Chapter 1

306 4 1
                                    

The PAST

Saturday 2008

Umuulan ng gabing iyon at nasa tapat kami ng dorm, nakaupo sa bench at magkasukob sa iisang payong. Ubod ng lakas ang ulan na parang nakikidalamhati sa nararamdaman ko ng mga panahon na iyon. Sunod-sunod ang patak ng ulan kasabay ng pag-agos ng aking naguunahang mga luha.

"please don't do this to me" mahina at pautal-utal na sambit ko "hindi ko kakayanin" dugtong ko ng wala akong marinig na salita mula sa kaharap ko.

I held his hands. Humigpit din naman ang kanyang hawak sa mga kamay ko pero akala ko assurance iyon, na para bang he is willing to stay, ngunit bumitiw din siya agad.

Tumayo na ang kaharap ko, ramdam ko ang kanyang pagaalinlangan, pero nagawa niyang magsalita ng hindi man lang ako tinitingnan "let us not make this complicated, wag na nating pahirapan pa ang isa't-isa" bumuntong hininga siya bago ituloy ang mga salitang talagang nagpahina sakin.

"i have to go, for good, you'll never see me again. goodbye" walang lingon likod siyang naglakad papunta sa kanyang kotse. Naiwan akong nakatulala sa kawalan, dinig ko ang unti-unting pagkawala ng ugong ng kanyang sasakyan, hudyat na nakalayo na ito.

Wala na akong nasabi pa, hinayaan ko na lamang lamunin ako ng katahimikan habang patuloy ang pagyakap sa akin ng malamig na gabi.

Friday 2011

"hoy Carley! anong arte yan? ginagawa mong hobby ang pagiging tulaley lately ah?"

Nagitla ako ng may pumalakpak sa harapan ko, balik present time na pala ako, di ko namalayan ang oras. Lunch break na at eto ginugulo na naman ako ng super bessie ko.

Siya nga pala si Candice. Bessie ko na siya freshie palang kami nung college. Pareho kaming junior member ng Marketing and Advertising Dept ng isang sikat na travel magazine ang - Echo Mag.

"at ikaw naman nawiwili ka na lagi akong ginugulo" nakasimangot kong sagot.

"eh kasi naman malayo palang kami, abot tanaw na naming yang mukha mong masalimuot!" bwelta naman nito habang papaupo siya sa lamesa ko.

Nang dahil sa ginawa ni Candice dumako ang paningin ko sa bulto na kanina pa pala nasa likod niya. Matangkad, moreno, may salamin, tahimik at nakangiti. Dahilan para mag-hang na naman ako saglit.

"ehem, baka ikatunaw ko yang mga titig mo" sabi nito ng napansin niyang titig na titig ako sa kanya.

"ha? ah.. eh? excuse me Miggy, pero hindi ikaw ang tinitingnan ko noh? asa!" depensa ko naman pero alam kong namumula na ako.

Ngumiti lang ito ulit na para bang sinasadya pang palitawin ang magkabilang dimples niya.

Siya naman si Miggy. Ka wave namin siya sa trabaho, so bali kasabay namin simula pa nung training. Nagkahiwalay lang after kasi napasama siya sa Publishing Dept, professional photographer din kasi ito.

Habang kinakalikot ni Candice ang mga files ko sa PC dahil may isisend na email ito before kami mag lunch hindi ko talaga naiwasang kilatisin pa lalo ang gwapong mukha nitong si Miggy habang nakayuko ito at para bang abala sa pagtingin ng mga pictures sa dala nitong DSLR.

Imbis kasi atupagin nito ang maghanap ng girlfriend mas gugustuhin pa ata nitong laging sukbit ang camera. Bakit nga wala pa itong jowa noh? bulong ko sa sarili ko.

"alam mo kung hindi pagdi-day dream ang hobby mo yang pagtitig kay Miggy pinagkakaabalahan mo" biglang sabi ni Candice habang nakapangalumbaba at nakaharap sa akin.

"baliw! hindi ko naman gawain ang mag day dream noh? wag mo ipasa sakin yang gawain mo!" depensa ko na naman sabay irap kay Candice.

"oh wow may pagirap talaga? dukutin ko kaya yang mata mo? tumayo kana diyan at nagaalburuto na talaga tong tiyanene ko" walang prenong sagot nito na may kasabay na hampas sa braso ko.

The Unexpected Love (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon