Malaki ang ngiti sa aking mga labi nang lumabas mula sa opisina ng asawa ko.
"Jeeeeeezzzzz" tili ng mga katrabaho ko. Lumapit ang mga ito sa akin at pinaghahampas ako.
"Ara'y aga aga mapanakit" reklamo ko sa kanila.
"Gaga ka, deny deny ka pa sabay biglang may pa singsing na agad" nanlaki ang mata ko sa sinabi nila. Pasimple kong tinago ang kamay kong may singsing.
Paano nila nalaman?
"Ha? Di ko kayo gets" pagpapatay malisya ko sa kanila bago umupo sa lamesa ko at nagkunwaring may inaayos.
"Oh panoorin mo" inabot sa akin ng katrabaho ko ang cellphone niya. Nasa facebook siya ni Frost. Nagulat ako sa kakapost lang nito. It's the video earlier.
It's a black and white video of mine na nakangiting pinipicturan ang mga kamay namin at ang pag angat ko ng ulo at pagsabi ng "I love you". Mayroon itong caption na "I love you too, my queen"
Hindi ko mapigilang mapangiti nang makita iyon. Ilang beses kong inulit ulit yun.
"Oh wag kang kiligin meron pa bakla ka" inagaw ng katrabaho ko ang cellphone at nilagay niya sa instagram. Mabilis ko namang tinignan ang nandun.
Dalawang picture ang nandun. Ang una ay kinakagatan ko ang hard boiled egg na niluto niya. Nasa kama niya ako at nakasuot ng white long sleeve na damit niya with my messy hair at ang pangalawa ay ang dalawa naming kamay na may singsing. Natawa ako sa caption niya dito
"Hindi na ako itlog sa lovelife. I found my new baby"
Napapikit ako at naitikom ko ang bibig ko dahil gusto kong magtitili sa kilig na nararamdaman. Bago ko iangat ang mukha ko ay nagpaka poker face muna ako. Walang reaksyon ako nang binalik ko ang cellphone sa mga katrabaho ko.
"So ano yummy si Sir?" intriga ng mga ito "Gaga ka talagang hindi ka pumila ha. Grabe yung siningit mo bakla" puri nila sa akin.
Hindi ko alam ang isasagot ko. Sobra sobra ang pagpipigil ko sa pagngiti.
"Ngumiti ka na. Wag mo nang pigilan yan! Akala ko sa sakit ako mamamatay sa inggit pala!"
Hindi ko na napigilan at talagang ngumiti na ako ng todo. Wala akong sinabi kasi hindi ko naman alam ang magiging reaksyon ko.
"Baby, bring me my papers please" nanlaki ang mata ko nang biglang magsalita sa intercom si Frost. Napalingon ako sa kanya pero ngiti lang ang ibinigay nito.
Nagsipagtilian ang mga katrabaho ko dahil sa narinig dahilan para mapapikit ako.
Jusko!!! Hindi ko alam kung hiya o kilig ba tong nararamdaman ko ngayon, pwede naman atang both.
"Hoy! opisina niyo? Makatili tong mga to! Pagalitan tayo ni Frost" saway ko sa mga to. "Magsipagbalik na nga kayo sa upuan niyo. Kaloka kayo" natatawa kong sabi sa mga ito.
Biglang pinindot ng katrabaho ko ang intercom at nagsalita doon.
"Sir, I love you daw sabi ng baby mo" kinikilig na sabi nito. Napatingin ako kay Frost na kasalukuyang nakapangalumbaba habang tinatap ang sentido niya.
"Pakisabi, I love her too" at ang loko pinatulan din talaga ang trip ng mga katrabaho ko.
Sabay sabay na kumanta ang mga katrabaho ko ng "gumaganda ang paligid kung bawat tao ay puno ng pag-ibig, napapawi ang pighati masilayan lang ang iyong ngiti"
Napayuko na lang ako at napailing dahil sa kakulitan nila buti na lang at di na rin sila nagtagal at nagsipagbalikan na sa mga trabaho nila.
Tinuloy ko nang tapusin ang mga trabaho kong naiwan dahil palapit na ng palapit ang pagbili ng bagong kumpanya nila Frost.
Napaangat ang ulo ko nang makitang may biglang pumasok sa opisina ni Frost. It was Aliyah. Tinignan ko sila mula sa blinders at nakita kong mukhang nagtatalo ang dalawa.
Namumula ang mukha ni Aliyah pero kalmado at nakaupo lang si Frost. Napadako sa akin ang mata ni Frost at ngumiti ito sa akin dahilan para dumako din ang mata sa akin ni Aliyah.
Punong puno ng galit ang tinging ibinato nito sa akin. Nag martsa ito palabas sa opisina. Marahas nitong binuksan ang pintuan at mabilis na tinahak ang pwesto ko. Napatayo ako sa upuan nang makalapit siya sa akin.
Ganun na lang ang gulat ko nang bigla ako nitong sampalin. Nanlaki ang mata ko dahil sa ginawa nito.
"Hindi ka nakuntento na nilandi mo na si Frost. Now, you want him to cut all the ties that we have? You want him to withdraw all his investments in our company? Atribida kang walanghiya ka!!" galit na galit na sabi nito bago sugurin akong muli pero nahawakan na siya Frost.
Malalamig ang tinging ibinigay ni Frost dito. Nilapitan ako ng aking asawa at hinaplos ang pisngi kong namumula dahil sa ginawa nitong pagsampal. Galit ang una kong nakita sa mga mata ni Frost nang lingunin niyang muli si Aliyah.
"Say sorry to Jezreel, Aliyah!" may awtoridad sa boses nito. "O hindi mo magugustuhan ang gagawin ko"
"And why would I ha? She keeps on meddling in our business. Una, ikaw ngayon pati sa kumpanya namin? You can't withdraw your investments Frost! You can't" malakas na sigaw nito.
"Yes, he can!" sabay sabay kaming napalingon sa nagsalita. It was the Daddy of Frost together with her Mommy. "We just found out Aliyah about the illegal activities na ginagawa ng pamilya mo and we can't trade the integrity of our names just because you had a past with my son" seryosong sabi ng Mommy ni Frost.
"But Tita, it's not true. It's ....."
"Then prove yourself first to the authority and not to us" malamig na sabi ni Frost dahilan para tumingin ulit siya sa amin.
"Love, please let's talk about this" napataas ako ng kilay dahil sa sinabi niya. "I know what you are doing. If you want me back, then I'll go back to you just stop this please. Wag mo kong ipitin sa ganitong sitwasyon"
Hindi ko mapilitang matawa sa sinabi nito kaya naman lahat ng mata ay nasa akin ngayon. Tinignan ako ni Frost at pinalibot nito ang braso sa aking beywang bago ako hilahin palapit sa kanya. Tinitigan ako nito sa mata.
"Don't tell me you'll believe her? No, divorce baby. Uunahan na kita" bulong nitong sabi sa akin. Nilingon ko si Aliyah na pinapanood kami.
"Narinig mo Aliyah? No, divorce!!! Walang Frost ang magkukumahog na bumalik sayo cause he already has his wife. Hindi ko alam kung saan ka kumukuha ng kapal ng mukha para ipangalandakan na ikaw pa rin ang mahal niya. Siguro noon oo, pero ngayon sorry dear meron na siyang Jezreel sa buhay niya hindi niya na kailangan ng isa pa!" mataray kong sinabi sa kanya.
"Now, if you don't mind stop bugging my husband with your past! It's been ages girl move on! Maganda ka oo pero hindi ka kahabol habol" tinignan ko siya mula ulo hanggang paa bago tumingin kay Frost.
Frost gave me a sweet smile and I returned it to him.
"Stop being fierce misis. Pinapakilig mo ko" nagulat ako ng nakawan ako ng halik nito sa harapan ng lahat. Pakiramdam ko tuloy lahat ng dugo ko ay nasa mukha ko na ngayon dahil sa hiya na nararamdaman.
Nilingon ko si Aliyah pero ngayon tanging likod na lang nito ang nakita ko dahil naglakad na ito palabas ng opisina. Nakita ko naman ang mga ngiti at tingin na ibinibigay sa amin ng mga empleyado at ng magulang niya.
Nginitian ko na lang din sila bago tumalikod at humarap sa asawa ko.
"I don't think I can face them right now baby. I'm shy" nahihiya kong sabi dito. Frost just caress my cheeks at hinila ako para yakapin ng mahigpit.
"Kailangan mo nang masanay baby cause you just announced to everyone that I am your husband" lalong nanlaki ang mga mata ko nang marealize ang mga sinabi ko kanina. Napayakap ako kay Frost at tinago ang mukha sa dibdib niya dahil sa kahihiyan na ginawa ko.
Now, everyone knows that I am Mrs. Salvador.......