CHAPTER 15

121 94 9
                                        

Taste Of Bullets

Written by: Binibining Fool

CHAPTER 15

𝐼ℎ𝑎ℎ𝑎𝑡𝑖𝑑 𝑛𝑎 𝑘𝑖𝑡𝑎 𝑠𝑎 𝑐𝑜𝑛𝑑𝑜 𝑚𝑜, 𝑎𝑛𝑑 𝑑𝑜𝑛'𝑡 𝑦𝑜𝑢 𝑒𝑣𝑒𝑟 𝑐𝑎𝑚𝑒 𝑏𝑎𝑐𝑘 ℎ𝑒𝑟𝑒. 𝐼 𝑑𝑜𝑛'𝑡 𝑤𝑎𝑛𝑡 𝑡𝑜 𝑠𝑒𝑒 𝑦𝑜𝑢𝑟 𝑓𝑎𝑐𝑒 𝑛𝑎 𝑝𝑎𝑘𝑎𝑙𝑎𝑡 𝑘𝑎𝑙𝑎𝑡 𝑠𝑎 𝑙𝑜𝑜𝑏 𝑛𝑔 ℎ𝑜𝑠𝑝𝑖𝑡𝑎𝑙.

Naalala ko na naman ang sinabi ni Kye sakin the last time we meet. It's almost 1 week simula nung nagkita kami sa hospital at hanggang ngayon hindi parin kami nakakapag usap ng maayos. Pagpinupuntahan ko sya sa condo nya palagi syang wala. I don't know kung san ko sya hahanapin. He warn me na hindi ako pwedeng pumunta sa hospital. Sa totoo lang, nababaliw nako. Hindi ko alam kong san ko sya hahanapin at kung papano sya kakausapin.

"Jay?" tawag ni Kenzo sakin.

Napatingin ako sakanya. "May sinasabi ka?" nahihiya kong tugon sakanya. "Sorry, may iniisip lang."

"May problema ba? Mukhang kanina kapa wala sa sarili, e" seryoso nyang sabi at hinawakan ang kamay ko. "Tell me, nang maayos natin."

Sinandal ko ang ulo ko sa balikat nya at napabuntong hininga. Hindi ko na talaga alam kong papano ko maayos yung conflict namin ni Kye. I know that its my fault kaya sya lumalayo sakin ngayon pero gusto ko paring subukan lahat ng way para magkaayos ulit kami.

"Iniisip mo parin ba si Kye?"

I nodded. Hindi ko magawang e deny sakanya yung pinagdadaanan ko ngayon. I feel so hopeless. Feeling ko sooner or later Kye will leave me. I want to save our friendship pero di ko alam kung anong gagawin.

"Bat ganyan ka kaconcern sakanya, Jay?" napatingin ako sakanya ng marinig yun. "I mean, his just your friend. Wag mo sanang masamain tung sasabihin ko, Jay, pero..Ahm, why mo pa pinapahirapan yang sarili mong magkaayos kayo kung pati sya ayaw nyang magkaayos kayo."

"What do you mean?"

Hinawakan nya ng mahigpit ang kamay ko. "I think its time to let him go. Ahm, I'm not telling this because we argue last time. Concern lang talaga ko sayo" sabi nya habang nakatitig sakin. "Ayukong makita kang nahihirapan ng ganyan. Nandito naman ako, Jay. You don't need him, nandito na naman ako para alagaan at mahalin ka. Kaya hayaan mo nalang syang lumayo sayo."

"Seryoso ka, Kenzo?" napatayo ako at bahagyang napalayo sakanya. "His my long time friend, tapos sasabihin mong hayaan ko nalang syang tuluyan akong iwasan? Naririnig mo ba yang pinagsasabi mo ngayon, Kenzo? Malaki yung utang na loob ko kay Kye dahil never nya kong iniwan when I was down. Tinaboy ko sya noon pero never nyang naisip na iwan ako. You don't know how Kye mean to me, Kenzo."

Napatayo si Kenzo at niyakap ako. Hindi ko napigilang mapaiyak dahil sobrang bigat talaga ng pakiramdam ko ngayon. Bat parang ang hirap para kay Kenzo na maintindihan ako? Bat parang gusto pa nyang tuluyan kaming magkasiraan ni Kye kaysa tulungan akong magkaayos kami? Bakit sya ganyan? Bakit mas gugustuhin nyang mawala si Kye sa buhay ko? Hindi ba nya alam kung gaano kahalaga sakin si Kye? Hindi nya ba alam na para ko ng kapatid si Kye?

"I'm sorry, love" sabi nya the he kissed the top of my head. "I'm sorry."

"Gusto ko lang namang magkaayos kami. Bat parang ang hirap gawin nun?" patuloy sa pagtulo ang mga luha ko at mas hinigpitan pa ni Kenzo ang pagkakayakap sakin. "Sana maintindihan mo yung pinagdadaanan ko ngayon? Di ko kayang maging ganito nalang kami. Para ko na syang kapatid, Kenzo. Para ko na syang kapatid."

Hinagod ng palad nya ang likuran ko. "Tahan na. Sorry, di ko sinasadyang sabihin yun. Sorry, love. Tahan, na" he hold my face then wipe my tears.

Napahugot ako ng malalim na hininga at tumingin sakanya. "Usap nalang tayo mamaya, gusto ko munang mapag isa."

Taste of BulletsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon