TASTE OF BULLETS
WRITTEN BY: BINIBINING FOOL
CHAPTER 19
"Sam, napansin mo ba kanina yung lockscreen ni Engineer Kenzo tapos yung wallpaper nya" narinig kong pagkukwento ni Nam habang kumakain kami sa cafeteria.
"Yes, yung batang babae na mukhang 6 years old. Kaano ano kaya yun ni Engineer?" tugon ni Sam. "Posible kayang anak nya yun?"
"Hep, hep" pagsingit ni Via at isa isang tinuro sina Sam at Nam gamit ang tinidor na hawak nya. "Hindi nya anak yun. Engineer Kenzo is not married, okay. Kung magkakaanak man sya, edi kay Jay yun. Isipin nyo nga kung ilang years yung ginugol nya para mahanap tung mahiwagang petchay ni mari."
Napahalakhak sila ng tawa ng marinig ang hirit ni Via. Kahit kilan, hindi talaga nagsasalita tung babaeng to nang walang halong kalaswahan.
"Sabagay may point ka naman, Architect Levisca. Pero what if--"
Hindi na natapos ni Nam ang sasabihin nya dahil agad syang pinigilan ni Via. "Manahimik ka nalang dyan, Nam. Kumain ka nalang dahil baka gutom lang yan."
Patuloy lang ako sa pagsubo ng food na inorder ko. Napaisip ako saglit, what if nga may anak na si Kenzo kaya ganun nalang ka confident yung Amethyst na lait laitin ako. What if yung batang wallpaper ni Kenzo ay anak talaga nila ni Amethyst pero tinatago nya lang sakin.
What if--
What if pag totoo yung hinala nila kakayanin ko ba? Kakayanin ko bang tanggapin ang mga bagay kung sakaling totoo man ang sinasabi nila? Maraming tanung at pagdududa ang bumabagabag sa isipan ko ngayon. Pakiramdam ko, parang may bagay akong gustong malaman pero hindi ko alam kong kakayanin ko ang maaari kong matuklasan.
"Mari, ayus ka lang?"
Napalingun agad ako kay Via ng marinig ang tanung nya. Nakatingin silang lahat ngayon sakin kaya bahagya akong napaayos ng upo at pinunasan ng tissue ang labi ko.
"Bakit?" nakangiti kong tanung sa kanila. "Sorry, kung medyo wala ako sa sarili. Di kasi maalis sa isip ko yung project namin ni Engineer Monteviano, bukas na kasi kami haharap sa nagpagawa nung blueprint ng hospital."
"Mabuti nalang talaga at yan ang iniisip mo" tugon ni Via.
"Bakit? Ano ba satingin mo ang iniisip ko?" natatawa kong tanung sakanya.
Alam ko naman kong anong pinopoint ni Via pero kailangan kong magpanggap ngayon na parang wala akong paki sa mga usap usapan ng iba tungkol kay Kenzo. Sana'y na naman akong lokohin ang sarili ko, siguro dahil narin to sa na experience kung panloloko ni Kenzo.
Sa totoo lang, hanggang ngayon hindi pa kami nakakapag usap. Both of us are busy sa trabaho, palagi syang nasa site at palagi din akong nasa office. Siguro mabuti narin na magkalayo kami sa isa't isa para naman pansamantala kong makalimutan yung panlolokong ginawa nya.
Nandito parin yung sakit sa puso ko. Hindi ko parin magawang kalimutan yung sinabi ni Amethyst sa restaurant. Lahat ng masasakit na nangyari sa date namin ni Kenzo ay inilihim ko lahat. Walang sinumang nakakaalam sa status namin ngayon ni Kenzo. Mas mabuti naring walang makaalam para walang ibang taong makialam
"Ito kasing sina Sam at Nam, pinagchichismisan yung jowa mo. Anak nya raw yung nasa wallpaper at lockscreen ni engineer, diba hindi naman mari?" sabi ni Via. "Pero, matanung ko nga lang. May kapatid ba si engineer?"
"Wala."
"WHAT!"
Nabigla ako sa naging reaksyon nilang tatlo at dun ko lang narealize na nadulas ako sa pagkakasagot sa kanila. Mas lalo ko lang silang binibigyan ng clue para paghinalaan si Kenzo na anak nya yung nasa wallpaper at lockscreen ng phone nya. Jay, ano na naman ba tung ginawa mo! Mas lalo mo lang pinapalaki yung issue. Taena! Anong gagawin ko ngayon? Pano ko ipapaliwanag sa kanila ang sagot ko? Pano ko sila mapapaniwala sa sasabihin ko? Naloloka nako sa mga oras nato.
![](https://img.wattpad.com/cover/305470951-288-k483136.jpg)
BINABASA MO ANG
Taste of Bullets
DiversosMost women fall for businessmen, engineers, doctors, lawyers and architects but in my case? I feel inlove with a soldier. -March 23, 2022