CHAPTER 1

381 334 48
                                    

Taste of Bullets

Written by: Binibining Fool

CHAPTER 1

Its already 8:30 in the morning at 9:00 ang pasok ko sa trabaho. Ang bilis talaga lumipas ng oras parang kanina 7:00 palang e.

Binilisan ko na ang pag aayos ko at lumabas agad ng condo. Hindi nako nakapag almusal sa sobrang pagmamadali.

Napatakbo na ako papunta sa elevator. Jusko naman. Late na late na talaga ko. Maya maya pa nasa kotse nako at bumabyahe patungo sa company. Mabuti nalang talaga may himalang nangyari, hindi masyadong traffic.

Pero kahit papano wala parin akong ligtas sa sermon ng boss namin pag naabutan nya kong late.

Dumating na agad ako sa work station at nilapag ang mga blue prints pati nayung bag na dala ko.

Nagpunta ako sa kitchen ng office namin para magtimpla ng kape kasi hindi ako nakapagkape nung nasa condo pa ko kanina.

Naabutan ko si Via na nagtitimpla din ng kape. Sabay pa kaming humikab kaya napatawa nalang kaming dalawa.

"Puyat ka, mari?"tanong nya habang hinahalo yung kape nya.

"Oo, te. Ang dami kong binasang magazine kagabi. You know? For future references. Ang aarte ng clients ko lately e. Nakakailang revise pa ko sa pinapagawa nilang plano" sagot ko saka hinipan yung tinimpla kong coffee.

"Ay? Yun lang?"nakasimangot nyang sagot. "Kala ko pa naman parehas tayo ng reason kaya pareho tayong puyat."

"Why? Ano bang ginawa mo kaya ka puyat?" curious kong sagot saka nilagok ang tinimpla kong coffee.

"I'm stalking Mr. Atienza. Naalala mo yung new client na nameet natin? Myghud. His so handsome."

"What the!" halos mabitawan ko yung kape ko dahil sa sinabi ni Via. "Seryoso ka, Via?"

She nodded. Yung tango na akala mo walang maling sinabi. Talagang hindi nahihiya tung babaeng to na magshare ng mga kalokohan nya.

"Oo" ani nya. "Grabi ang pogi pala nya? Tapos I stalk his status then I find out na single sya. Omyghud! May chance ako sakanya."

Talaga bang pinanganak syang maharot. Kaloka!

"Te, tigil- tigilan mo yang kaharutan mo."

Tumawa lang si Via, "Bakit? Normal lang namang maging maharot, ha. Napaka KJ mo talaga."

"Hindi ako kj" sagot ko.

"Palagi ka nalang ganyan" sagot nya. "Kaya di ka nagkakajowa e."

"Mas okay na yung wala akong jowa kisa maging maharot." sagot ko.

"Sigurado ka dyan, mari?" muli nyang tanung.

"Oo" direktahan kong sagot. "Kahit tumanda pa kong dalaga, walang kaso sakin yun. Sayang lang oras ko sa ganyan."

Tawa lang ng tawa si Via. Gustong gusto nya talaga kong asarin sa mga pinagsasabi nya.

Napatigil lang kami sa pag uusap nang biglang pumasok si Flyn --coworker namin at pamangkin ni boss. Slash kakambal ni Lucifer. Slash yung bitch ng kompanya, kala mo naman kung sinong maganda.

Maganda naman yung trabaho ko dito kahit na mababa lang yung sahod, masaya naman sya. Nagiging masaya lang kami pag absent tung si Flyn.

Nakakainis kasi sya, kasi feeling nya sya yung boss namin at dapat sya yung palaging nasusunod dito sa office.

Hello? Empleyado rin naman ang bruhang yan gaya namin. Purket pamangkin sya ng boss akala mo kung sino kung umasta.

Nagsimula kaming mainis sakanya nang landiin nya dati yung isa naming ka trabaho na boyfriend ni Hera---kasama kong empleyado sa kompanyang pinagtatrabahuan ko.

Taste of BulletsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon