My ARKI 6

840 25 3
                                    

J I N

"WELCOME TO FACULTY OF COMMUNICATION ARTS!

Isang masigabong pagbati ang bumungad sa akin sa unang araw ko sa Faculty of Comm. Arts. Hanggang ngayon ay napapangiti pa rin ako sa tuwing maalala ko iyon and it feels like I am very welcome here, even though I'm just a shifter. Pero never nilang ipinaramdam sa akin na hindi ako belong dito.

Guess, fvckin' what! I survived 4 days staying here.

So far, I enjoyed many activities made by the Guild of Communicators for the shifter like me, tulad nang pagsasagawa nila ng initiation sa mga shifter, like open forum and tell them, kung anong ine-expect namin to our program, I told them that I wanna learn on how to take photo professionaly. Natawa na lang mga Seniors ko nang banggitin ko 'yon, hindi ko alam kung may mali ba sa sinabi ko, or what?

Hindi man gaanong kalakihan ang building na pinapasukan namin ay masasabi kong very comfortable ito and there's no questions when it comes to our teaching staff. To be honest, I am also amazed on how our instructor keep in touch with their students.

Although kailangan kong mag-extend ng time sa school for my make up class sa mga major subjects ko na ite-take ko pa lang. Hindi na gaanong mahirap ang mag-cope up sa mga subjects ko ngayon because I already took up them in my Engineering basic subject na lahat ng mga Faculty ay mayroon at itinuturo ang mga 'yon.

Wala ring problema sa schedule ko, medyo maluwag unlike sa dati kong program.

Matapos kaming i-dismiss ng last subject instructor namin ay nagpulasan na palabas ang mga classmates ko. Nakakailang hakbang palang ako ay tinawag na ako ng mga boses.

"SIJ!" Agaran akong huminto at hinarap sila. Nakita ko silang nagmamadaling lumabas ng classroom. Isa pa sa nakakatuwa rito ay madali akong nakahanap ng mga makakasama ko-new friends kumbaga.

Kahit pinagbawalan ko na silang huwag akong tawaging 'Sij' kasi alam niyo na naaalala ko na naman 'yong Ex ko. Siya lang kasi ang tumatawag sa akin nang ganoon. Kaya naasiwa ako, lalo pa't nasa moving-on stage pa lang ako sa kaniya. Pero makukulit sila, kesyo ang cute daw kasi nang tawag na gan'on, parang ako raw.

Haist, nakakabakla ang kyut eh, hindi ba pwedeng hot or gwapo na lang?

Lumingon ako sa pinaggalingan ng mga boses. I saw Mary na patakbong lumalapit sa kinalalagyan ko, siya lang naman ang pasimuno ng pagtawag sa akin.

Take note, siya na yata ang nakilala kong babaeng mahinhin pero maton ang boses.

Kung nagtataka kayo kung sino si Mary isa siyang babaeng madaldal na mayroong kulot na buhok na bumagay sa medyo may balingkinitan niyang katawan.

Kasama naman niya ang 'mukhang' masungit na babae, simula nang makita ko ito ay laging nakasalubong ang kilay niya na parang anytime ay mananapak-siya naman si Dareen.

Sa tabi niya ay ang sopistikadang si Medie na may cute na size, at syempre ang tahimik na naman na si Sophia na laging suot angearphone niya. Minsan nawi-weirduhan na rin ako babaeng ito, kasi tahimik at bigla na lamang tatawa ng pagkalakas-lakas.

Sa apat na araw kong pamamalagi rito ay mas nakilala ko sila, itinuring na rin nila akong parte ng kanilang grupo. Biro pa nila na one of the girls muna raw ako.

Puro kasi sila babae na lagi ko ng nakakasama, kaya kapag ikinuwento ko ito kay Jarred ay iba na naman iikot sa isip n'on.

Speaking of him, medyo busy na rin ang gago. Nag-try-out daw siya sa basketball team ng Engineering faculty and talagang ipinagmalaki niyang nakapasa siya. Dahil sa mga ibinulalas niya ay saka ko lamang napansing malapit na pala ang Intramurals ng University kaya pala busy ang lahat.

Love, ARKI (Boys Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon