CHAPTER 5

301 278 22
                                        

Taste of Bullets

Written by: Binibining Fool

CHAPTER 5

"Thank you nga pala sa pagpapahiram mo sakin ng kotse mo" sabi ko at sinuli ang susi ng sasakyan nya.

Pinahiram nya kasi sakin yung kotse nya dahil nasira yung akin at pinapaayus pa sa talyer ni uncle pero naayos na naman, actually nakuha ko na nga kaya di ko na kailangan yung kotse nya. Masyado narin kasing nakakahiya.

"No, problem" nakangiti nyang sagot. "Naayos na ba yung kotse mo?"

"Yes, nakuha ko na nga e."

"That's good."

Naglalakad kami ngayon sa plaza dahil nakagawian narin namin na pumunta dito every day off namin. Naisip kasi namin na sobrang boring kong palagi lang kaming nakakulong sa condo kasi walang work, kaya dito kami madalas pumupunta para maenjoy naman namin yung isang araw na day off.

Maraming batang naglalaro sa plaza at kitang kita ko yung lawak ng mga ngiti nila. Sobrang saya rin ng mga parents nila habang pinapanood silang naglalaro. Bigla ko tuloy naalala si papa. When I was 3 years old kasi, palagi nya kong dinadala dito. Lalong lalo na pag wala syang duty, madalas kaming nagpupunta dito. Naalala ko pa nga yung time na umiyak ako dahil sa nadapa at nagkasugat ako sa tuhod. Iyakin talaga ko nung bata pa ko, takot rin ako sa dugo nun kaya kunting sugat lang iniiyakan ko na. Nakakahiya nga e at minsan natatawa nalang din ako sa sarili ko dahil sa pagiging iyakin ko.

[FLASHBACK]

"Jay, habulin mo si papa" nakangiting sabi ni papa habang kumakaway kaway sya.

Tumakbo naman ako papunta sakanya ngunit bigla akong nadapa. Umiyak ako dahil nakita kong may dugo yung tuhod ko at agad naman akong binuhat ni papa.

"Papa, ang sakit" umiiyak kong sabi habang nakatingin sa tuhod ko.

"Wag kanang umiyak. Hindi naman malalim ang sugat nayan, sabi mo kay papa strong ka diba?" sabi ni papa sabay punas sa mga luha ko

"Masakit po kasi papa."

Ngumiti lang sya."Gusto mo ng ice cream? Bibili kita" nakangiting offer ni papa sabay turo nya sa mamang nagtitinda ng ice cream.

Napatigil naman ako sa pag iyak at tumango tango sabay punas sa mga luha ko.

"Sige, papa. Gusto ko ng ice cream yung chocolate flavor" sabik kong sagot sakanya.

"Basta wag kanang umiyak, baby ha?"sabi ni papa then he pinched my nose.

Tumango tango lang ako sakanya. Pagkatapos naming bumili ng ice cream naupo kami sa isang bench malapit sa isang malaking puno.

"Papa, ang sarap ng ice cream. Thank you po" nakangiti kong sabi sakanya.

"Your welcome baby" tugon nya sabay pinisil ng pisnge ko.

Tahimik lang kaming nakaupo dun habang nakatingin sa ibang batang naglalaro. Masaya ako dahil nakikita ko din si papa na masaya kasama ako.

"Anong gusto mong maging sa paglaki mo, baby?" nakangiting tanung ni papa habang sinusuklay ng mga daliri nya ang buhok ko.

"Gusto ko pong maging architect, papa" masigla kong sagot sakanya. "Gusto kong gawan ka ng sobrang laking bahay gaya ng mga nakikita ko sa magazines."

Manghang mangha lang syang nakatingin sakin. "Talaga ba?"

"Opo, papa. Promise, paglaki ko gagawan kita ng malaking bahay, hindi lang malaki sobrang ganda pa."

"I love you po, papa. Lab na lab po kita, mwuah."

Taste of BulletsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon