FIRST LOVE
*CARLO's POV*
Natapos din ang mga activities namin para sa first day of classes. Marami narin akong nakilala from our department pati narin sa dorm.
Naghiwa-hiwalay na kaming lima sa hallway ng dorm, yeah, nasa iisang dorm kaming lahat. Kami ni Justine ang roommates, sina Jerick and Martin naman sa ibang room and of course si Candace sa kabilang wing.
Magkasabay kaming naglalakad pabalik ng room, tahimik lang, medyo mahaba kasi ang hallway at nasa may bandang huli yung kwarto namin.
Napaka-interesting nitong si Justine, may mga oras kasi na madaldal siya pero yung feeling ko na pag nararamdaman niyang kasama pala nila ako bigla siyang tatahimik. Kaya hindi na rin ako nagkiki-kibo eh.
Nakarating na kami sa room namin, siya nagbukas nung pinto, pagkapasok niya hinawakan pa niya yung door hanggang sa makapasok ako, in all fairness akala ko hahayaan niya akong itulak yung door, getleman.
Wala pa rin siyang imik pagkapasok namin. Ako naman diretso sa higaan, humilata muna ako, nakakapagod kasi talaga.
Maya-maya nakarinig ako ng mahinang tugtog, nagpapatugtog siya gamit ang ipod niya. 'Di naman kalakasan yung tunog kaya ok lang.
Fan siguro siya ng boyce avenue. Napansin ko kasing hindi nagiiba yung kumakanta sa playlist niya. Nakatalikod siya sakin sa mga oras na iyon.
Grabe, sobra naman sa pagka-awkward. Hindi ko alam bakit sobra naman siyang tahimik. Bulong ko sa sarili ko habang pinagmamasdan siya na busy sa pagscroll ng songs niya sa ipod.
Tumingin nalang ako sa kisame, nung napagod yung mata ko ipinikit ko ang mga ito. Naramdaman ko na lang na may lumabas ng kwarto.
Lumabas si Justine, nagpi-play pa rin yung mga kanta nito, hindi niya pinatay. Nakita ko din yung mga hinubad niya sa kama nito. Ahhh maliligo ata, magsa-shower din ako pagkatapos niya.
Napabalikwas ako. Medyo madilim yung paligid, tanging ilaw sa lamp shade lang ang meron. Nag-adjust ng konti yung mata ko sa dilim. Hayysss nakatulog pala ako, hindi pa ako nakakapagpalit ng damit, kaya pala ang init!
Napatingin ako sa kabilang kama. Tulog narin pala si Justine at... naka topless na naman ito at.. boxers ba yan? Goodness naka boxer brief siya! Napalunok nalang ako at pinilit ko nalang tumayo para mag-shower.
Umaatake na naman pagka-bakla ko, shi* kasi yung katawan niya, ang ayos ng pagkakahulma. Bulong ko sa sarili habang titig ako sa salamin ng banyo.
Maganda rin naman katawan ko ah? soccer player din kasi ako nung highschool pero wala akong balak na sumali sa soccer team ng university. I have to focus.
Tahimik na pagbalik ko sa kwarto. Lowbat na siguro yung ipod. Nakatagilid na siya patalikod sakin. Naramdaman niya sigurong tinitingnan ko siya kanina.
Pero 'di ko talaga mapigilan ang sarili kong humanga sa mga nakikita ko. Ang lapad ng balikat ni Justine at uhmm malaki din ang pwet hehe gusto ko rin talaga ang mga guys na ma pwet.
Humiga na ako pagkatapos mag-ayos. Tanging lamp shade ni Justine ang nagbibigay ilaw sa buong kwarto. Hindi siya siguro sanay sa madilim.
Ipinikit ko nalang mga mata ko at hinayaan ko nalang dalhin ako ng diwa ko sa isang napaka gandang panaginip.
*JUSTINE's POV*
Hindi ko ma-explain kung bakit apektado ako masyado sa presensya ni Carlo. Naasar ako na hindi ko maipaliwanag.
Malakas ang sense of humor ni Carlo kaya 'di ko ring mapigilang makinig sa kanya pag nagki-kwento ito. Tumatahimik nalang ako baka kasi nako-kornihan siya sa mga pinagsasasabi ko eh.
Alam kong nakatingin siya sakin sa mga sabdaling iyon kaya kunwari busy ako sa pagscroll ng songs ko sa ipod. Bakit ang lakas ng pakiramdam ko, baka feeling ko lang naman na nakatingin siya.
Kaya nung medyo natagalan na ako sa pagkukunwaring busy nilingon ko na siya, dahan-dahan. Tulog na ang mokong, wala atang balak magpalit, sabagay first timer eh, pagod na siguro.
BINABASA MO ANG
The Unexpected Love (boyxboy)
RomanceThis is Carlo's story. Ang taong ini-embrace ang pagka-trauma sa pag-ibig. He fell in love big time pero natuldukan din eventually. Hindi naman niya pinagsisisihan ang mga nangyari pero para sa kanya sapat na iyon para hindi na muna magmahal. Nakasa...