JIN
Magaan ang pakiramdam ko habang naglalakad sa loob ng aming campus. Naging normal na ulit ang buhay ko.
Gaya ng dating gawi ay aral, tulog, at trabaho ang inatupag ko, hindi ko alam kung bakit inspirado akong gumawa ng mga bagay na dati ay napipilitan pa kong gawin.
Pagtapak ko palang sa aming building ay hindi na magkamayaw ang mga colleagues ko sa pagpupulong.
What I mean is lahat sila ay parang may pinagmi-meetingan.
Teka lang? May hindi ba ako alam?
Nagmamadali akong lumakad papasok sa aming classroom at tama nga ako, pati blockmates ko ay hindi rin mapakali sa kung ano ang ginagawa nila.
Kunot ang noo at tahimik akong lumakad papasok dito at saka pumunta sa aking upuan at dagliang inilapag ang bag ko.
Ilang sandali pa ay napansin na ako ni Medie kaya sinenyasan ako nito na lumapit sa nagkakagulong mga kaklase ko.
Madali naman akong lumapit sa huli at saka ko nakitang nakatutok sila sa isang laptop at may kung anong pinapanuod.
Ilang minuto pang naglo-loading sa akin ang lahat ng mga kaganapan hanggang mapagtanto ko na kung ano ang pinapanuod nila.
This is the livestream of our "Comm-Awards". Yup, ito rin 'yung binabanggit ng mga instructor namin na annual awarding sa aming ginawang mini-series.
Maging ako ay hindi na rin mapakali at naki-tune in na rin dito.
May kaniya-kaniyang side comments ang mga kaklase ko sa pagsisimula ng awarding, syempre nariyan 'yung mga pabirong puna nila sa ibang mga projects mula sa ibang section namin. At hindi rin mawawala ang buhat-bangkong banat nila.
Kaya maging ako ay napapatawa na rin sa mga bukambibig nila.
Nakabalik lang ako sa pinapanuod namin nang magtilian ang mga kaklase ko.
"This is it guys. They will start the awarding!" Sigaw ng isa sa aming kaklase kaya lahat kami ay natahimik at matamang nakikinig sa mga susunod na mangyayari.
Dalawang awards na ang natawag pero hindi pa rin natatawag ang section namin. Kitang-kita ko sa mukha ng bawat isa sa amin ang kaba at ang pag-aalinlangan.
["Our next award is The Best Screenplay. This award will be given to the writers who gave their best in their final script. And this award goes to..."]
Tahimik pa rin ang lahat, halos mangatal sila sa mga kinatatayuan nila habang hinihintay ang announcement.
["This Best Screenplay goes to... BA Communication 3A!"] Halos malaglag ang panga ko nang marinig ko ang ngalan ng section namin.
Ilang saglit pa ay tilian at sabay-sabay na tumalon at saka nagyakapan ang mga kaklase ko.
Hindi magkamayaw ang lahat sa pagtili dahil sa sobrang kasiyahan na nararamdaman nila ngayon. Maging ako ay 'di na rin mapakali sa mga nangyayari.
Nagtuloy-tuloy pa ang awarding at nakakatuwa dahil alam naming deserve naman ng lahat ang mga awards na nakukuha nila.
Dahil alam ng bawat mag-aaral sa program na ito na hindi biro ang pinasok nilang industrya.
BINABASA MO ANG
Love, ARKI (Boys Love)
General FictionOne night, Big trouble. Isang Bossy na Arki student ang makakatagpo ng kaniyang katapat sa isang gabing hindi nila malilimutan. Mabago kaya ng Destiny ang kanilang nararamdaman, kung sa simula't sapul pa lang ay hindi na maganda ang kanilang pagtata...