Chapter 2

147 3 2
                                    

The VISITOR

*MIGGY's POV*

Bumaba na ako sa kotse ni Carlo pagkatapos ko magpaalam. Mukhang may sasabihin pa sana ito pero hindi na niya hinayaang marinig pa ang mga iyon. Hindi ko din maintindihan ang sarili ko recently. Parang nawiwili ako sa kakulitan at presensya ni Carlo.

Yes! I Am Gay. Pagkukompirma ko sa sarili ko. Discreet lang ako dahil na din sa mahigpit kong ama. General ang tatay ko ng Philippine Navy. Tanging ang ate ko na talagang close ko ang nakakaalam lang ng tunay kong pagkatao.

My mom died because of breast cancer 4 years ago. Super close din ako sa mommy ko nung nabubuhay pa ito. Pero everything changed nung mawala siya. Naging tahimik ang lahat at parang nawalan ng kulay ang paligid namin.

Nagpatuloy nalang akong maglakad, tutal malapit nalang yung subdivision namin dun sa pinagbabaan sakin ni Carlo. Nag doorbell na ako ng narating ko ang tapat ng bahay at pinagbuksan naman ako ni Manang Selya, ang pinakamatanda naming kasambahay at ang tumatayong tagapamahala sa buong bahay.

Sinalubong ako ng matanda ng nakakunot ang ulo. "Sir Miggy? Asan ho ang kotse ninyo? Pasensya na at natagalan kong buksan itong pinto, hindi ko naman inaasahang masisiraan kayo ng sasakyan"

Ngumiti nalang ako sa kaharap ko. Hindi naman talaga sira ang kotse ko iniwan ko sa ibang floor ng parking  sa building ang kotse ko. Gusto ko kasi talagang sumabay kay Carlo, lalo na nung nagkataong naiwan niya yung susi niya.

Magkasabay kaming naglakad papasok ng bahay. Tinulungan naman ako ni Manang dalhin ang mga gamit ko. Hindi na ako tumanggi dahil napapagod na rin ako. Medyo malayu-layo pala yung nilakad ko kanina hehe.

"Kumain ka muna iho bago magpahinga, magpapahanda ako ng makakain." sabi nito. "Ay wag na ho Manang, busog pa ho ako at gusto ko na talagang magpahinga medyo nabigla ako sa paglalakad kanina" sagot ko naman.

"Hay naku bata ka, pwede naman kasing mag taxi ng naipasok ka deretso dito, hindi yung naglakad kapa." masyado talagang maalaga si Manang Selya kaya naging close din samin ito ng kapatid ko.

"Oh siya gagawa nalang ako ng gatas at ipapahatid ko sa kwarto mo, inumin at ubusin mo yun ha?" tuluyan na siyang bumaba pagakatapos naming maiakyat amg gamit ko sa kwarto.

Nagshower ako saglit at paglabas ko nasa maliit na lamesa ko na ang gatas. Dalawang lagok lang ubos agad. Mahilig din kasi ako uminom ng gatas kahit ngayong 26 na ako.

Ako lang tao sa bahay ngayon, well two weeks ng ganito. Si Dad kasi nasa pangalawa niyang family. Yes, nag-asawa ulit siya, 2 years after mamatay ni Mama.

Ang ate ko naman flight attendant ng isang Europian Airlines. Minsan dito siya umuuwi or dun sa Condo niya sa Taguig, bumibisita nalang ako sa kanya pag may chance.

Nakahiga nalang ako ngayon, titig sa Cellphone ko. 10:35 PM na. Wala siyang text. Bulong ko sa sarili ko. Konting paghihintay pa, maaga pa naman eh. Ng 'di ko namamalayang nakatulog na pala ako. Walang text.

*CARLO's POV*

Nakapag-park na rin ako sa wakas. Sobrang traffic dun sa way na dinaanan namin ni Miggy kanina kaya mag i-eleven na ng maka-uwi ako.

Dalawa nalang kami sa buhay ng mom ko. Simula nung sumakabilang-bahay ang Dad ko a year ago. Yep, separated parents ko. Maraming beses na kasing nahuli ng Mom ko na nangbababae si Dad kaya ayun pinapili niya, ending dun sa kabit sumama yung tatay ko.

Sobrang sama ng loob ng mama ko dahil sa nangyari, akala ko di nasiya makaka-recover but here she is, she's enjoying life. "Mukhang malalim ang iniisip ng binata ko ah?" sabi nito.

The Unexpected Love (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon