A/N: Jusko mga, 'te. Mukhang 20+ chapters lang story ni, Knight at Lili. Hahaha. Ang haba na kasi ng word count ko. Hahaha. Anyway, this is the update of Chapter Seven. Please, follow me for more info and spoilers about this story. Chos. Hahaha
***
MALIWANAG na nang magising ako kinabukasan. Umupo ako sa aking kama at napabuntong-hininga. Nakatulog ako matapos mag-bangayan ni Knight at Fey sa baba kahapon. Ang akala ko, hindi na 'ko makakatulog dahil sa malambot na higaan, pero dahil bantay sarado ako ni Knight, kusang pumikit ang mga mata ko at dinalaw ng kadiliman.
Muli akong bumuntong-hininga at pupungas-pungas na tumayo. Inilibot ko ang paningin sa paligid at naghanap ng tuwalya. Maliligo muna siguro ako bago bumaba, hindi na rin masiyadong masakit ang pang-upo ko kaya makakatulong na siguro ako dito sa bahay. Ayoko namang maging pabigat.
Nag-tungo ako sa CR, nagbabaka-sakaling may makitang tuwalya doon, at hindi nga ako nagkamali. May nakita akong tuwalya na nakasabit sa loob. Isinarado ko ang pintuan ng banyo at naghanap ng tabo at tubig para makapag-simula na akong maligo.
"Ha... bakit walang tabo?" Kunot-noong tanong ko sa sarili habang inililibot ang paningin sa paligid. "Nasaan din ang tubig? Bakit wala?"
Nag-salubong ang kilay ko at pumasok sa may tila silid sa loob ng banyo. May nakita akong parang mahabang batya na kulay puti. Wala sa sariling hinubad ko ang mga suot kong damit at pang-baba bago ako sumampa at humiga doon.
Namilog ang mata ko nang may tumagas na tubig sa may bandang ulunan ko. Paano nagkaroon ng tubig dito? Wow... ang galing.
Marahan akong tumayo sa batya para hindi madulas, at itinapat ko ang sarili sa tubig. Wow... ang sarap ng tubig. Hindi malamig, hindi rin mainit, sakto lang.
Marahan akong lumabas ng batya at nakita ko doon ang paghinto ng tubig na umaagos. Bakit tuwing nakatapat ang ulo ko, doon lang umaagos? Napailing-iling ako at naghanap ng shampoo at sabon sa paligid. Nang makahanap ako, muli akong tumapat sa may gripo upang makapag-simula ng maligo.
Nang matapos akong maligo ay kinuha ko ang tuwalya at tinapis iyon sa katawan ko. Nakangiti akong lumabas ng banyo habang humuhuni. Ngunit agad akong napatili nang makitang may panget na lalaking nakaupo sa higaan ko.
"Fey! Ano ba 'yan! 'Wag ka namang manggugulat!" Napahawak ako sa dibdib dahil sa pagkabigla. Si Fey lang pala, nakakagulat naman at bigla-biglang pumapasok ng hindi nagpapa-alam.
"Sorry naman." Kinamot niya ang ulo at tumayo. Nag-iwas ako ng tingin nang pasadahan niya ng tingin ang kabuuan ko. "Ay, pak. Kung magiging top lang ako, papatulan kita, beks. Jusko, ang puti-puti mo, ang ganda-ganda mo. Kaso wit! Parehas longadog ang bet natin!"
Nakahinga ako ng maluwag nang kumalma ang aking paghinga. "Hindi kita maintindihan." Napailing-iling ako. "Pwede bang lumabas ka muna, Fey? Mag-bibihis lang ako saglit, hintayin mo na lang ako sa labas."
Nakita ko ang pag-taas ng isang kilay niya. Pinag-krus niya ang kaniyang mga braso at mataray na humarap sa 'kin. "Bakla, parehas lang tayo bekilats dito. Kaya ok lang kahit makita ko pa 'yang gorgeous body mo, kasi meron din ako niyan!"
Huminga ako ng malalim. Wala akong maintindihan sa sinasabi niya. "Ayusin mo naman ang pag-sasalita mo, Fey. Tagalog-in mo para maintindihan ko." Mahinahong sambit ko.

BINABASA MO ANG
Claimed Beauty (Burning Dominance #4)
General FictionA Collaboration Series. (On-going) Lili, a gentle and innocent gay working as a rug vendor, unexpectedly becomes entangled with the affluent Fulgencio family when he starts working for their company. His boss, the captivating and irresistible Knight...