CHAPTER 20

88 33 51
                                    

Taste of Bullets

Written by: Binibining Fool

CHAPTER 20

Nabalitaan kong dalawang araw ng absent si Kenzo. Actually, pangatlong araw na pala ngayon na hindi sya pumapasok. Narinig ko rin mula kay Flyn na hindi narin nya nakikita si Kenzo sa site.

After ng nangyari samin, hindi ko na sya muling nakita. Wala siguro syang balak ayusin tung relasyon namin. Wala siguro syang balak magpaliwanag sakin. Siguro, totoo talaga yung sinabi ni Amethyst. Siguro nga, niloko lang ako ni Kenzo.

Ano kaba naman, Jay? Bat mo pa hinihintay yung explanation nya? Halata namang wala syang balak gawin yun. That guy is heartless. Wala syang paki kung may nasasaktan na sya. Your so stupid, self. Your so stupid!

Ano bang klaseng utak meron ka? Bat di mo maintindihan na pinaglalaruan nya lang ang feelings mo. He will never love a girl like you. Ikaw parin yung pipichuging Jay na nakilala nya nung highschool. A girl na ginagamit lang for his temporary happiness. Your so fucking stupid self!

Yung pagsampal ko sakanya kulang pa yun. Kulang pa yun sa sakit na pinaramdam nya sakin sa gabing yun.

Sobrang sakit. Hearing those dirty words mula sa babae nya, sinong tanga ang hindi masasaktan. Nag expect na ko e. Naniwala nako sakanya. Naniwala nako na nagbago na sya. But at the end, sinaktan nya parin ako.

Jay, bigyan mo naman kahit kunting pride yung sarili mo. You should stay away from him. Kailangan mo na syang layuan. Kailangan mo na syang kalimutan.

But sad to say.. I'm weak.

Hindi ko kayang kalimutan sya. Hindi ko kayang mawala sya. I don't know what pushes me to love him sa kabila ng ginawa nya. I don't know kung bat ganito ako katanga sa pag ibig. All I know is, mahal ko sya. Na kaya kong tiisin lahat, wag lang syang mawala sakin.

I was stupidly in love with him.

Mahal na mahal ko sya pero hindi ako sigurado kung anong nararamdaman nya para sakin. If his serious with me or pinaglalaruan nya lang ako.

Galit ako pero mahal ko parin sya.

Nasasaktan ako pero mahal ko parin sya.

Mahal ko sya. Mahal na mahal ko sya.

What's wrong with you Kenzo? Alam mo namang mahal na mahal kita pero bat mo parin nagawa sakin to? Why?

Palagi kitang iniintindi pero bat di mo magawang maintindihan ang feelings ko para sayo. Mahal kita pero sobrang mapanakit kana.

Tama na, Jay. Wag kanang magdrama. Your just wasting your fucking tears sa lalaking never kang sineryoso.

Enough..

Pag usapan nalang natin yung case na bigla syang naglaho na parang bula.

Nagtataka kaming lahat dahil walang sinu man sa amin ang may alam na nangyari sakanya. Pati narin ako, nakwe-question na nila kong nasan daw ang boyfriend ko? Kung ano nabang nangyayari sakanya? Hindi ko magawang sagutin ang mga tanung nila dahil wala rin akong alam. Hindi ko alam kung anong pinaggagawa nya sa buhay nya. Pakiramdam ko nga, parang wala na syang paki sakin. Pakiramdam ko, wala akong halaga sakanya.

Walang mga empleyado sa kompanya kung bakit hindi sya pumapasok. Ang nakwento lang ni Nam at Sam samin, nakita daw nilang nagmamadali at natataranta si Kenzo na umalis ng site. Pinaharurot pa nito ang kotse at wala parin silang ka ide-ideya sa mga nangyayari sakanya.

Hindi nasabi ni Kenzo kila Nam at Sam kung anong nangyari. Basta nalang itong umalis at hindi na nagawang magpaalam. Hindi narin sila nakapagtanung kay Kenzo dahil agad itong sumakay ng kotse at nagmaneho palayo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 01, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Taste of BulletsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon