Inilibot lang ni Rindou ang kanyang mga mata, nanunuya bago siya magtanong sa iyo.
"Who's your first love? Or do you fall in love before?" Tanong niya, napatigil ka habang nakatingin sa kanya na ngayon ay nakatingin sa iyo
Naguluhan ka noong una kung bakit siya nagtanong ng ganoong klaseng tanong. Pero dahil masyado siyang curious at gusto niyang malaman, hindi mo maiwasang sagutin ang tanong niya.
"Well yes, pero bago kang magselos diyan...Ghinost niya ako, he broke the promise, saying na babalik siya but..he didn't." Bumuntong-hininga ka habang nakikinig lang si Rindou sayo. Nagseselos siya kasi siya daw dapat ang una mo.
Pero, he's too unfair since hindi ikaw yung una niya so he might as well play fairly para walang gulo.
Though, bakit nga ba nagseselos si Rindou nang wala namang kayo? You both didn't confessed, you both had no connections sa love, pero bakit?
"Eh Ikaw? How about you?" Tanong mo sa kanya, curious din sa mga love relationship niya dati. Hindi ka sana sasagutin ni Rindou pero, sumama ang loob niya kaya sinagot na lang niya ang tanong mo.
"Yes. She's my ex girlfriend. Her name is Akira, she cheated on me." Napaiwas siya ng tingin, pilit kunin ang phone niya na nakalagay sa bulsa niya.
"Ohhh...Akira..wait pano ba kayo nagkakilala nina Sanzu and your other friends?" Tanong mo ulit sa kanya.
Ibinuka ni Rindou ang kanyang mga binti, ang kanyang mga kamay sa pagitan ng mga ito. Tumingin siya sa sahig bago tumingin sa iyo.
"We were friends since grade 5. My brother and me encountered that weird boy noon which is si Sanzu. He was wearing a mask with his hair in an emo style-- well tinawag lang naming emo hair yun so yeah..." Aniya, may ngiti sa labi habang iniisip ang mga magagandang araw noon.
"Si Koko well we met him at the library may kasamang lalake...nahuli namin siya, hinalikan yung lalaki while that boy was sleeping peacefully." Binuksan niya ang phone niya bago niya ipinakita iyong mga pictures kung saan lahat sila ay naka-pose at masayang nakangiti.
"They were my homies, can't lose them." Sabi niya habang ini-swipe niya ang mga larawan para lang ipakita sa iyo ang grupo ng mga kaibigan nila.
"Hiram nga." Sabi mo sabay agaw ng phone sa kanya. Though, Rindou didn't mind as he just let you be.
Ngunit, hindi mo alam na nag-swipe ka na pala nang napakalayo, kaya nakita mo ang isang larawan ng isang babae sa kanyang gallery. Nanlaki ang mga mata ni Rindou nang agad niyang inagaw sa iyo ang cellphone niya.
"Hala! Ganda niya ah. Sino yun?" Tanong mo sa kanya na nakakunot ang noo mo na parang nang-aasar. Natahimik lang si Rindou, iniisip kung bakit niya pinahintulutan kang hiramin ang kanyang cellphone.
"Wala kang nakita." Malamig niyang sabi habang tumatayo para ipagpatuloy ang project na ginagawa ninyong dalawa. May binulong siya bago niya hinawakan ang mouse sa computer, roughly.
"Luh? Galit yan?" Biniro mo siya habang pinipilit mong hindi tumawa. Naiinis na si Rindou sa pang-aasar mo kaya tumahimik na lang siya dahil pinili niyang huwag magsalita ng masasakit na salita.
YOU ARE READING
𝗜 𝗵𝗮𝘁𝗲 𝘆𝗼𝘂, 𝗜 𝗹𝗼𝘃𝗲 𝘆𝗼𝘂 [ 𝗥𝗶𝗻𝗱𝗼𝘂 𝗛. ]
Fanfiction"𝐈'𝐦 𝐧𝐨𝐭 𝐭𝐡𝐞 𝐣𝐞𝐚𝐥𝐨𝐮𝐬 𝐭𝐲𝐩𝐞 𝐛𝐮𝐭, 𝐰𝐡𝐚𝐭'𝐬 𝐦𝐢𝐧𝐞 𝐢𝐬 𝐦𝐢𝐧𝐞. 𝐄𝐧𝐝 𝐨𝐟 𝐬𝐭𝐨𝐫𝐲" ➝ You both hate each other, throwing curses at each other, bullying each other pero bakit biglang na fall yung isa sa inyo? Diba dapat e...