Chapter 8

64 2 0
                                    

FIRST and LAST

Saturday 2008

*CARLO's POV*

Masaya kong binbasa ang itinerary ng magiging bakasyon namin ni Justine sa Singapore. Out of the country ang regalo ko sa kanya sa graduation day niya.

Matagal na panahon ko itong pinag-ipunan.

Tama kayo, naging kami nga ni Justine. Nung una ko pa lang siyang nakilala alam ko ng tagilid din siya. It took a while before he finally decided to come out.

Retreat ng grupo sa Cebu that time, we already had a mutual understanding ni Justine, we were just ignoring it. He was not certain kung ano ba talaga, hew was in denial, hanggang sa ma-enlighten siya during the retreat to embrace who he really was.

It was a relief that he finally admitted that, yes, he's gay. Walang naging kaso kina Jerick and Martin, magkababata sila and they find it so brave of Justine to face reality.

Justine on the other hand never had an issue with his family, tanggap siya ng Mom and sister niya. 

This is it! bulong ko sa sarili we will be celebrating his graduation day and of course our second anniversary as a couple!

BEEP! TEXT MESSAGE!

Text message galing kay Justine, akala ko magpapahinga na siya. Hindi ko ma-explain pero parang biglang humilab tiyan ko. Am not feeling good about this. Sh*t. Ano ba 'tong iniisip ko? Kinakabahan ako, probly, excited? Tama!

"Meet me sa harap ng dorm niyo, will be there in 15 minutes, see you" text message ni Justine. Too much ah? 9 na ng gabi makikipag-kita pa? I am clueless kung ano ang pakay ni Justine. But i know him, ganito siya pag nati-tense, kabado siguro for tomorrow's ceremony, siguro nga.

And then i found myself seating on a bench sa harap ng dorm namin, naka payong ako because it is really raining so hard. Then i saw his car coming. Parang ayoko siyang kausapin. Am not liking this feeling, please Lord, pakalmahin mo po ako.

Pumarada na siya sa harap ko. Wala siyang payong so i have to go near him para makasilong siya.

"Hi Jat. Tara pasok ka sa loob, nakiusap na ako sa lady guard na makapag-stay tayo sa receiving area kahit saglit" paunang sabi ko sa kanya.

"No, we can stay here. Am not staying for long naman eh" sagot niya.

Naguguluhan ako, i was shaking and i do not know why, siguro dahil malamig or baka something else.

"Carlo, am going to be honest with you." pagpapatuloy niya pero hindi makatingin sakin ng tuwid.

"Ahaha ano kaba, you've been honest naman eh, always, kaya sanay na ako. Go tell me, ano meron?" nanginginig na ako, am not really feeling well about this.

Hindi siya sumagot, he stared, intensely. He held my hand, hinalikan niya yun. I can feel that he was also shaking.

"Ano ba kasi yun? About the trip ba? May lakad ba kayo ng Mom mo? We can resched naman eh. Anytime that will fit your schedule, yun ba?" nangangatog kong sagot sa kanya.

"I can't do this anymore" and he started crying.

"Ha? Anong ibig mong sabihin?" nahihilo na ako sa sobrang pagka-clueless.

"I am breaking up with you" he said.

Biglang tumahimik ang paligid ko. Nakabibingi. My heart was pounding hard, it is as if it wanted to explode.

"Ah, ano kaba, this is not a good joke Jat ah? Sige na pahinga ka na pagod ka lang" pinalalakas ko ang loob ko.

"You heard me right Carlo, i fell out of love. Am leaving, kinabukasan after my graduation. Pupunta na kami ng Paris, for good." ang mga nakakabingi niyang mga salita.

Umuulan ng gabing iyon, nasa tapat kami ng dorm, nakaupo sa bench at magkasukob sa iisang payong. Ubod ng lakas ang ulan na parang nakikidalamhati sa nararamdaman ko ng mga panahon na iyon. Sunod-sunod ang patak ng ulan kasabay ng pag-agos ng aking naguunahang mga luha.

"please don't do this to me" mahina at pautal-utal na sambit ko "hindi ko kakayanin" dugtong ko ng wala akong marinig na salita mula sa kaharap ko.

I held his hands. Humigpit din naman ang kanyang hawak sa mga kamay ko pero akala ko assurance iyon, na para bang he is willing to stay, ngunit bumitiw din siya agad.

Tumayo na ang kaharap ko, ramdam ko ang kanyang pagaalinlangan, pero nagawa niyang magsalita ng hindi man lang ako tinitingnan "let us not make this complicated, wag na nating pahirapan pa ang isa't-isa" bumuntong hininga siya bago ituloy ang mga salitang talagang nagpahina sakin.

"i have to go, for good, you'll never see me again. goodbye" walang lingon likod siyang naglakad papunta sa kanyang kotse. Naiwan akong nakatulala sa kawalan, dinig ko ang unti-unting pagkawala ng ugong ng kanyang sasakyan, hudyat na nakalayo na ito.

Wala na akong nasabi pa, hinayaan ko na lamang lamunin ako ng katahimikan habang patuloy ang pagyakap sa akin ng malamig na gabi.

The Unexpected Love (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon