Chapter 15

1.1K 20 0
                                        

Isa isang tinanggal ni Frost ang pagkakatali ng mga kamay at paa ko. Nang makalaya ay agad kong ipinulupot ang aking braso sa kanyang leeg. Sumiksik ako sa malaki niyang katawan dahil sa takot na nararamdaman.

Ramdam ko ang init ng yakap ni Frost sa akin habang nasa palibot namin si Summer at ang dalawang lalaki. Nagmamasid at nakaangat pa rin ang mga baril tila may inaasahan pang paparating.

Inabot ni Catalina ang robe ko sa kanya. Inihiwalay niya ako sa pagkakayakap at isinuot nito sa akin ang robe para matakpan ang hubad kong katawan.

"We have to go now baka may dumating pa" sabi ng kasama nilang lalaki. Nagsipagtanguan sila sa isa't isa.

"Baby, hug me tight okay. Just close your eyes. I'll keep you safe" tumango lang ako sa sinabi ni Frost. Mabilis kong inangkla ang braso ko sa kanyang leeg. Binuhat ako ni Frost na parang pang kasal.

Tila nakilala din ng puso ko ang lalaking may karga sa akin ngayon dahil unti unti itong kumalma. Mabilis ang lakad na ginagawa ng grupo namin at paminsan minsang sinusulyapan ni Frost ang aking mukha na ngayon ay isinisiksik ko sa kanyang leeg. His presence makes me feel at ease.

Iba ang ginhawang naramdaman ko nang tuluyang makapasok kami ni Frost sa isang malaking van. Mabilis iyong umandar nang lahat kami ay nakasakay. Nakakandong ako kay Frost.

Nang mapagtantong tuluyan na akong ligtas ay isa isang bumagsak ang luha ko. Tahimik akong humihikbi sa leeg ng aking asawa. Nang mapagtanto nitong umiiyak ako ay agad nitong hinawakan ang baba ko at inangat yun para magtama ang aming mga mata.

Napapikit siya nang makita ang aking mukha. May luhang tumulo sa kanyang mata bago niya ako bigyan ng isang halik sa labi. Marahan niyang hinaplos ang pisngi ko na ngayon ay punong puno ng luha.

Humigpit ang yakap ni Frost sa aking beywang bago nito pinagdikit ang aming mga noo.

"I'll make them pay baby. Hindi ako papayag na walang mananagot sa hayop na gumawa nito sayo. They'll know what a Salvador can do kapag ang mahal na namin ang sinaktan. I promise you, Jez. I'll make them feel the pain that you are feeling now" pumikit ako at unti unti palakas ng palakas ang iyak ko nang maalala ang mga ginawa nila sa akin.

Niyakap ko siya at sa balikat niya ay para akong batang nagsumbong.

"They slapped me Frost. They punched me. They hit me. They almost raped me baby. They kept pointing their gun at my head. I was so scared akala ko hindi ka darating. Akala ko..... akala ko...... akala ko mamamatay na ako" humigpit ang yakap ko sa kanya habang humahagulgol sa kanyang balikat.

"Akala ko hindi na kita makikita Frost. Akala ko katapusan ko na"

"Ssshhhh.... Stop saying that. Hindi ako papayag na mawala ka baby. Dito ka lang sa tabi ko" mahigpit nitong yakap sa akin habang hinahaplos ang aking likod.

Naramdaman kong may mainit na kamay ang humawak sa kamay ko kaya napatingin ako dito. Catalina was watching us ganun din si Summer.

"Thank you" I mouthed to them para sa pagliligtas nila sa buhay ko.

"You're safe Ate. We got you, okay" malambing na sabi ni Catalina habang hinahaplos ang kamay ko.

"Don't worry Jez. No one can hurt you now. We will protect you at all cost" Summer also held my hand and caress it.

Naging panatag ang loob ko habang tahimik ang paghikbi ko sa kandungan ni Frost. Buong byahe akong naka kandong sa asawa ko habang nakahilig ang aking ulo sa kanyang dibdib at nakalapat ang mga labi nito sa aking noo. Buong byahe niya ring hinahaplos ang aking pisngi habang ang isang kamay ay nakayakap sa aking beywang.

Salvador Series #2: Melting His Frosted HeartWhere stories live. Discover now