CHAPTER 4

319 307 22
                                        

Taste of Bullets

Written by: Binibining Fool

CHAPTER 4

I usually stay late at the office after official hours.

Ako yung palaging nahuhuling umalis dahil palagi kong tinatapos ang mga kailangan kong gawin. Wala din naman akong ibang magawa sa condo kaya sinusulit ko nalang ang time ko sa trabaho.

Napatingin ako sa clock and it's already 6:30 pm na pala, dali dali kong kinuha ang bag ko at leather bag na naglalaman ng laptop ko. Didiretso na sana ako palabas ng building nang tawagin ako ni Via.

"Hoy! Hoy! Jay" sigaw ni nya. "San ka pupunta?"

Nakita kong nakatayo narin si Kenzo sa gilid ng work station nya at nakatingin sakin bago ko nilingun si Via.

Yung bibig talaga ng babaeng to, pahamak talaga.

"Edi uuwi na" sagot ko. "May kailangan pa kong gawin."

Kumunot ang noo nya. "Anong uuwi? Hoy, ngayon yung welcome party natin para kay Engineer Monteviano kaya di ka pa dapat umuwi."

Napakamot ako sa ulo dahil nakalimutan kong welcome party pala ng ugok nayun pero wala rin naman akong planong sumama lalo pa't makikita ko dun yung demonyong pagmumukha nya.

"I can't te. May gagawin talaga ko ngayon e" saad ko.

"What? Anong I can't ka diyan? Walang I can't, Jay" pagpupumilit ni Via.

"Oo nga, Architect Ramirez. Ang daya mo naman kung hindi ka sasama!" narinig kong sumagot si Sam na nakatayo na rin.

"Kapag kami hindi nakakasama sa mga welcome party para sa mga new employee, todo pangungunsensya ka. Tapos ngayon ikaw ang hindi sasama? Tama nga naman si Sam ang daya mo talaga no?" dugtong naman ni Via.

Bigla akong nakaramdam ng konsensya dahil sa sinabi nila kaya ang ending mapipilitan akong sumama sa pa welcome party nila para sa ugok na Kenzo nayun.

"Sumama kana, architect" si Nam naman ang nagsabi. "Nandun din si Engineer Monteviano. Lalasingin natin sya para umamin sya sa mga darkest secrets nya."

"Hindi ako madaling malasing" nakangiting tugon ni Kenzo.

Mas lalo akong nakaramdam ng pagkairita ng marinig ko na namang magsalita ang kampon ng diyablo.

Tumingin ako sa kanilang lahat then kay Via.

"Sorry but di talaga pwede" saad ko. "My deadlines are approaching."

"Sinungaling!" sagot ni Via as she rolling her eyes. "Alam namin na sa lahat ng workers dito ikaw ang palaging nauunang makapagpasa ng project. So what now? Bakit hindi ka sasama?"

Napatingin ako sa itaas at nag isip ng ibang dahilan.

"Skype with kuya, naiinis na kasi sya dahil hindi na kami nakakapag usap lately" sagot ko.

Kuya, I'm so sorry for using you. Naiipit lang talaga ko sa sitwasyon.

"Kilala mo naman si kuya diba?"

Tinitigan ako ni Via ng maigi para malaman kong nagsasabi ba ko ng totoo.

Gusto ko lang talagang makaalis sa lugar nato kasi naiirita nakong makita yang pagmumukha ng diyablo na kanina pa nakatingin sakin.

"Sabagay"tugon ni Via. "Para namang hindi kayo nagkasama ng kuya mo sa Canada e every occasion ka pa ngang nagpupunta dun."

"Pumupunta kang Canada?" narinig kong nagsalita si Kenzo.

Nilingon ko sya at kitang kita ko na seryoso ang mukha nya. He looked at me at mukhang hinihintay nya ang sagot ko.

"Oo, Kenzo" si Via ang sumagot. "Naglalagi yan sa Canada kasama yung kuya nya, hirap ngang paghiwalayin yang magkapatid nayan e."

Taste of BulletsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon