CHAPTER 7

257 251 18
                                    

TASTE OF BULLETS

Written by: Binibining Fool

CHAPTER 7

Napatigil naman ako sa pagluluto ng marinig kung mag ring ang phone ko. Agad agad akong lumapit sa may dining area para sagutin ito. Di ko napigilang mapangiti at ma excite ngunit naglaho agad yun ng makita ko ang name ng caller.

Kye Sullivan..

Napasimangot ako ng makita ang pangalan ng caller. Akala ko talaga si Razen yung tumawag, ilang days ko na kasi syang hindi nakakausap. Ano na kayang nangyari sa hayop nayun? Tinutoo ba nya yung sinabi ko sa restaurant na layuan na nya ko? Pero nakapag usap na naman kami, sabi nya okay na daw kami pero bat hindi na sya nagpaparamdam? Nagtatampo ba sakin yun? May nasabi na naman ba kong hindi maganda, the last time that we talk? Parang wala naman. Siguro busy lang talaga sya.

Pero teka, bat ko ba hinahanap ang ugok nayun? Diba enemies kami? Bat ko hinihintay yung call nya? Jusko. Nababaliw naba ko? Nababaliw na ba ko dahil hinahanap ko sya?

Napabuntong hininga nalang ako saka sinagot ang tawag.

"Hello?"pagsagot ko.

Bumalik ako sa kitchen para muling tingnan ang niluluto ko.

[Akala ko wala kanang planong sagutin yung tawag ko. Bagal, kala mo naman may ginagawa.]

"Nagluluto ako, okay?" mataray kong sagot sakanya. "Oh? Bat ka ba napatawag?"

[Wala lang. Namimiss lang kita.]

"Che! Gusto mo lang akong bwisitin" tugon ko. "Sige, bye na. Baka masunog pa yung niluluto ko dahil sa pangungulit mo."

[Ang sungit. May period ka ba ngayon, Jay? Gusto mo bilhan kita ng--]

Humalakhak sya ng tawa kaya muntikan nang magsalubong ang kilay ko.

"Taena mo!" sagot ko at binaba ko na yung tawag.

Nakakainis! Talagang wala na syang ibang gustong gawin kundi bwisitin ako. Taena!

Nagring ulit yung phone ko at di ko na sinagot ang tawag nya. Nakaka-bad trip talaga ang gagong yun. Kainis!

Pagkatapos kong magluto, nilagay ko na sa lamesa yung bowl na may laman ng adobo. Nag pop naman ang phone ko then I receive a message from Via. Jusko. Himala yatang nag message ng ganito kaaga yung gagang to.

Napatingin naman ako sa orasan at 6:30 pa ng umaga kaya napatingin ulit ako sa phone at tiningnan ang message ni Via.

[From: Via]
𝑃𝑤𝑒𝑑𝑒 𝑏𝑎 𝑘𝑜𝑛𝑔 𝑝𝑢𝑚𝑢𝑛𝑡𝑎 𝑑𝑦𝑎𝑛 𝑠𝑎 𝑐𝑜𝑛𝑑𝑜 𝑚𝑜?☺️

[Sure] message sent.

[From: Via]
𝐴𝑛𝑜 𝑝𝑎𝑙𝑎𝑛𝑔 𝑢𝑙𝑎𝑚 𝑚𝑜?☺️

[Adobo] message sent.

[From: Via]
𝐴𝑛𝑜𝑛𝑔 𝑘𝑙𝑎𝑠𝑒𝑛𝑔 𝑎𝑑𝑜𝑏𝑜 𝑦𝑎𝑛, 𝐽𝑎𝑦☺️

[Adobong manok] message sent.

[From: Via]
𝑃𝑎𝑘𝑖𝑏𝑢𝑘𝑠𝑎𝑛 𝑛𝑎𝑙𝑎𝑛𝑔 𝑦𝑢𝑛𝑔 𝑑𝑜𝑜𝑟 𝑛𝑔 𝑐𝑜𝑛𝑑𝑜 𝑚𝑜 𝑘𝑎𝑠𝑖 𝑛𝑎𝑠𝑎 𝑙𝑎𝑏𝑎𝑠 𝑛𝑎𝑘𝑜☺️

Muntikan ko ng mabitawan yung phone ko nang mabasa ang message nya. Jusko. Text sya ng text sakin yun pala nasa tapat na sya ng condo ko. Kaloka. May pa tanong tanong pa sya kung pwede ba syang pumunta sa condo ko yun pala nandito na sya. Talagang nawala na sa katinuan tung si Via.

Taste of BulletsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon