Chapter 8

809 22 0
                                    

Nakarating kami sa Star City. Si Frost na ang pumila para sa tickets namin habang si Winter ay hindi humihiwalay sa akin. Isa isang inabot sa amin ni Frost ang mga ticket.

"Yey!! Let's ride naaa" excited na sigaw ni Winter at tumakbo.

"Winter" sabay naming sigaw ni Frost. Napatingin ako sa kanya pero agad na nag iwas ng tingin nang makitang naka angkla ang braso ni Aliyah sa kanya.

Hinabol ko si Winter para makalayo na din kila Frost. Nauna kaming pumasok ng bata. Tuwang tuwa ito maging ako ay tuwang tuwa sa nakikita ko.

"Tita Jez, let's buy headband para we're cute po" turo ni Winter sa mga parang mickey mouse na headband.

Tumango naman ako sa kanya. Namimili kami ng kulay ng headband ng maabutan kami nila Frost.

"Tita how do I look?" tanong ni Winter

"Pretty baby" sabi ko sa kanya.

"How abou Tita?" Nag pose ako sa harapan ni Winter.

"Gorgeous" napalingon ako kay Frost na siyang nagbigay ng komento.

"Love, how do I look?" napaiwas ako ng tingin nang biglang magsalita si Aliyah.

Love? Ewww, mas maganda pa ring tawaging "misis"

Hinila ko na si Winter palayo sa dalawa. Binayaran namin ang dalawang headband at naunang muli. Sabay kaming nakitili ni Winter sa mga nakasakay nang makita namin ang vikings.

Nilibot ko agad ang mata ko syempre hindi pwede sa mga ganung rides si Winter.

"Let's try the swing Tita"tumakbo agad si Winter sa pila. Sumunod naman ako. Maya maya ay natanaw ko na rin sila Frost. Nakalingkis pa rin si Aliyah sa braso niya.

Tigda dalawa lang ang pwedeng isakay sa isang upuan. Kaya kaming dalawa ni Winter ang magkasama. Bago magsimula ang ride ay nagselfie muna kami ni Winter. Nang magsimula nang umikot at umangat ang swing ay sabay naming itinaas ni Winter ang kamay. Napatingin kami sa likuran namin ng biglang tumili si Aliyah.

"She's so ingay" reklamo ni Winter na ikanatawa ko.

"Aliyah! Stop screaming. Tignan mo ikaw lang ang sumisigaw talo ka pa ni Winter" biglang tumahik si Aliyah matapos pagsabihan ni Frost. Nagkatinginan kami ni Winter at tahimik na napangiti.

Nang matapos kami sa swing ay pumunta kami sa viking na pangbata.

"Ayokong sumakay dyan" sabi ni Aliyah.

"You don't have to" sabi ni Frost at nakipila sa amin. Walang nagawa si Aliyah kundi maghintay sa gilid.

Hindi ko pinapansin si Frost at naka focus lang kay Winter.

"Let's take a groupie" sabi ni Winter. Nagkatinginan kami ni Frost bago nito binuhat si Winter at lumapit sa akin. Napapikit ako nang maramdaman ang paglapat ng malaki nitong kamay sa beywang ko.

"Come closer" bulong nito sa tenga ko dahilan para magsipagkarera na naman ang tibok ng pus ko

Wala na akong nagawa kundi itaas ang camera at ngumiti. Masaya naming pinapanood ang mga sumisigaw na nakasakay sa vikings na pang kids edition.

Napalingon ako kay Frost nang bigla nitong hawakan ang beywang ko at haplusin ito.

"Did I do something wrong?" malungkot na tanong nito. Nahagip kong masama ang tingin sa akin ni Aliyah kaya naman tinanggal ko ang kamay ni Frost na nasa beywang ko.

Pilit akong ngumiti dito at umiling na lang bago tapusin ang titigan namin pero bigla naman nitong hinawakan ang kamay ko.

Sinubukan kong bawiin ang kamay ko pero hindi yun binatawan ni Frost.

Salvador Series #2: Melting His Frosted HeartWhere stories live. Discover now