CHAPTER 12

1.5K 74 15
                                    

A/N: Haluuu! Happy 12K reads kay, Lili and Knight! Maraming salamat sa patuloy na nag-babasa at nagpa-follow! Mahal ko kayooo! Expect the next update by next week...? Haha. Sana magtuloy-tuloy na itoo. Pasensiya na at na-busy/procrastinator ang writer na ito. Haha. Maraming salamat sa pag-hihintaaay palagi!

Bigyan niyo akong 'fafa' para bumilis ang update. Haha. Charotz!

Anyway, maraming salamat ulit and happy reading!




***




AKMA ko sanang bubuksan ang pintuan nang silid kung saan naririnig ko ang  mga ungol nang biglang may humawak sa kamay ko.

Napahinto ako sa aking gagawin at nag-angat ng tingin sa lalaking may ari ng malalaking kamay na iyon. Hindi ko alam ngunit bigla akong nahiya nang makita ang kaniyang napaka-gwapong itsura na ngayon ay seryosong nakatingin sa akin.

"Don't." Matigas at malalim ang kaniyang tinig na nakapag-bibigay ng kilabot sa akin. Naramdaman ko ang pag-akyat ng dugo sa mukha ko ng lumapit ang mukha niya sa akin.

Ano ang sabi niya? Paniguradong ingles na naman iyon. Bakit kasi ang yayaman ng mga tao rito, pati iyong mga nagta-trabaho rito ay umi-ingles na rin. Pero... ang lapit ng mukha niya sa akin... hindi naman siguro niya ididikit sa akin ang mapula niyang labi, hindi ba?

Ang gusto ko kasi... ang gusto ko kasi, si Knight lang pwedeng gumawa sa akin no'n, ayaw ko ng ibang lalaki, siya lang ang, anong nga ulit ang tawag doon? Parang narinig ko iyon, e. Kis-kis ba iyon?

Ah, basta. Si Knight lang papayagan kong mag-kis-kis sa akin na iyan. Ayaw ko ng iba, ayaw ko ng ibang lalaki.

Suminghap ako ng hangin sa aking mga naisip. "A-ano... kasi..." Hindi ako makatingin sa kaniya. Nahihiya ako at hindi komportableng salubungin ang kaniyang mga malalalim at makahulugang tingin.

"I know you. You are the boy with, Knight, right?" Seryso ang kaniyang pagkakatanong niya sa akin noon, hindi man lang siya nangiti. Nakahawak pa rin ang kaniyang malaki at maugat na kamay sa akin.

Ano raw? Knight lang ang naintindihan ko sa mga sinabi niya.

"A-ah, e..." Napag-laruan ko ang aking mga daliri sa aking likuran dahil sa nararamdamang hiya. "N-no, no ingles, am Tagalog-tagalog. No, no, ingles." Hindi makatinging pakiusap ko sa kaniya.

Sana naintindihan niya ang sinabi ko. E, hindi naman ako marunong mag-ingles-ingles na iyan. Wala naman kami sa amerika o sa ibang bansa, bakit ang daming nag-iingles. Ang kinatatakutan ko, baka mag-dugo na ang ilong sa sakit ng aking ulo kakaisip kung ano ba ang kahulugan ng mga ingles na sinasabi ng mga naka-kausap ko.

"You're cute." Nagulat ako ng pisilin ng gwapong lalaki ang ilong ko. Lumayo siya ng konti at biglang sumilay ang isang maliit na ngiti sa kaniyang mga mapupulang labi. "My name is--what I mean is, ang pangalan ko ay Xalvienne, isa ako sa mga abogado ng pamilya ng mga Fulgencio. At ikaw naman ay si?" Nag-lahad siya ng kamay.

Nahihiya ko iyong tinanggap. "Ano... Lili. Lili ang pangalan ko... ano..." nakamot ko na ang noo dahil sa aking hiyang nararamdaman. Napaka-lambot naman ng kamay niya. "Ano... ikinagagalak po kitang makilala, ginoong... ano... Xalvienne."

Napanguso ako nang guluhin niya ang buhok ko. "Xalvienne na lang ang itawag mo sa 'kin. Napaka-pormal mo namang mag-salita, wala naman tayo sa kompetisyon ng Pilipinong talastasan."

"Ano... ah... ano... sige... Xalvienne." Marahan kong iniangat ang aking ulo upang tingnan siya at nakitang nakatingin din siya sa akin, pero hindi katulad kanina, nakangiti na siya ngayon! Lalo tuloy siyang gumwapo! Pakiramdam ko nga ay may laban na ang ka-gwapuhan niya kay, Knight kapag pinag-tabi silang dalawa.

Claimed Beauty (Burning Dominance #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon