Taste of Bullets
Written by: Binibining Fool
CHAPTER 17
Palabas nako ng condo ng maabutan ko si Kye sa labas na nakasandal sa pinto ng unit nya. Hindi ko alam kong anong ginagawa nya sa labas kasi di nya naman ugaling lumabas ng condo lalo na pag wala syang pupuntahan.
"May date kayo ni Kenzo?" seryoso nyang tanung. "Bihis na bihis, ha. Talaga bang final nayan? Wala ng atrasan"
Lumapit sya sakin habang nasa bulsa ang magkabila nyang kamay.
"Final naba yan Jay Ramirez?" muli nyang tanung. "Maraming pwedeng mangyari sainyo tonight. Make sure na hindi ka magsisisi. Saka, ready naba talaga yang heart mo? Fully healed naba talaga? "
"Kye, naman" tugon ko at hinawakan ang braso nya. "Date lang naman tung pupuntahan ko. Don't worry, mag iingat naman ako. Saka si Kenzo yung kasama ko, I'm safe with him."
"Sino namang nagsabing nag aalala ako sayo? I'm just asking if your heart was fully healed. Baka kasi biglang mag skip ng beat yan."
I give him a hugged. "Wag mo na kong sungitan" nakanguso kong sabi sakanya. "If you want samahan mo ko. Hindi yung nangangatwiran kapa ng kung ano ano dyan."
Tumingin sya sakin at pinitik ako sa noo. "Next time nalang. Saka hindi ako nangangatwiran no. Nagsasabi lang ako ng totoo. Doctors never lie in front of people."
Bumitaw ako sa pagkakayakap sakanya at napasimangot. "Okay po, doc."
Hinawakan nya ang chin ko. "A simple tip from your doctor. Bawal ang nakasimangot if your going on a date, hindi funeral yang pupuntahan mo."
"Che!"
"Halika nga dito" he pull me closer to him. "Pero seryoso, enjoy your date, Jay. Pag nagka problema tawagan mo ko, gising ako 24/7."
"Daig mo pa si kuya kung magcare sakin, ha" sabi ko. "Baka pagsinanay mo ko sa ganyan mahirapan akong mag adjust kapag iniwan mo na ko at bumalik kana ng abroad."
"Talagang inaalala mo yung pagbalik ko ng abroad" tawang tawa nyang sagot sakin. "Baka pagselosan ako ni Kenzo nyan."
"Tanga, alam nya namang friends tayo kaya di ka nun pagseselosan."
"Sabi mo yan, ha. Kasi naghihintay lang ng chimpo tung kamao kong masuntok yung pagmumukha nya" palabiro nyang sabi sakin.
"Kye!"
"Biro lang naman" wika nya at kinulong ang mukha ko sa magkabila nyang palad. "Alis na, baka mainip si Kenzo kahihintay sayo sa dating place nyo, tapos magtampo sayo. Hindi kapa naman marunong manuyo. Kasi ikaw pa yung nagpapasuyo. "
"Talagang nagagawa mo pa kong asarin no?"
"Nagsasabi lang ako ng totoo, Jay. Masama bang maging honest? "
"Bwisit ka talaga."
He laughed. "Basta mag ingat ka, Jay. Sana di ka ulit paiyakin ni Kenzo. I hope he will take care and protect you more that what I did. Mahalaga ka sakin, Jay. Ayukong masaktan ka ulit" he said.
Ngumiti lang ako sakanya. "He will, Kye" sagot ko. "I have to go, bye!"
"Take care" pahabul nyang salita.
Nagwave ako sakanya bago ako tumakbo papuntang elevator. Hindi ko na sya nagawang lingunin pa dahil sobrang excited akong pumunta sa date namin ni Kenzo. Pakiramdam ko, para akong bumalik sa pagiging teenager. Ibang klaseng excitement tung nararamdaman ko ngayon e. Mas grabi pa sa naranasan ko nung college.
Nang makarating ako sa restaurant na sinabi ni Kenzo ay agad ko syang hinanap.
Nahagilap ng mga mata ko si Kenzo na nakaupo sa isang table. Nang makita nya ko agad syang tumayo at ngumiti sakin. May dala pa syang bouquet of flowers dagdag pa natin yung suot nyang mas lalong nakapagpagwapo sakanya.

BINABASA MO ANG
Taste of Bullets
Ngẫu nhiênMost women fall for businessmen, engineers, doctors, lawyers and architects but in my case? I feel inlove with a soldier. -March 23, 2022