Taste of Bullets
Written by: Binibining Fool
CHAPTER 11
FLASH REPORT
[ Tuloy tuloy parin ang giyerang nagaganap ngayon sa Marawi. Marami ng sibilyan ang nadamay at ang iba ay lumikas na palayo sa lugar. Gantihan parin ang putukan ng baril at mga pagsabog ng bomba sa pagitan ng mga militar at terorista. Tinatayang nasa 20 sundalo na ang sugatan at sampo naman ang namatay makalipas lamang ang dalawang linggong bakbakan. Inaalam pa namin ang ibang detalye ng pangyayari at sinisikap parin naming hingin ang pahayag ng isa sa mga opisyal ng militar upang mabigyang linaw ang kaguluhang nagaganap ngayon sa Marawi.]
Napatingin sakin si Via pagkatapos nyang mapanood ang report. "Hanggang ngayon hindi parin natatapos yung giyera sa Marawi. Kawawa naman yung mga sibilyang nadadamay sa gulo" sabi nya at naupo sa tabi ko.
"Oo nga, Architect Levisca" ani ni Sam na kararating lang dala ang mga files nya. "Mas kawawa talaga yung mga batang wala pang kalaban laban pagnadamay sa giyera. Sana matapos nayan no."
"Ang laki na ng damage sa place nayun. For sure, mahihirapang bumangon yung mga mamayan na nakatira dun" dugtong naman ni Nam.
Tahimik lang akong nakikinig sa usapan nila. Ang weird kasi ng feeling ko ngayon, para akong kinakabahan at nababalisa basta nakakapanood ako ng mga reports na may kinalaman sa giyerang nangyayari sa lugar nayun. Nang mapanood ko nga ang news nayun kanina biglang sumagi sa isipan ko si Razen. Hindi ko talaga maintindihan bat lagi kong naiisip si Razen, maybe naninibago lang ako dahil ilang linggo narin syang hindi nagpaparamdam sakin. Masama talaga ang kutob ko.
"Jay? Ayus ka lang?" napatingin ako kay Via ng bigla syang magsalita.
"Huh? Ye-yeah" nahihiya kong tugon sakanya. "May iniisip lang ako. Ano na nga pala yung pinag uusapan nyo?"
"Hay, naku. Ito talagang si architect Ramirez palagi nalang may iniisip" natatawang sabi ni Nam. "Di ba napapagod yang utak mo, architect?"
"Parang di na kayo nasanay, ganyan na ganyan sya dati pa" tugon ni Via. "Sinalo nya kasi lahat ng problema sa mundo, tingnan nyo, single parin sya. Wag talaga kayong gagaya dyan kay, Jay. Deserve nyong makatikim ng mahabang talong."
"Wag kayong magpapaniwala dito kay, Via" sagot ko. "Dahil pagnakinig kayo sa babaeng to, naku, masisira talagang kinabukasan nyo."
Nagtawanan naman sina Sam at Nam, kita kong naparoll eyes sakin si Via.
"Anyways, maiba nga ko. Matanong ko lang single pa ba yung si Engineer Kenzo?" mahinang tanung ni Sam. "Narinig ko kasing usap usapan sa office na nasa loob daw ng building nato yung ex nya na matagal na nyang hinahanap."
Napaubo naman ako ng hindi sinasadya ng marinig ang sinabi ni Sam. Napatingin silang tatlo sakin kaya nag peace sign nalang ako para magpatuloy na sila sa pinag uusapan nila.
"Ano? May ex si engineer sa loob ng building nato? Seryoso ba yan, Sam?" tanung ni Nam. "Baka gawa gawa mo lang yan."
"Hindi nga" sagot ni Sam. "Kalat na nga to sa buong building e kasi na kwento daw ni engineer sa isang employee dito about sa ex nyang matagal na nyang hinahanap and luckily daw nakita na nya."
"Ang swerte naman nung babaeng yun" ani ni Nam. "Biruin mo matagal syang hinanap ni engineer. Kung ako lang talaga yung ex ni engineer makikipagbalikan talaga ko sakanya."
"Hep,hep,hep" pag eksina ni Via. "Kung ako lang yung ex girlfriend ni engineer never akong makikipagbalikan sakanya. Alam nyo kong bakit?" nakataas kilay na tanung ni Via.
"Bakit?"sabay na tanung ni Nam at Sam.
"Kasi gago sya" sagot ni Via. "Kung alam nyo lang kung anong nangyari sakanila nung girl, I'm sure hindi nyo masasabi yan. Diba, Jay?"
![](https://img.wattpad.com/cover/305470951-288-k483136.jpg)
BINABASA MO ANG
Taste of Bullets
RandomMost women fall for businessmen, engineers, doctors, lawyers and architects but in my case? I feel inlove with a soldier. -March 23, 2022