The SUITOR
*CARLO's POV*
Nakarating kami ni Candace sa Coffee 'n Sweets sa Taguig. Ito yung pinaka unang branch ng Mom ko. And yes! coffee shop siya na may samu't-saring cakes.
Hindi na ako nagdala ng sasakyan dahil may dala naman si Candace. Binati kami ng staff pagkapasok namin sa place. Umorder na kami at sa labas pumwesto kasi magyoyosi 'tong bessie ko.
Nagyoyosi na siya pagkalabas ko after ko sumaglit sa loob para kausapin si Rita, ang store manager nung site.
"stuy! natetense ka ba beh?" pang-gugulat ko sa kanya. "ano ba naman yun?!" paubo-ubo nitong sagot,mukhang nakalunok ng usok.
"pano mo naman nasabing tensyonado ako?" dugtong nito ng nakabawi na. "well sinabi sakin nung ash tray, kakaupo mo palang naka apat na sticks kana. hinihithit ang yosi hindi nginangata" pang-aasar ko, mukhang seryoso nga itong paguusapan namin.
Bumuntong hininga siya habang dinidikdik yung yosi sa ash tray, nahilo ata siya bigla.
"so anong sasabihin mo sakin?" paguumpisa ko, ng maraming segundo na ang nakalilipas at 'di pa siya nagsasalita.
"uhm ano kasi yun..." pagaalangan niya.
"arte mo, pa celebrity ka, 'di effective" pangaalaska ko.
"sumeryoso ka nga! serious matter 'toh. malala." umayos ito ng upo at tumingin sakin ng deretso.
"bessie i think, am in love.." at ako naman ang naubo sa sinabi niya.
"again? kanino na naman? at hanggang kelan ito tatagal?" sunod-sunod kong pagtatanong.
"ayan ka na naman tinuldukan mo na agad! eh kasi di ba alam mo naman kung gaano ako ka fan ng love at first sight?" paliwanag niya habang nagba-blush.
sumeryoso na rin ako, kelangan ko 'tong paalalahanan ulit. "bes, kilala naman talaga kita eh at susuportahan kita diyan sa kahibangan mo, kasi mukhang masaya ka naman at ginusto mo yan"
Hinawakan ko mga kamay niya "ang akin lang mag invest ka pa ng oras para mas lalo siyang makilala" pagpapatuloy ko "yung last mo halos 6 months kang nagpaligaw pero nag break kayo nung pang 8th month niyo" pagpapaalala ko.
"alam ko naman yun Carley, kaya nga mas kikilalanin ko nga siya, malakas ang pakiramdam ko na siya na nga" sagot nito habang nangingislap ang mga mata niya.
Sinubuan ko na lang siya ng cake, gusto kong ipasak sa bibig niya yung buong slice ng cake pati platito. "am just here for you no matter what happens" tumango lang ito.
*MIGGY's POV*
Nagising ako dahil sa mga mahihinang katok. Naguunahang dumilat yung mga mata ko na feeling ko sobrang bibigat.
Nagpatuloy ang pagkatok. Uhhh nakakatamad talaga bumangon pag weekends. Tumayo na rin ako kasi wala naman atang planong tantanan ako nung kumakatok.
"Miggy pasensya na't kelangan kitang gisingin. Aba't alas-dos na at di ka pa bumabangon. Nag skip ka na naman ng lunch, hindi yan mabuti iho." si Manang Selya pala yung nasa pinto.
"ahhh hapon na po pala? oh sige ho bababa na ako at pahanda nalang po ng makakain" naramdaman kong kumukulo pala tiyan ko.
"oh siya sumunod kana ah? paborito mo ang inihanda namin, kaldereta!" sagot nito bago umalis.
Ginanahan naman akong kumilos kaya after kong makapagpalit ng pambahay bumaba na agad ako at dumiretso sa dining.
Sinalubong naman agad ako ni Bubbly ang Rotweiller kong aso at Bubbles yung Pomeranian naman ang breed.
BINABASA MO ANG
The Unexpected Love (boyxboy)
RomanceThis is Carlo's story. Ang taong ini-embrace ang pagka-trauma sa pag-ibig. He fell in love big time pero natuldukan din eventually. Hindi naman niya pinagsisisihan ang mga nangyari pero para sa kanya sapat na iyon para hindi na muna magmahal. Nakasa...