A/N: Happy 35K reads CB! Maraming salamuch po sa mga nagbabasa at magbabasa pa lamang! Sana nag-e-enjoy kayo. Kasi ako, hindi. SHAHAHA! Charot! Happy three-kings, mga miii! Ako naman ang pamaskuhan niyo dahil sunod-sunod na yata ang UD?! Kems. SHAHAHA! Happy reading! XD.
Ready na ba kayo sa nalalapit na muling pagkikita ni, Lili at Knight? HEHEHE! ABANGAN SA NEXT CHAPTER--28!
---
MASAKIT. Makirot. Iyon ang aking paulit-ulit na nararamdaman sa araw-araw na lumipas. Nanatili lang akong nakatulala sa kawalan at hindi na mabilang kung ilang araw, o linggo na naman ba ang lumipas. Paulit-ulit lang ang nangyayari sa akin sa bawat araw, gigising, kakain, tutulala, matutulog, gigising, kakain, tulog ulit. Paulit-ulit.
"Iniisip mo na naman ba si, Knight at Diana?" Bulong ni, Cress, sa aking tabi. Napabuntong-hininga siya. "Kasalanan ko 'to, e. Hays. Dapat talaga hindi ko na binuksan 'yong TV nung nakaraan."
"Wala kang kasalanan, Cress... Okay lang ako." Tugon ko at sinubukang pilit na ngumiti.
Napailing siya. "Ok lang? Sapak, do you want?" Namaywang siya. "Stop stressing yourself, Liliénné, stop thinking about that asshole. Tingnan mo nga 'yang tiyan mo, may umbok na, oh." Iminuwestra niya ang tila halos bola na sa tiyan ko. "The baby is growing. Masama para sa bata kung puro negative thoughts or negative vibes ang iyong iniisip at nararamdaman."
Ngumuso ako. "Bakit? Nababasa niya ba ang iniisip ko?" Nagtatakang tanong ko. "Nararamdaman niya ba ang nararamdaman ko?"
"Gaga ka talaga, bakla, 'no?" Umirap siya. "Siyempre, malamang! Iisa pa kayo ngayon ng anak mo, 'no. Nakadugtong ang lahat ng sa inyo--kung paano kumakain, iyong feelings mo na, for sure, nararamdaman niya, at bukod do'n kung paano dumudumi sa loob ng tiyan 'yang si baby. Pati na ang life's span niya, nakadepende rin sa iyo 'yon, nakadepende sa physical, mental, and emotional being mo as his... mother." Napahinga siya ng malalim. "Alam mo bang, puwedeng malaglag ang baby sa sinapupunan kapag na-o-over stress ang nagdadala?"
Napailing ako at nag-iwas ng tingin. "Hindi..." wala sa sarili kong nahipo ang aking tiyan. "Ayaw ko... ayaw kong mawala si, baby ko."
"Then, ayusin mo 'yang buhay mo." Nakangiwing tugon ni, Cress, bago mabilis na lumingon sa pintuan. "Si, Doc Lagdameo 'yan, pustahan." Hindi ko agad naintindihan ang sinasabi niya, hanggang sa narinig ko na lang pag-bukas ng pintuan.
Tama nga ang kaibigan ko. "Magandang araw, Liliénné." Bumaling ang matipunong doktor kay, Cress, at ngumiti rito. "Cress." Tumango siya. "I just drop by to say, na puwede ka nang ma-discharge ngayong araw. Nakausap ko na ang kuya mo at nakapag-bill up na rin siya. Babalik ka na lang dito para sa further check-up mo at para na rin kay baby." Nakangiting litanya niya sa akin.
Nagliwanag ang mukha namin ni, Cress. "Oh, my god! Yes! Makakauwi ka na, baks!" Masayang sambit pa ni, Cress, at inalog-alog pa ako.
"Oo nga. Makakauwi na ako." Pinigilan ko ang kamay ni, Cress, sa pag-alog sa akin. Bumaling ako sa doktor. "Maraming salamat po, Doc." Sinsero kong sambit sa kaniya.
"No worries." Mabilis na napasulyap sa kaniyang relo ang doktor bago mag-paalam sa amin. "Paano? Mauuna na ako, ah? Magra-rounds pa ako."
"Teka lang, doc." Pag-pigil sa kaniya ni, Cress. Nakakunot ang kaniyang noo. "Nasaan na nga pala ang kumare naming si, Doc Lynn? Isang linggo ko na siyang hindi nakikita, a. Marami pa naman akong chika sa kaniya."
Sinakop ng baritonong tawa ang aking silid. "Umuwi na." Napangisi siya. "Iniuwi na siya ni, Achilles, sa Batanes." Napailing-iling ito. "Takot malamangan, e."
![](https://img.wattpad.com/cover/292446241-288-k998813.jpg)
BINABASA MO ANG
Claimed Beauty (Burning Dominance #4)
Ficción GeneralA Collaboration Series. (On-going) Lili, a gentle and innocent gay working as a rug vendor, unexpectedly becomes entangled with the affluent Fulgencio family when he starts working for their company. His boss, the captivating and irresistible Knight...