Taste of Bullets
Written by: Binibining Fool
CHAPTER 14
"Ahm, excuse me. Ikaw ba yung P.A ni Doctor Sullivan?" tanung ko sa babaeng nakasalubong ko sa loob ng hospital.
Tumigil naman sya sa paglalakad at bahagyang ngumiti sakin. "Yes po, ma'am" sagot nya. "May kailangan po kayo kay Doctor Sullivan?"
I nodded. Sa totoo nga, first time kong makaapak sa hospital nato. Yes, totoo yun, first time pa talaga. Palagi nya kasi akong pinagbabawalang pumunta dito dahil baka bumalik na naman daw yung trauma ko. Di ko raw kasi kakayanin yung pwede ko makita dito sa hospital. Minsan naiirita nga ko pagnaririnig ko yun sakanya. E kasi naman, kung makapagsalita sya sakin kala mo naman ikamamatay ko yun.
"Actually ,kakaalis lang ni Doctor Sullivan, ma'am" sabi ng P.A nya. "Nag request po kasi sya ng 1 week leave dahil magrerelax daw muna sya."
"Hm."tumango tango ako. "May nabanggit ba sya sayo kong san sya pupunta?"
"Wala po, ma'am."
"Ah, sige. Thank you."
"Sige po, ma'am. Mauna na po ko. Ingat po."
Kinuha ko yung phone ko sa bag at sinubukan ko syang tawagan. Ring lang ng ring yung phone nya at parang wala talaga syang balak sagutin ang mga tawag ko. I text him but no response parin. Nag log in narin ako sa facebook account ko para e chat sya pero hindi nya man lang sineen yung messages ko sakanya. Kye, nasan kana ba kasi!
Palabas nako ng hospital ng mapansin kong nagkakagulo ang mga nurse at maraming ambulance ang nagsidating. Napatigil ako sa paglalakad at bahagya akong sumilip upang tingnan kong anong nangyayari.
Hindi pa man ako totally nakakalapit sa area nayun parang unti unti ng bumibilis ang tibok ng puso ko. Kita kong halos magrambulan na yung mga nurse sa pag assist ng mga pasyenteng sakay ng ambulansya kanina.
Unti unting nanghina ang tuhod ko ng dumaan mismo sa harap ko ang pasyenteng sakay kanina ng ambulansya. His wearing a military uniform at sobrang daming dugo sa damit nya. Nakatitig lang ako sa pasyenteng yun at unti unti ko na namang naaalala si papa.
Napahawak ako sa dibdib ko ng bigla akong nahirapang huminga. Wala akong pader na masandalan o mahawakan at unti unti akong nahilo. Muntikan nakong matumba sa kinatatayuan ko dahil sa hilo buti nalang talaga at may taong humawak sakin kaya hindi ako tuluyang bumagsak sa sahig.
"What are you doing here?" he asked with his serious tone. "I told you not to come here, ganyan kana ba ka pasaway ngayon, ha?"
Nakatitig lang ako sakanya.
"Umuwi kana, hindi mo kakayanin yung mga makikita mo dito" bakas sa boses nya yung pag aalala. "Ayukong bumalik ulit yung trauma mo, Jay. Kaya please, umalis kana dito."
Muli naman akong napatingin sa area na kumpulan ang mga nurse at agad namang tinakpan ng kamay ni Kye yung mga mata ko.
"I'll drive you home" sabi nya at binuhat ako. "You won't stay here."
"Kye, I just want to say--"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil may babaeng biglang tumawag sakanya.
"Doctor Sullivan!"
Ramdam kong napalingun si Kye at buhat parin nya ko.
"Nakaleave ako, now" agad nyang sagot.
"But, doc" reklamo ng P.A nya. "Kailangan ka ngayon sa O.R.. Marami tayong patients ngayon, and most of them critical yung kalagayan at need operahan. Kailangan ka namin ngayon, doc. No one can perform the operation except you. Kaya doc, please, ipagpaliban mo muna yang leave mo ngayon."

BINABASA MO ANG
Taste of Bullets
AléatoireMost women fall for businessmen, engineers, doctors, lawyers and architects but in my case? I feel inlove with a soldier. -March 23, 2022