Chapter 14

1K 21 0
                                    

Habang tumatagal ay nasasanay na akong tinatawag na Mrs. Salvador ng mga katrabaho ko. Lumipat na rin ako sa penthouse na binili ni Frost habang ginagawa ang bahay namin. I can't help but to fall in love with him everyday. Wala siyang kapaguran na isurpresa ako bawat araw.

I really appreciate him na talagang nag aaral magluto para lang mapaghandaan ako ng breakfast. Kahit anong aga ang gising ko ay hindi ko pa rin siya maunahan.

"Mam, may delivery po sa inyo dito sa baba" tawag sa akin ng guard. Napakunot noo naman ako sa tinawag nito.

Wala naman akong inaasahan na delivery na gamit today.

"Baby, may binili ka bang furniture na ngayon ang delivery?" tanong ko sa asawa ko na naghahanda ng agahan namin.

"Wala naman" sagot nito.

"I'll just check downstairs baby. May delivery daw eh" sabi ko dito at nagsuot ng robe para takpan ang pantulog kong suot. "I'll be quick"

Pagkababa ko sa parking lot ay nakita kong may delivery nga.

"Mrs. Salvador po?" tanong sa akin nang makalapit. Tumango lang ako dito at pumunta sa likod para tignan ang laman ng truck. Nagtaka ako nang makitang walang laman iyon.

Haharap na sana ako nang biglang may nagtakip sa ilong ko ng panyo. May naamoy ako mula roon at ilang sandali pa ay umikot na ang paningin ko at nawalan ng malay.

Nagising ako nang may malamig na tubig ang bumuhos sa buo kong katawan. Nakaramdam agad ako ng takot dahil wala akong makita. Nakapiring ako at nakatali ang mga kamay at paa ko sa upuan.

"Gising na ang reyna" nakarinig ako ng maraming boses ko na nasa paligid ko.

"Nasaan ako?? Sino kayo??" pinatapang ko ang boses ko kahit na sa loob ko ay kinakain na ako ng kaba at takot.

"I record niyo na para makakuha na ng pera" sabi ng isang lalaki.

Narinig ko ang ilang yapak na papalapit sa akin dahilan para lalo akong matakot. Napadaing ako nang bigla nitong hawakan ang buhok para iaangat ang ulo ko.

"Sabihin mo pangalan mo" sabi ng lalaki pero itinikom ko ang bibig ko wala akong balak magsalita.

"Ay matigas" isang malakas na sampal ang dumapo sa mukha ko dahilan para malasahan ko ang dugo sa aking bibig.

"Pangalan!!!" sigaw ng lalaki pero nagmatigas pa rin ako at di nagsalita. Isang sampal sa kabila kong pisngi ang natanggap ko pero hindi ako nagbigay ng reaksyon sa kanila.

"Ayaw mong magsalita ha!" napatili ako nang maramdaman ko ang pagkakatanggal ng tali ng roba ko.

"Huwaaaagg" pigil ko sa naghuhubad ng roba ko. "Please, huwag" nanginig ang boses ko sa takot nang maisip ang pwede nilang gawin sa akin.

"Pangalan!" sigaw sa akin.

"Jezreel Tanya Mercado" iyak kong sabi

"Mensahe para sa padadalhan namin ng video mo?" Sabi ng lalaki. Ang mukha agad ni Frost ang pumasok sa isipan ko.

"Fr...o....st, help" hindi ko mapigilang humikbi nang unti unti kong maramdaman ang hapdi sa mukha ko.

"Pag sinuswerte ka nga naman. Mukhang dalawang tao pa ang mapagbibigyan natin nito" sabi ng mga lalaki. Hindi ko maintindihan ang sinasabi nila.

"Sige na patulugin niyo na muna yan" sabi ng isang lalaki at ang sumunod ko nang naramdaman ay ang pagkahilo.

Sobrang sakit ng ulo ko nang magising. Wala pa rin akong makitang kahit ano.

Salvador Series #2: Melting His Frosted HeartWhere stories live. Discover now