Chapter 6

105 2 0
                                    

The MEETING

Gabi na ng nakauwi kami ni Candace. Niayaya ako pa siya para pumasok sa loob at makapag-kape saglit. "nah, uwi na rin ako, getting late buti ikaw nakiangkas ka lang ako magmamaneho pa" pang-aasar nito. Hindi na ako hinintay pa makasagot, nag-flying kiss nalang ito at saka pinaharurot ang sasakyan.

Tahimik naman akong pumasok ng bahay, aakyat na sana ako kaso napadaan ako sa may pool. Mahangin ang gabi, malamig. Pag ganito naman talaga ang panahon nakakalungkot bulong ko sa sarili habang nakaupo at nakalublob sa tubig ang mga paa ko.

Hindi ko namalayang tumabi sakin si Mama. "good evening anak, parang napapalalim ang mga iniisip mo recently ah? you can share, i am willing to listen" sabay abot ng isang wine. My mom aside from cooking, loves wine. "nothing serious Mom, nakakamiss lang yung mga araw na kumpleto tayo, tayo nila Dad" sagot ko naman.

Nakita kong sumeryoso ang mukha ng mama ko, tumitig sa kawalan saglit, bumuntong-hinga at tumingin sakin. "Son, there are things in life that needs to happen for us to learn, para mas lalo pa tayong tumatag" seryosong sagot nito "wala naman atang may kasalanan to whatever happened to me and your dad, he fell out of love, hindi ko naman pwedeng ipagpilitan ang isang bagay na hindi na talaga pwede" pagpapatuloy nito, sabay ngiti.

"I understand Mom, you did your best para 'di lang tayo iwan ni Dad, you did your part and i admire you dahil nagawa mo siyang palayain" sagot ko naman at sabay yakap ng mahigpit.

"Uhh kaya love kita my son, alam kong ok ako dahil kakampi kita" maluha-luhang sagot nito. "i will always be here for you Mom, i love you, you know that!" sabay kiss sa pisngi niya.

"I know iho! oh siya nga pala, since off mo pag weekends, samahan mo ako this saturday. May engagement party tayong pupuntahan" excited na pagyayaya niya.

"Kaninong party naman yun Ma? eh alam mo namang hindi ko hilig ang mga ganyang events" nakasimangot kong sagot. "hay naku you have to join, tayo kasi yung nag-prepare ng food for the event, so i have to be there, sayang ang mga future clients!" pangungumbinsi nito.

Malakas talaga sakin ang Mom ko, wala siyang favor na hindi ko sinusunod "Ok ok i'll go with you, pero saglit lang ako Ma ha?" pagsuko kong sagot. "great! oh siya you rest na, hinintay lang talaga kita ngayon, sleep tight bebe love" sabay yakap ng mahigit.

*CARLO's POV*

Maaga akong pumunta sa office kinabukasan, hindi na kami nagkita ng Mom ko nung breakfast sabi kasi nila Manang she went to work na, nagmamadali daw. Probly  it was an urgent meeting with clients talagang kina-career ng Mom ko ang expansion ng business namin.

I am driving at the moment at kausap si Candace, ayos lang naman na mag take ng call while driving, naka blue tooth naman yung headset ko eh so i can still talk while driving.

"Asan ka na ba kasi banda? As in saan kana as we speak?" pangungulit ni Candace. 

"Am still along quezon avenue, sobrang traffic may fun run ata sa circle kaya grabe ang mga sasakyan at tao sa daan, nakakaasar." yamot kong sagot sa kanya.

"Well, mukhang mali-late ka today! Hindi ka na talaga natuto, diba nga dapat umaalis ng maaga?" pansesermon nito habang naririnig kong humihigop siya ng kape.

"Maaga akong umalis ---" mageexplain pa sana ako ng bigla nalang itong nagsalita ulit. Mahilig talaga siya mang-interupt. 

"Hep hep hep! Hindi maaga ang 7:30AM na aalis mula sa inyo Carley. The last time i check 8:00AM ang pasok natin!" lalo pa niyang pang-aasar.

"Malapit na ako, wag kang masyadong confident na mali-late ako" tipid na sagot ko nalang dito.

"Whatever, oh siya i'll see you later ah? Don't forget we have a meeting with a cllient today" paalala nito.

The Unexpected Love (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon