Chapter 4

132 4 0
                                    

GLIMPSE

Monday 2006

*CARLO's POV*

Freshie day! College student na ako! pabulong kong sigaw. Luckily natanggap ako sa isa sa pinakasikat na school sa bansa. Ang UP Diliman.

Pangarap ko na talagang makapasok dito kaya kahit sa Cebu ako nag highschool goal ko na talaga ang makapasa ng UPCAT.

And here i am a Broad Comm freshie!

Maaga akong pumunta ng school para mauna kong mabisita yung dormitory namin. May bahay kami dito sa Manila pero ang diniclare ko is yung residence namin sa Cebu.

Priority kasi ng school yung mga taga province pagdating sa mga dormitories. Luckily ulit nakapasok naman ako, gusto ko kasing maging independent, pumayag naman Mom ko.

At eto nakatayo ako sa harap ng Yakal Dorm.

Nagaalangan ako pumasok kasi napaka dami ng tao. Wala naman kasi akong schoolmate dito nung highschool. Lakasan lang 'to ng loob, kelangan ko ng magtanong sa admin para makita ko na kwarto ko at maayos ko na tong mga gamit ko.

Hahakbang na sana ako ng may kumalabit sakin. Nalingunan ko ang isang cute na babae. Todo ngiti siya sakin. Nginitian ko na rin siya at akmang tatalikod na ako ng magsalita siya.

"Hey ako nga pala si Candace! freshie ka rin? mag che-check in kana ba?" tanong nito.

Sunod-sunod niyang tanong. "Hello i'm Carlo. Uhm oo freshie ako, check-in narin sana, 10 AM ata kasi start ng General Assembly sa College namin eh, so kelangan ko ng magaayos ng gamit" sagot ko naman.

"Ahhh ganun ba, since tapos ko ng hanapin yung room ko tutulungan na kita. Right wing para sa girls, yung Left wing naman nung dorm sa guys, so saang wing ka?" nakangising tanong nito.

Halata ba akong bakla? Hindi naman ako cross dresser. Malalim pa nga boses ko eh. "Eh di sa left wing ako" sagot ko na may pagka yamot.

"Haha no offense meant, pero tell me, are you straight?" pangungulit nito.

May pagka straight forwad talaga 'tong si Candace pero yung 'di nakakainis. Bumuntong hininga naman ako "Uhm well nope. Am Gay" pag-amin ko naman.

"Seriously?" nanlaki ang mga mata nito "lahat nalang ba ng mukhang matinong guys eh mostly gays?"

"Hindi lang ako mukhang matino, matino naman talaga ako" pagpapatuloy ko habang nakapila kami.

"Nakakaloka kayo!! Well anyways i can't do anything about it. Matagal ko na rin namang pinangarap na magkaroon ng bestfriend na bekie" kwento nito habang may pinipirmahang form.

"Ha? Ako? Bestfriend mo na agad? uhm eh sakin ok lang dahil wala naman akong kakilala dito." masyado naman ata siyang agresibo.

"Oo Bff agad-agad, dun din naman tayo papunta unless magbago ang preference mo at maging GF mo ako but other than that, yes, super bessie na kita!" sabi nito at ibinigay na ang form dun sa front desk.

Weird naman nito. Hiningi nung receptionist yung registration form ko for verification at pagkatapos nun binagay na susi ko at itinuro na ang room ko.

**Room 206**

Tiningala ko yung pintuan, ang laki naman. Kumatok ako ng bahagya, silence, katok ulit, this time mas malakas ng konti, silence.

Pinihit ko yung door knob nung walang sumagot. Malaki din namn yung room may pagka old fashioned lang. Di naman ata ito nirerenovate. Dalawang bed? so parang bed space din pala to sa isip-isip ko.

The Unexpected Love (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon