CHAPTER 20

2.3K 73 24
                                    

WARNING: R18+ Read at your own risk.

MARIIN ang naging pag-lunok ko nang ayain ako ni, Knight, na mag-tungo sa kaniyang silid-tulugan. Ngayon pa lamang ako makakapasok doon sa ilang-araw--linggo kong pananatili rito sa kaniyang ipinagmamalaking mansiyon.

Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman sa mga oras na ito. Pinihit niya ang seradura ng pinto noon at tahimik na pumasok doon.

Awtomatiko naman akong sumunod at tila kinakabahan nang makapag-desisyon akong ako na ang mag-sasara ng pintuan. Nanatili akong nakatayo nang muli akong bumaling kay, Knight.

"Now, this is how I wanted a word with you." Pinanood ko ang kaniyang maskuladong katawan nang mag-lakad siya at lumapit sa kama. "Gusto mong... mag-laro?" Na-upo siya roon at mapang-akit na tumingin sa aking mga mata.

"H-ha?" Napatanga ako at hindi agad naka-sagot. "A-anong l-laro?" Nautal ako bigla at tila may kung anong bumara sa aking lalamunan habang pinanonood siya.

"Laro..." Senyas ng kaniyang mapula at mamasa-masang labi sa akin. "A... hard game... just like before." Mabagal ang naging pag-kilos niya nang bigla siyang humawak sa kaniyang suot na hapit na hapit na polo at marahang binuksan iyon habang nag-aalab ang mga matang nakatingin sa akin.

"H-huh? A-a-anong ginagawa mo?" Hindi ko alam kung ano ang aking mararamdaman nang makita kong unti-unti niyang binuksan ang kaniyang suot na polo. "K-knight, a-anong g-ginagawa m-mo?" Napalunok ako ng mariin at pinilit tanggalin ang bikig sa aking lalamunan.

"Mag-lalaro tayo..." Umangat ang gilid ng labi niya habang unti-unting tinatanggal ang botones ng kaniyang pang-itaas. "I just came back from, Russia, hon. Don't you miss me?" Mapang-akit ang kaniyang tinig nang itanong niya iyon.

Napailing-iling ako at nanatili sa aking kinatatayuan. "No, ingles, please." Nahihiyang paki-usap ko at hindi pa rin alam kung ano ang magiging reaksiyon. Kanina lang ay tila dala-dala niya ang apoy ng imyerno sa galit noong makita kami ni, Xalvienne... ngunit... anong mayroon ngayon sa kaniya? Biglang nag-iba... mas lalong naging gwapo... mas naging... mainit.

"Damn. You're so cute." Isang maliit na ngiti ang kumawala sa kaniyang mga labi nang tuluyan nang matanggal ang botones ng kaniyang polo. "I missed you so much. Come--lumapit ka sa 'kin." Napalunok ako at hindi agad nakakilos mula sa aking kinatatayuan nang tumambad sa akin ang maskulado at ma-umbok na dibdib ni, Knight.

"B-bakit...? Ano... ok na a-ako rito." Hindi ko mai-iwas ang aking tingin sa kaniyang machong dibdib at nanatili roon ang aking mga mata. Kay gandang tanawin, kay sarap pag-masdan.

"Mmm, so, you're enjoying the view, huh?" Napatango-tango si, Knight, habang nakatitig nang malagkit sa akin. "Bakit hindi ka kaya lumapit dito sa tabi ko? Para naman mas malaya kang tumingin sa dibdib ko." Namula ang mukha ko nang bigla siyang ngumisi sa huli.

Awtomatiko akong nag-iwas ng tingin habang nag-iinit ang pisngi ko. Nakakahiya, Lili! Bakit ba kasi naroon ang atensiyon mo? Pero kasi... parang ang sarap... hawakan.

"Don't be--I mean, 'wag ka nang mahiya, 'Li. Come on. Tara. Dito ka sa tabi ko. Paliligayahin kita." Matamis ang naging pagkaka-ngiti niya sa akin nang tapikin niya ang kaniyang gilid kung saan niya ako nais umupo.

"A-ano... k-kasi... ano..." Hindi ako maka-apuhap ng mga salitang nararapat na sabihin. Nag-iinit ang mukha ko, nahihiya ako. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa mga oras na ito.

"Come on. Dito ka sa tabi ko, gusto kitang maka-usap." Matamis pa rin ang kaniyang pagkakangiti sa akin. "Tara, dito ka. Let's talk about us." Muli ay tinapik niya ang kaniyang tabi kung saan niya ako pinauupo.

Claimed Beauty (Burning Dominance #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon