My ARKI 15

625 16 1
                                    

J I N

"AYOKO NA! SUKO NA AKO!" Sigaw ko habang nakadukmo ang ulo sa mga librong nasa harapan ko.

Agad ko ring nakagat ang labi ko nang sawayin ako ng Librarian. Kaya palihim na lamang akong nagmaktol sa isipan ko.

Its been a day nang mawala ako sa pokus sa pagre-review dahil sa event na isinasagawa ng school.

Today is the last day of Intramurals, hindi ko na inabalang manuod pa ng closing ceremony at nalalabing mga sports na gagawin ngayong araw. Bagkus ay napagdesisyunan kong mag-review na lamang dahil sa tambak na mga aaralin ko.

Sa rami ng mga loads ko, hindi ko ka kinakaya----worst life of an Irregular student like me. Kaiba sa iilan lang na subjects ng mga regular.

Napabuntong hininga na lamang ako at dahan-dahang hinilot ang sentido ko dahil sa pagkirot nito.

Hindi naman na ako kinulit ng mga kasamahan ko dahil alam naman nila ang kalagayan ko. I am overwhelmed kasi naiintindihan nila ang sitwasyon ko at hindi nila ako inalibumbong sa mga bagay na ganito.

At saka I did my part, tapos na ang kahiya-hiyang senaryo at pagkababa ng pagkalalaki ko dahil sa pagsuporta sa Arking 'yon para lamang mapapayag siya na maging bahagi ng aming pinal na proyekto.

Everything came back to my memory.

Naalala ko na naman ang pagsigaw ko ng apelyido ng lalaking 'yon ng paulit-ulit. Ang buong akala ko ay tanging panunuod lang ang gagawin ko habang suot ang jersey niya, but I was wrong.

Inudyok ako ng mga bwiset na kaklase ko na sumigaw rin para ganahan 'di umano ang lalaking ganadong-ganado naman nang maglaro dahil siya lagi ang nakakapuntos na naging dahilan nang pag-angat ng score nila at pagkalamang.

Kahit na pinagtitinginan na ako ng karamihan, and take note death glare ang ginagawa ng mga fanboys at fangirls ng lalaking 'yon. Kulang na nga lang ay sugurin nila ako dahil sa palagiang pagbaling ng tingin ng gago sa gawi ko habang nakapaskil ang isang ngiti na sinabayan pa ng pagkindat.

As if naman na gusto ko rin itong sitwasyon ko. Kung may choice nga lang ako baka wala ako doon. But my conscience is telling me na huwag akong maging selfish para sa ikakabuti ng nakararami.

And DANG! They won.

Faculty of Architecture won the game.

Kaya sayang-saya ang lahat. Akmang aalis na ako dahil tapos na ang lahat nang mabilis pa sa kidlat na nagsipulasan ang mga tagahanga nang nasabing Faculty pababa kung kaya't stranded kami sa aming kinalalagyan.

Kulang na lamang ay magka-stampede dahil sa pagdumog nila sa mga nanalong koponan.

Nariyan ang sunod-sunod na pagpapakuha ng mga ito ng larawan. Kaya nang makakuha ako ng tyempo na makadaan ay agad akong umalis sa kinalalagyan ko.

Narinig ko pa ngang tinawag ng mga kasama ko pangalan ko pero 'di ko na sila binalingan ng tingin at dire-diretsong naglakad palabas ng gymnasium.

Pagkalabas ko ay agad ko ulit isinuot ang maruming jacket ko. Hindi ko alintana kung anong itsura ko basta't ang mahalaga ay matakpan ko ang apelyidong nakaimprinta sa suot kong jersey.

Love, ARKI (Boys Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon