"Tanya? We have to talk" bakas ang pagiging seryoso sa tinig ni Kuya John nang tumawag sa akin.
"Okay kuya saan?"
"Somewhere private. This is important and please don't tell your husband" nakaramdam ako ng kaba sa sinabi nito.
"I'll pick you up" at pagkatapos nun ay binaba na nito ang tawag. Nag asikaso ako at agad na bumaba nang tumawag si Kuya John.
Pumunta kami sa isang private restaurant. Walang katao tao sa loob nito. Napadako ang mata ko sa mga taong nasa gitna ng lugar. Agad akong napalingon kay Kuya John nang mapagtanto kung sino ang nandito.
"Sorry princess but you have to hear them out for Mommy" malungkot ang mata na sabi nito. Agad akong kinabahan sa sinabi ni Kuya John. Hinawakan ni Kuya John ang kamay ko at marahan niyang hinaplos iyon. Niyakap niya ako.
"We have to be strong Tanya. I promise to help you" naguguluhan ako sa nangyayari pero tinibayan ko ang loob nang makalapit kami sa lamesa.
Tito Christopher, Ayesha, and two other men ang kasama namin sa lamesa. Hindi ako nag abalang batiin ang mga tao sa paligid ko. Diretso akong umupo sa tabi ni Kuya John.
"She's here. We can now start" tuwang tuwa na sabi ni Tito Christopher. Nagsimula ang mga ito na kumain. Tinignan ko ang dalawang lalaki na nasa harapan ko. They look familiar pero hindi ko matandaan kung saan ko sila nakita.
"Why are we here?" malamig kong tanong nang hindi ko na makayanan ang mga presensya nila.
"Oh, yes Tanya. Hindi mo pa nga pala kilala ang mga Desilva" naningkit ang mata ko sa pagbanggit ng pangalan ng mga ito. "This is Roland and this is Andrei Desilva. This is Tanya" inilahad ng mga ito ang kamay nila sa akin pero hindi ko tinanggap.
"Why are we here?" ulit ko pero sa mas malakas na boses. Tinignan ako ni Tito Christopher bago magpunas ng table napkin sa paligid ng bibig.
"We are here to talk about your wedding with Andrei" dire diretso nitong sabi. Hindi ko mapigilang matawa sa sinabi nito.
"Are you out of your mind? I'm already married" natatawa kong sabi dito.
"I'm afraid to tell you Tanya but we have to nullify your marriage with your husband" sabi ng Andrei. Tinaasan ko siya ng kilay bago humalukipkip.
"And what makes you think that I will nullify my marriage with my husband? Are you crazy?"
Tinitigan lang ako nito bago may kunin sa bulsa. Inabot nito sa akin ang cellphone.
"I think this will make you change your mind" nakakatakot ang ngiting binigay nito sa akin. Plinay ko ang video at para akong pinagbagsakan ng langit at lupa sa nakita.
Mommy is in a dark place. Puno ng pasa ang katawan nito at bakas ang takot sa boses nito habang tinatawag ang pangalan ko. Halos madurog ang puso ko nang makita ang sitwasyon ni Mommy.
Matatalim na tingin ang binigay ko kay Andrei.
"What did you do to my Mom?! Where is she?" galit na tanong ko dito pero kalmado lang itong naghihiwa ng steak.
"Why would I tell you?"
"Tell me where she is right now or mismong pulis ang susundo sa inyo sa lugar na to" pananakot ko sa kanila.
Binitawan nito ang mga kubyertos na hawak niya bago umiling sa akin.
"You don't give orders here Tanya. I am the one who holds the ace. Go ahead magsumbong ka at sisiguraduhin kong wala pang segundo ay magkasama na ang Mommy at Daddy mo"
"Hayop ka!" sigaw ko sa kanya at napatayo sa galit na nararamdaman.
"Sit down o baka gusto mong bangkay mo nang makita ang Mommy mo" natigilan ako sa sinabi nito. Nanghihina akong napaupo at isa isang tumulo ang luha ko. Pinisil ni Kuya John ang tuhod ko.
Mommy, wait for me please. Ililigtas kita Mommy.
"You don't have to cry Tanya buhay pa ang Mommy mo. Tanging ikaw lang ang makakasalba sa kanya" napalingon ako kay Andrei.
"What do you want from me?" asik ko sa kanya.
"You. I want you and your company" seryoso nitong sabi. "A marriage for convenience. Our union kapalit ng buhay ng Mommy mo" sabi nito sa akin.
Napatingin ako kay Kuya John pero wala itong sinagot sa akin.
"The decision is yours Tanya. I'll be leaving tomorrow morning. If you want your Mommy alive, come back to America. If you stay, then I'd be gladly to send you the remain of your mother" seryoso nitong sabi bago tumayo.
"And I have eyes and ears everywhere. Kapag may ibang nakaalam nito pasensyahan tayo" isang nakakahilakbot na ngiti ang binigay nito bago sila nagsipag alisan. Kami lang ni Kuya John ang naiwan sa restaurant.
Isang malakas na buga ng hangin ang inilabas ko. Bukas ang alis pero paano si Frost? Paano ang buhay ko dito? I can't leave him pero paano si Mommy? I can't lose her.
Nag unahang tumulo ang luha ko nang marealize ang sitwasyon ko.
"Kuya? What should I do? Tell me Kuya?" tanong ko sa kapatid ko habang umiiyak.
"Tanya, listen. I'll do my best to do everything to find Mommy bago kayo makasal. Sa ngayon just play with him. We can do this Tanya. Trust me" pag aalo nito sa akin.
"Paano si Frost kuya? Paano ang asawa ko? Hindi ko kayang mawala siya sa akin. He is my other half" gulong gulo ako sa desisyong gagawin.
"Tanya, you have to choose and if Frost really loves you. He will understand why you are doing this" napahilamos ako ng aking palad sa aking mukha.
Why is this happening? Why?? Don't I deserve to be happy?? Akala ko malaya na ako pero hindi pa rin pala?!
Halos ayokong bumaba sa sasakyan ni Kuya John nang makarating kami sa penthouse ni Frost. Hindi ko alam kung paano ko haharapin ang asawa ko. Hindi ko kaya.
Pinunasan ko ang luhang lumandas sa pisngi ko. Isipin ko pa lang na kailangan kong iwan siya ay nadudurog na ang puso ko pero anong magagawa ko? Buhay ni Mommy ang nakataya dito.
Buong tapang kong binuksan ang pintuan ng penthouse ni Frost. Libo libong karayom ang sumaksak sa puso ko nang ang bumungad sa akin ay ang nakangiting mukha nito. I forced a smile to face him. I ran towards Frost and hug him so tight.
Baby? Forgive me sa gagawin kong pag iwan sayo. I hope one day you'll understand my reasons. I love you so much........
![](https://img.wattpad.com/cover/306002077-288-k461174.jpg)