LOVE ARKI, NOTICE

545 12 6
                                    

Hi, Arkiss!

Sorry for the very long time na walang update, actually may draft na ako for the next chapters pero nakakawala talaga ng motivation na magpatuloy here in Wattpad. Wala na kasi 'yung dating vibes na nararamdaman ko kapag nagpa-publish ako. Hindi ko alam pero hindi ko na nararamdaman 'yung belongingness ko rito. Sinabayan pa ng third year college student life ko, sobrang busy talaga and ang daming ginagawa. Nakaka-stress sobra.

Kaya kapag nakakabasa ako ng mga comments and message niyo about this story, natutuwa ako at nalulungkot at the same time, kasi wala na akong time para kay wattpad at para sa inyo. Sorry for that.

I guess, maghi-hiatus muna ako. Hahanapin ko muna 'yung motivation ko to continue sa pagsusulat. Kapag siguro nahanap ko na ulit 'yung inspiration at motivation na bumalik, promise, babalikan ko kayo. Kaya sana huwag kayong bibitaw.

Huwag din kayong mag-alala dahil ang "Love Arki" ay mananatili pa rin dito sa Wattpad. Gayunpaman, maraming salamat dahil nakaabot na tayo sa 5k reads. Thank you!

Hanggang sa muli, Arkiss!

— Man of Letters

Love, ARKI (Boys Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon