CHAPTER 18

1.4K 70 26
                                    

WARNING: Violence. Read at your own risk.

HINDI ko na mabilang kung ilang araw na ang nakalipas simula noong magtrabaho ako sa gusaling ito ng mga, Fulgencio. Noong umpisa akong dinala ni, Knight, dito. Noong tila nakikinita niyang mas magiging maayos at mas ligtas ako rito.

Kay bilis talagang dumaan ng oras, hindi ko namamalayan. Ni-hindi ko alam kung paano ako natagalan ang pananakit--ang pambubogbog sa akin. Hindi ako makapaniwala na nakatagal ako... na buhay pa ako.

Ngunit, ngayon, napatunayan ko na; nagkamali si, Knight. Hindi ako maayos dito, alam ko, hindi ako ligtas sa lugar na ito. Sa ilang araw o linggo ko ng pagta-trabaho rito at pagiging tila alipin ni, Diana, ay mas lumala ang mga pananakit niya sa akin.

Ngayon, oras-oras na akong nakakatanggap ng sampal, masasakit na salita, suntok, tadyak, sa iba't ibang parte ng aking katawan. Madalas na rin akong nahihimatay at nagkakaroon ng malabo at kakaibang panaginip... panaginip na kabilang si, Knight--batang bersiyon nito at iyong tila nakatatanda kong kapatid sa aking panaginip na sa pagkakantada ko ay si... Leopoldo...

Ang nakapagtataka, tila pamilyar na pamilyar ako sa aking mga panaginip--kahit may kalabuan--noong mga nagdaang araw hanggang sa ngayon. May kung ano sa aking loob ang nag-sasabing tunay itong nangyari, na hindi ko maunawaan.

Ngunit, alam ko, imposible iyong magkatotoo dahil hindi naman ako nakatira sa malaking bahay, nakatira lang ako noon sa ilalim ng tulay at nakikitira lamang sa kasalukuyan, wala akong nakatatandang kapatid, ngunit... mayroon akong Knight Andrius Fulgencio--si Knight... na wala na... ang lalaking hindi tumupad sa pangako--pangakong napako... ang protektahan ako.

Si, Knight... simula noong hawakan ako ni, ma'am Diana rito sa kompanya, ay halos hindi ko na siya nakita pa, hindi na siya nagpakita pa sa akin, kahit sa mansiyon ay wala--ni-anino ay wala. Ayon kay, manang Iray, ay madalas na naroon si, Knight sa condo o bahay ni, ma'am Diana. Madalas ay naririnig kong tumatawag siya kay, ma'am Diana sa oras ng pagbabantay nito sa akin at nag-papalitan sila ng matatamis na salita, ngunit ni-minsan ay hindi na ako inalala pa.

Wala na... naupos na ang aking liwanag ng pag-asa... kinalimutan niya na ako.

"M-masakit po, ma'am..." Pa-impit kong ungol nang mahigpit hinawakan ni, ma'am Diana ang aking buhok. Maluha-luha ko siyang tiningnan. "M-ma'am..."

"Ang tanga-tanga mo! Simpleng trabaho ay hindi mo pa magawa ng maayos!" Gigil na aniya at marahas akong binitawan at napasadsad ng malakas sa sahig.

"Sakit..." Lumuluhang bulong ko at nasapo ang aking pang-upo. Sa dami ng aking mga pasa, galos, at sugat sa katawan ay hindi ko na alam kung saan pang parte ang masakit--ang mas masakit.

"Ha! Now, linisan mo 'yang nabasag mo! Ibabawas ko 'to sa suweldo mo! Mas mahal pa 'yang vase na 'yan sa buhay mo!" Isang malakas na sampal naman ang aking natanggap sa aking kanang pisngi.

"O-opo..." Pinigilang kong mapa-ungol sa sakit nang tumugon ako at marahang pinulot isa-isa ang mga piraso ng bubog at inipon sa aking suot na uniporme--ang unipormeng pang-janitor, taga-linis ng paligid ng gusaling ito ng mga, Fulgencio.

"Good. Make sure, na walang bubog ang matitira, ha? Then, kapag natapos ka na diyan, mag-break time ka na, and be back after 30 minutes." Malamig na ani, ma'am Diana habang naka-krus ang kaniyang mapuputing braso. "I'll just have to go to my hubby's office... 'cause he seems so stress lately. I want to make him feel good just for 30 mins." Tila kinakausap niya ang kaniyang sarili dahil malayo na ang tingin niya sa akin.

"Ah, m-ma'am... kamusta na po pala si, Sir Knight..." Humina ng humina ang aking tinig nang basta na lang naglakad si, ma'am Diana, papalayo at iniwanan akong mag-isa sa aking pwesto.

Claimed Beauty (Burning Dominance #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon