Mag iisang linggo na akong nakakulong sa kwarto ko dito sa mansyon nila Andrei. Hindi ko na alam kung ano na bang nangyayari sa labas. Tanging tv lang ang meron ako pati cellphone ay kinuha sa akin.
Napatingin ako sa pintuan nang bumukas iyon. Mula doon ay pumasok si Andrei.
"Prepare yourself. We will have our engagement day tomorrow evening" nanlaki ang mata ko sa sinabi nito.
Agad akong napatayo sa pagkakaupo ko sa kama.
"Paano? I'm still mar....."
"Nullified na ang kasal mo. Your husband signed the divorce paper" hinagis ni Andrei sa akin ang isang envelope. Mabilis kong kinuha yun at doon nakita kong may pirma na nga ito ni Frost.
Hindi ako nakapagbigay ng kahit anong salita. Napaupo akong muli sa kama dahil naramdaman ko ang panghihina ng tuhod ko.
"Get yourself together Tanya. Don't treasure a man who wouldn't give a d*mn fight to win you back" pinasadahan lang ako ng tingin ni Andrei bago muling lumabas ng aking kwarto.
Napatingin akong muli sa hawak kong divorce paper na may pirma ni Frost. Are we really over? Sinukuan na nga ba akong tuluyan ni Frost? Ganun na lang yun?
Napalunok ako nang maramdaman ko ang namumuong luha sa aking mga mata. Tumingin ako sa kisame para hindi ito tuluyang mahulog.
Wala akong karapatang masaktan o magtanong dahil ako ang nang iwan. Ako ang umalis nang walang paalam. Alam kong sobra ko siyang nasaktan sa ginawa ko pero hindi ko lang akalain na magiging ganito kabilis ang pagbitaw niya sa akin.
Pinalakas ko ang loob ko. Hindi ito ang panahon para umiyak. Saka ko na iisipin ang sakit ng puso ko kapag nahanap ko na si Mommy.
Mas kailangang magmadali ni Kuya John dahil ngayon mas naging maiksi ang oras namin. Sa oras na ma announce ang engagement namin alam kong mamadaliin na rin ang kasal at kapag nangyari yun ay tuluyan nang mawawala sa akin ang kumpanya at hindi ako sigurado kung makakasama ko pa nga si Mommy.
Buong araw akong nag isip nang maari naming gawin para sa nalalabi naming araw sa paghahanap kay Mommy. Tanging bukas ko lang makakausap si Kuya John kaya dapat mailatag ko lahat sa kanya ang gusto ko.
Napalingon ako sa pintuan nang may kumatok.
"Mam, hinihintay na po kayo ni Sir Andrei sa baba" sabi ng kasambahay. Tumango ako dito bilang tugon. Tinignan kong muli ang repleksyon sa salamin.
Nakasuot ako ng isang fitted long gown na black and red. Inilugay ko lang ang buhok ko.
Kita ko ang pagsunod ng mata ni Andrei nang pababa ako sa hagdan. Nakatuxedo itong itim. Inilahad niya ang kamay sa akin pero hindi ko yun tinanggap. Dumire diretso ako sa sasakyan.
"Remove your ring" seryosong sabi ni Andrei habang masamang nakatingin sa singsing na suot ko.
Tinignan ko siya ng masama bago ko tinanggal yun. Kinuha ko sa bag ko ang isang necklace at ginawang pendant ang singsing.
Paghinto ng limousine ay kita ko kung paanong nagkumpulan ang mga press sa aming sasakyan. Kahit nasa loob pa kami ay sangkatutak na flash na ang nakikita ko.
"Wear your precious smile Tanya. Don't let them know na napilitan ka lang sa engagement na to" bilin nito sa akin.
"But that's the truth, Andrei. Napilitan lang ako sa sitwasyon na to" matalim akong tinignan ni Andrei bago ako sungalngalin.
"Stop pissing me off Tanya baka lumabas kang may pasa sa sasakyan na to" marahas nitong binitawan ang panga ko.
Huminga ito ng malalim bago buksan ang pintuan. Napairap ako sa hangin nang makita kung paanong biglang umamo ang kanyang mukha.