Kumpleto ang buong Salvador sa kwarto ko ngayon. Dito nila napiling mag spend ng kanilang mga rest day.
We are all laughing dahil sa pagtatalo ng mag amang Summer at Winter tungkol sa lalaking crush ng bata.
"No, Daddy! You won't talk to Adam!" nakahalukipkip na sabi ni Winter.
"No boys allowed di ba?" pamimilit ni Summer sa anak
"But you are a boy pati si Tito Frost and Lolo din! Edi bawal ko kayong i love??" pagrarason ng bata dahilan para matawa kami.
Napahilot sa sentido si Summer tila nahihirapan nang mapasunod ang anak.
"Lolo, crush lang naman eh" lumapit si Winter kay Daddy Damon at umupo sa kandungan nito. "Daddy is being too strict"
"Yadiel, hayaan mo na. Matakot ka pag asawa na ang gustong iharap sayo" natatawang sabi ni Daddy Damon.
"I didn't know that raising a daughter will be this complicated kaya Frost siguraduhin mong lalaki ang panganay niyo ni Jez" biglang bumaling ang lingon ng mga tao sa amin ni Frost na magkatabing nakaupo sa kama.
Tinignan ako ni Frost at pilyong ngumiti. Agad ko naman siyang siniko dahil sa reaksyon niya sa harapan ng pamilya niya.
Sabay sabay kaming napalingon sa pintuan nang bigla iyong bumukas. Napaupo ako nang maayos nang makita kung sino ang pumasok mula dito.
Diretsong nakatingin sa akin si Kuya John at bakas ang pag aalala sa mukha nito habang namumula ang mga mata.
Dire diretso itong naglakad papunta sa akin hindi alintana ang napakaraming tao sa loob. Nang makalapit sa akin ay isang mainit na yakap ang bumalot sa akin. Narinig ko ang paghikbi nito sa balikat ko.
"Oh my God Tanya! Thank God you're alive!" sabi nito at hinalikan ang ulo ko. Nakita ko kung paano kami tignan ng mga tao sa loob.
"Take off your hands on my wife bago kita kaladkarin palabas ng kwartong ito" napatingin ako kay Frost na ngayon ay masama ang tingin kay Kuya.
Humiwalay ng yakap sa akin si Kuya John at nagtatakang tumingin sa akin.
"Wife?! Tanya, huling usap natin you were rejecting a marriage. Now, you are married?" hindi makapaniwalang tanong ni Kuya.
Napangiti ako sa kanya bago kinuha ang kamay niya at hinaplos ito.
"Baby, put that down" nanggagalaiting sabi ni Frost. Napailing ako nang mapagtantong mukhang nagseselos ang asawa ko. Hindi ko tuloy napigilang tumawa.
"My bad. Guys, this is my brother, Kuya John and Kuya John this is my family, the Salvador and this jealous man is my husband, Aziel Frost Salvador" pagpapakilala ko.
Biglang umayos ng upo si Frost at naglahad ng kamay.
"Nice to meet you John" pormal nitong pagpapakilala. Tinanggap naman ito ni Kuya bago muling bumaling ng tingin sa akin. Hinaplos nito ang pisngi ko.
"How did you escape your kidnapper, princess? We are so scared for your safety" nag aalala nitong tanong. Nagtataka akong tumingin dito dahil sa sinabi niya.
"Someone sent a video of yours na nakapiring ka and they are asking for a 100 million to keep you safe" pagpapaliwanag nito. Nagkatinginan kami ni Frost dahil sa sinabi ni Kuya.
"Sa inyo pinadala ang video?" tanong ko dito
"Yes. Mommy immediately prepared the ransom but when she was about to release it ay hindi ka na nila mapakita sa amin kaya natakot kami ni Mommy na baka kung ano nang nangyari sayo. Agad akong pumunta dito para hanapin ka"
Hindi ko alam ang mararamdaman ko nang maalala si Mommy. She cares for me. She's scared for my life.
"I think we should leave you two. Babalik na lang kami mamaya" sabi ni Mommy Kim. Tumango naman ako sa kanila bilang pagpayag. Naiwan kami ni Kuya John sa kwarto.
"Kuya, how's Mommy?" naiiyak kong tanong dito. Malungkot itong tumingin sa akin.
"Before I left America Tanya, Mommy is missing"
Nanlaki ang mata ko sa sinabi nito. Bumundol ang malalakas na tibok sa puso ko dahil sa balitang narinig.
"What do you mean?" naiiyak kong tanong nito.
"After knowing that you escaped your kidnapper, Mommy left. Sulat lang ang iniwan niya. She wants space yun ang sinabi niya at babalik siya kapag okay na daw siya. She's been missing you so much Tanya" hinaplos ni Kuya ang pisngi ko nang may luhang dumaloy mula sa mga mata ko.
My God! Hindi ko alam ang gagawin ko ngayon. My mommy is missing. Siya na lang ang nag iisang naiwan sa akin. Kailangan ko siyang hanapin.
"Another thing Tanya, nag iwan siya ng letter na nagsasabing iniiwan niya ang kumpanya kay Daddy and I don't like what is happening in the company now Tanya. He's planning to sell it"
"Noooo! That's my Daddy's legacy Kuya! Hindi nila pwedeng gawin yun. Wala silang karapatan" galit na sigaw ko.
"I know kaya nga mas maaga akong pumunta dito para hanapin ka para pigilan sila 40% of the shares ay na kay Daddy na and he's acting the CEO now dahil wala ka. The buyer is here in the Philippines kaya pwede pa natin silang pigilan"
" I owned the 60% of the company Kuya. They are just in the names of my trusted people but I owned them. I'll call my people to transfer my shares to me. Hindi ako papayag na mawala ang pinaghirapan ni Daddy kuya. That's the only memory I have of him. No one can touch what's mine"
"You have my support Tanya. I'll look closely to Daddy's movement para malaman kung kailan ang dating nila. Prepare all the documents needed. Sa ngayon ang alam nila ay nawawala ka pa rin. You have to stay low key Tanya. Hindi maganda ang kutob ko sa mga susunod na mangyayari. You are the only heiress of a powerful empire hindi posibleng maulit ang nangyari sayo" may pangamba sa boses ni Kuya John.
"I am in good hands Kuya. I am under the care of the Salvador and Villafuerte. You have nothing to fear. No one can touch them" pagbibigay assurance ko sa kanya.
"Kuya, how about Mommy?" Muling namuo ang luha sa aking mata. "I feel so bad right now! I shouldn't left her Kuya! Dapat bumalik ako" tuluyan nang tumulo ang luha sa aking mata.
"My men are working Tanya. We have some leads now at kapag nahanap si Mommy ibabalik ko siya sayo, okay? Sa ngayon prepare yourself. You have to take back the company. You have to stop Ayesha and Daddy" pumikit ako at tumango dito. Huminga ako ng malalim bago pinakalma ang puso.
I need to be strong. Ito na ang pagbabalik na hinihintay ko. It's time to bring out the real Mercado in me.
Inisa isa kong tawagan ang mga relatives ni Daddy kung saan nakapangalan ang shares ko at ipinalipat ko sa pangalan ko ang mga ito. They were happy for me that finally I am standing and claiming what is mine.
Daddy, guide me please. This might be the biggest fight of my life but I won't fall back. I'll claim what is ours. I'll fulfill my promise to you.