CHAPTER 13

1.8K 67 25
                                    

A/N: Paabutin niyo 'ko mga 500 followers. Hahaha. Kimi lang! Salamat sa mga nagbabasa at sa patuloy na nag-hihintay ng update! Ok, game na. Tapusin na natin 'tooo! Mag-sisimula na ang inis niyo kay, Diana mula sa Chapter na ito! Hahaha! *evil laugh*

Happy reading!




***





"STOP it, Knight." Biglang nag-salita si, Diana, at marahang iniharap ang mukha ni, Knight, sa kaniya. Inilapit niya ang kaniyang mukha dito at bigla itong hinalikan.

Napakagat ako ng pang-ibabang labi. Nakaramdam na naman ako ng kakaibang sakit sa kaibuturan ng aking puso... masakit... makirot... hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko.

Lili, ano bang nararamdaman mo? Bakit ka nasasaktan? Naguguluhan na ako. Nalilito. Hindi ko na maintindihan ang aking sarili. Wala sa sarili akong nag-tago sa likuran ni, Xalvienne, at iniwas ang tingin sa dalawang nasa harap namin.

"I need to take, Lili, away from, Xalvienne, first Diana. Tumabi ka." Malamig na tinig iyon ni, Knight. Ang huling sinabi niya lang ang naintindihan ko dahil nag-iingles na naman siya, pakiramdam ko tuloy ngayon ay napakababa ko at hindi kayang makipag-sabayan sa pinag-uusapan ng mga tao sa paligid ko.

"I told you. He'll come with me. Stop bothering to take him away." Boses naman iyon ni, Xalvienne, napaka-lamig din ng boses nito.

Kahit hindi ko maintindihan ang kanilang mga sinasabi, kahit malamig at malalim ang kanilang mga tinig, alam ko... nararamdaman ko... may namumuong tensiyon sa pagitan ng dalawang maskuladong lalaking ito---si Knight at Xalvienne.

"Huwag mong painitin ang ulo ko, Xalvienne." Naging mapanganib at may halong pagbabanta na ang tinig ni, Knight sa pagkakataong ito. "Give, Lili, back to me. Don't hide him inside of your cheap suit." Lalong sumeryoso ang boses nito. "Alam mo ang kaya kong gawain."

"Tss." Napailing-iling si, Xalvienne. "Then so be it. Who's afraid of you? Me? Nah." Napangisi pa ito. "You are just a spoiled-crazy rich guy, who's under the skirt of your grandmother." Huminto ito sa pag-sasalita at mapang-uyam na tumingin sa kausap. "Nothing more... nothing less."

"HOW DARE YOU TO SAY THAT TO ME!" Namilog bigla ang mga mata ko sa gulat nang marinig ko ang galit na boses ni, Knight. "YOU DON'T HAVE THE RIGHT TO TALK TO ME IN THAT WAY!"

Hala, bakit parang nagagalit na si, Knight? Ano ba ang pinag-uusapan nila? Wala kasi akong maintindihan. Nakukuryoso na tuloy ako sa usapan ng dalawa. Nag-aalala na rin ako sa kung anong kahahantungan ng usapan ng dalawang ito... mamaya mag-away pa sila at magka-sakitan. 'Wag naman sanang mangyari 'yon, matatakot ako at mag-aalala sa kanila pareho, panigurado.

"What? Am I wrong?" Muling ngumisi si, Xalvienne. "That is one of the reason why this boy is not safe in you, you are just a follower of your grandmother. Wala kang sariling diskarte, wala kang sariling desisyon, sarili mo lang ang iniisip mo, eversince it's always been fame, wealth, and sex for you. In short... wala kang kwentang tao."

Bigla ay may kung ano akong naramdaman sa aking puso dahil sa narinig mula kay, Xalvienne. Sigurado ako, malalim na ang sugat ng samahan ng dalawang ito kung kaya't ganito na lang sila kung mag-sagutan. Pero,  teka. Abogado lang naman si Xalvienne ng pamilya nila, Knight, ah? Pero bakit kung umakto ito, ay parang mas mataas pa sa taga-pagmana ng kompanya? Lalo tuloy akong naguguluhan. Sino ba talaga itong si, Xalvienne?

"GAGØ KA! TAKE IT BACK! BAWIIN MO 'YANG SINABI MO! HINDI 'YAN TOTOO!" Ngayon ay nanggagalaiti na talaga ang boses ni, Knight. "YOU DON'T HAVE THE RIGHT TO TELL ME THOSE! I DON'T NEED THAT STVPID LESSON OF YOURS! YOU DON'T KNOW... ANYTHING!"

Claimed Beauty (Burning Dominance #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon