Frost POV
I am standing now in front of the grave of the woman I will always be thankful for. Hinaplos ko ang lapida ng nasa harapan ko ngayon. Hindi ako mapapagod na puntahan ka palagi para magpasalamat sa sakripisyong ginawa mo para sa akin at sa mga anak ko.
Apat na taon na simula nang nangyari ang pinakamalagim na trahedya sa buhay ko pero parang kahapon lang nangyari ang lahat. Hanggang ngayon nandito pa rin ang sakit sa aking puso.
Sinabi ko na noon sa sarili ko na isasara ko na ang puso ko sa pagmamahal.
Minsan na akong umibig pero nasaktan lang nang mas pinili ni Aliyah na sundan ang pangarap niya kesa manatili sa akin. Simula noon sabi ko sa pamilya at sa trabaho ko na lang ilalaan ang atensyon ko pero lahat ng yun ay kinain ko nang dumating si Jezreel sa buhay ko.
Nung una ay hindi ko siya napapansin. Normal na babae na palagi lang sumusunod sa lahat ng inuutos ko. Dedicated sa trabaho at grabe ang passion sa pagkatuto.
Hindi ko alam kung kailan ako nasanay sa presensya siya basta isang araw gusto ko na lang na palagi siyang natatanaw. Kaya naman pinabago ko ang design ng opisina ko at pinalagyan ko ng blinders kung saan natatanaw ko siya mula sa kinauupuan ko.
Sa tuwing nakakaramdam ako ng pagod pagkabagot ay sumusulyap lang ako sa kanya ay gumagaan na agad ang pakiramdam ko. Ang perpekto niyang mukha, malambing na boses, nakakaadik na tawa at ang matamis niyang mga ngiti ay hindi maalis sa isipan ko.
Palagi siyang laman ng usapan tuwing nagc company dinner kami. Maraming lalaki ang nagpaparamdam sa kanya pero ni isa ay walang makalapit sa kanya. Tanging ako lang ang may kakayahang pasunurin siya.
Hindi ako naghangad ng higit pa pagdating kay Jezreel dahil takot akong muling masaktan kaya sapat na ako sa hanggang tingin. Hindi pa ako uli handang masaktan kaya naman pinanatili ko ang pagiging malamig sa kanya.
Pero may ibang paraan si Jezreel para tuluyang tunawin ang malamig kong pakikitungo sa kanya.
I always knew her na palaban at walang inuurungan. Minsan gusto ko nang saluhin siya sa mga problemang napapasukan niya pero bago pa ako makatulong ay nalulusutan na niya ito.
"I promise to speak up for you" ito ang unang pangakong binitawan ko sa harapan ni Jezreel habang nakaupo siya sa malaking ugat sa ilalim ng puno.
Nagagalit siya sa akin dahil hindi ko siya pinagtanggol kay Aliyah. Nasanay na kasi akong kaya niya na ang sarili niya pero mali ako. Jez, still needs a man to stand up for her.
Simula nang araw na yun ay itinatak ko sa isipan ko na I will always make her feel safe and secure kaya naman nang nakitang sinaktan siya ng isang lalaki ay agad na nagpuyos ang puso ko sa galit.
Hindi lang dahil sa pananakit nito pero dahil sa katotohanang may ibang lalaking may hawak sa kanya.
No one touches what's mine!!!!
Matapos ang insidenteng yun ay pinagbawalan ko siyang tumanggap ng kahit sinong manliligaw. Isipin ko pa lang na may ibang lalaki sa paligid niya ay kinakain na agad ako ng inis at pagkairita dahil na rin sa katotohanan na wala naman akong karapatan para bakuran siya. Nagdesisyon akong liligawan ko si Jez para maging akin siya pero bago ko pa man yun magawa ay nalaman na namin na kasal kami.
Our friend who is a mayor filed our marriage certificate. Hindi ko alam kung tama ang naging reaksyon ko nung nalamang kasal kami dahil nag uumapaw ang saya ko nang malamang asawa ko siya. Ngayon, talagang pagma may ari ko na siya.
Hindi agad agad naging kumportable sa akin si Jezreel bilang asawa pero wala akong pakialam dahil sisiguraduhin kong magiging totohanan ang lahat ng nasa certificate na yun.