"hindi ka pa ba pagod?..." tanong ko kay Jaehyun na nakaupo sa sofa sa aking harapan, "hindi ka pa ba nagsasawa jae? Hindi ka pa ba naawa satin Jae?" pagpapatuloy ko.
Hindi ka pa ba pagod, kasi ako pagod na pagod na.
Mga butil ng luha tumulo sa aking mga mata, nararamdaman kong gusto nyang lumapit, gusto nyang hawakan ako, at punasan ang mga luhang bumabagsak sa aking mga mata. Pero hindi nya ginawa, kasi hindi pwede, masisira ako, lalo.
HIkbing ay lumabas sa kanyang mga labi, tunong ng napaka sakit na iyak ang namutawi sa segundong ingay na nagmula sa kanyang labi. Ang sakit pakinggan, ang sakit sakit maramdaman, pero wala akong magawa, hindi ko siya mahawakan, hindi ko siya mahagkan kasi pagod na ako, ayoko na.
Naramdaman ko ang pagtulo ng kanyang luha sa aking mga kamay, luha ng labis na sakit, luhang dulot ng matingding lungkot, gusto kong sabihin sakanya na kaya ko pa, na panghahawakan kopa ang meron kami, pero hindi kona talaga kaya.
Hanggang dito na lamang siguro kaming dalawa.
"patawad yong, patawad kung pinipilit ko paring kumapit saating dalawa... patawad kung umaasa akong kaya pa nating isalba" bulong nya habang patuloy paring umaagos ang mga luha sa kanyang mata, iyak, hikbi. Ang sakit pakinggan, ang sakit makita.
gusto kong sabihin sakanya na 'kaya ko pa, hindi pa ako pagod' pero hindi ko magawa dahil hindi naman iyon totoo, kasi hindi ko na kaya, at pagod na ako.
Naramdaman ko ang paglalaro nya sa aking mga daliri, haplos na nagsasabihin bumibitaw na siya, na kahit gusto pa nyang kumapit hindi na talaga pwede, kahit gusto pang ipilit, hindi na maari. Isang maliit ngunit totoong ngiti ang sumilay sa aking labi, salamat jaehyun sapag bitaw, salamat jaehyun sa pagpapalaya. Maraming salamat sa pagmamahal na hindi kailan man nagkulang. Salamat, Mahal.
Isang bulong ang aking narinig bago nawala ang lahat,
"magiging isang ganap kanang tala. Mahal na mahal kita, sobra. salamat sa pagmamahal, salamat sa paglaban"