CHAPTER 6

280 263 19
                                    

TASTE OF BULLETS

Written by: Binibining Fool

CHAPTER 6

Nakatulala lang ako habang inaalala yung mga nasabi ko kay Razen. Para akong nagi-guilty sa mga salitang binitawan ko kasi mukhang sobrang nakaka offend yun para sakanya. Hindi ko naman talaga intensyon na sagutin sya ng ganon pero nagawa ko parin yun sakanya. Naku naman, nakakahiya!

"Architect Ramirez?"

Natauhan lang ako ng bigla akong tawagin ni Sam.

"Uhmm, may sinasabi ka ba?" nahihiya kong tugon sakanya. "Sorry may iniisip lang."

"Gusto ko lang sana tanungin yung opinion mo" sabi niya tapos pinakita sakin ang blue print nya. "Tingin mo okay na to? Pang lima ko ng revision to e. Kaso baka hindi parin magustuhan ng client ko."

"Maarte rin ang client mo?" tanung ko and she nodded, then sighed. "Ganyan din sa akin lately. Nakaka frustrate, diba? Pero wala tayong magagawa kasi trabaho natin to. Let me see nga."

Kinuha ko yung blueprint nya tapos tiningnan ko itong mabuti. Interior design ng isang bar ang ginawa ni Sam. Maganda naman yung ginawa nya, tapos na nga e pero may kulang.

"So what do you think?"she asked curiously.

"Maganda sya" pagpuri ko. "Pero may kulang."

"Sabi na e, yan din ang tingin ko. Ano kayang kulang?"

Nilapag ko sa table yung blue print nya saka ko pinoint out yung satingin kong mali at kulang.

"Too many doors, Sam. Ang daming pintuan na isa lang din naman ang lalabasan o papasukan. I suggest bawasan mo ang mga doors. Then itong private rooms for VIP section? Too big. Nakain halos yung space ng bar. I suggest na bawasan mo rin to. Lakihan mo yung space for normal customers. For sure, mas marami sila kaysa sa mga VIP" I suggested.

Napatango tango lang si Sam habang sinusulat sa notebook nya yung mga sinabi ko.

"Then, itong bar counter move mo sa right. Para makita agad sya ng mga customer na papasok sa loob. Huwag mo rin damihan yung lights kasi bar yan. For sure, mas prefer ng mga customer ang medyo madilim" she laughed ng marinig ang sinabi ko. "Baguhin mo lang yung colors ng wall. Make it darker, that's it" I smiled.

"Wow! Thank you, architect Ramirez. Your the best" masaya nyang sabi sakin.

"No problem! Anytime" sagot ko sakanya.

Pagkatapos nun ay bumalik na sya sa work place nya. Napayuko nalang ako at napasabunot sa sarili ko. Pambihira, ang sama sama ko. Sobrang guilty talaga ko sa nagawa ko sakanya.

Ano nabang nangyayari sakin? Bat ako nakakaramdam ng konsensya sa hayop nayun. Arghhh!!!

Hindi talaga ko makapag focus sa work dahil naiisip ko parin yung mga sinabi ko kay Razen, nakokonsensya talaga ko.

Ano bang kasalanan ko sayo, ha? Bat mo ko kinukonsensyang hayop ka. Napaka putaena mo talaga.

Napatigil nalang ako ng mapansing may muling lumapit sakin. Hindi nako nag aksayang magtaas ng tingin dahil alam ko namang si Via yan.

"Anong kailangan mo, te?" bored kong tanung sakanya

Nakayuko lang ako habang nakatakip ang magkabilang kamay sa mukha ko.

"Kung aasarin mo lang ako please lang wag ngayon wala ko sa mood."

Nagtaka ako dahil hindi sya sumagot. Nakakapagtaka lang talaga yung katahimikan nya ngayon. Himala yatang nakasara ang bunganga ng babaeng to.

Taste of BulletsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon