The PARTY
*MIGGY's POV*
I got a text message from Dad asking kung nasaan na ako banda. Am on my way dun sa engagement party ng step sister ko. Yes, ikakasal na yung babaeng anak ng second wife ni Dad. Hindi kami close pero mababait naman sila.
Nabanggit sakin ni Dad na dalawa ang naging anak ni Tita Rita bago ito nabyuda, yung youngest, lalaki nakabalik na rin from Paris. Hindi ko pa yun nami-meet ever since nagsama sila Dad and Tita Rita, today palang.
Sa Batangas gaganapin yung engagement pero 'di ko inixpect na mala mansion pala ang bahay nila. Papasok na ako sa gate at hinarang ng dalawang guards ang kotse ko.
"sir? name po nila?" tanong sakin nung isamg guard.
"Miggy. Miggy Salazar." tipid na sagot ko.
"ahh ok sir check lang namin sa list po ah?"
Nakapasok din naman agad ako. Sobrang laki ng bahay, maraming sasakyang ang nakaparada. Ito labg ang bahay na nakita kong may lobby, napansin kong may mga taong nakapila, papasakay isa-isa sa elevator.
YES. May elevator ang bahay. Ang gara naman nila Tita Rita. Bulong ko sa sarili. Tahimik akong nag-aabang na makasakay ako ng may biglang kumalabit sa likuran ko.
"Hi!" tipid na bati nito ng bahagyang nakangiti. Ng makilala kung siya, napangiti narin ako. Si Carlo pala, bakit kaya siya nandito?
"Carlo, bisita karin pala dito? Hindi ko alam na kakilala mo yung i-eengage. Sino ba yung friend mo yung guy or yung step sister ko?" pang-uusisa ko.
Halatang nagulat si Carlo sa mga nabanggit ko, hindi niya siguro akalaing may step sister akong ikakasal. "Step sister mo pala yung client ni Mama? Tingnan mo nga naman oh, small world" sagot niya sabay ngiti.
Nasa loob na kami ng elevator, saglit lang naman yun. Nasa likod ako ni Carlo at 'di ko maiwasang maamoy siya, ang bango, amoy baby cologne hehe.
Pagkalabas namin bumungad ang isang magarang garden. Madami na ang tao, inilibot ko ang aking tingin sa mga guests. Saan kaya sila Dad naka pwesto? bulong ko.
Nawala si Carlo sa tabi ko. Nalungkot naman ako bigla. Hinanap siguro Mom niya. Nagpatuloy ako maglakad 'till i saw someone walking towards me.
She's in her early 50's, may pagkamalabo na kasi talaga mata ko, i was wearing contact lenses that night. And i recognized her, her voice, "Good evening iho!" and she hugged me.
"Hi Tita Rita! You look gorgeous!" i hugged her back. Mabait naman sakin ang family ni Tita Rita kaya hindi ko kelangan mag-adjust masyado.
"I thought you were with someone earlier! Nakita na kasi kitang lumabas kasama nung ibang bisita." We were having a drink sa mga oras na yun, Tita Rita is so sophisticated in her red gown, kaya talagang nagustuhan siya ni Dad.
"Ang dami niyo po palang guests Tita." Medyo crowded na kasi yung place, and parang any moment mag-uumpisa na ung event.
"Ahhhh mostly bisita ng Dad mo iho, you know politicians, mga kasama niya sa armed forces" malumanay na sagot nito "He's so excited na maikasal si Sophie, kayo naman kasi ng Ate mo masyadong busy sa career hahaha"
"Hindi naman po kasi pa ata ready magpasakal si Ate, nagiipon eh, tska di pa naman po kasi siya niyayaya ng kasal nung boyfriend niya haha" pagpapaliwanag ko.
"I know Ingrid is a very responsible lady! Balang araw engagement naman niya ang pupuntahan natin ahaha" kahit pag tawa ni Tita Rita may class hehe "Eh how about you? Wala ka bang girlfriend? Or nililigawan man lang?" pasundot na tanong nito.

BINABASA MO ANG
The Unexpected Love (boyxboy)
RomanceThis is Carlo's story. Ang taong ini-embrace ang pagka-trauma sa pag-ibig. He fell in love big time pero natuldukan din eventually. Hindi naman niya pinagsisisihan ang mga nangyari pero para sa kanya sapat na iyon para hindi na muna magmahal. Nakasa...