J I N
"Summer na summer Sij, naka-jacket ka? 'Yung totoo?" Pagpansin ni Mary sa suot kong jacket.
Hindi ko na lamang ito binigyan ng tugon kahit na paulit-ulit niya lamang akong tinanong.
Nagpatuloy na lamang kami sa paglalakad papasok sa campus, hindi pa man nagsisimula ang opening talaga ng event ngayon pero hindi na magkamayaw ang mga estudyante sa paligid na galing sa iba-ibang departamento.
Napakaraming tao.
Halos hindi na mahulugan ng karayom.
May kaniya-kaniya silang battalion habang may naglalakihang banner na kung saan may mga nakapaskil na kung anu-anong panunuporta sa mga atleta nila
Ang mas kumuha ng pansin namin ay ang pagmamalaki ni Mary sa isang malaking tarpauline na kung saan nakaimprinta ang isang sports ad na may halo-halong mga mukha ng mga athletes at sports na kuha raw ng org nila at ang loko ay in-emphasize niya ang kuha niyang basketball photo.
Ang iba pa nga'y may pa-tee shirt pa ng avatar ng faculty nila.
Napahinto kami sa paglalakad nang magsalita ang kasama ko.
"Hala, Sij. I need to go, magko-cover pala kami ng event." Naiinis na bulalas ni Mary habang nakatingin sa tangan niyang cellphone.
Naikuwento niya sa Group chat namin na tinap ang Org nila ng University council para mag-cover for today's event.
Likewise, same things din ang iba pa naming kasama.
Si Medie ay kasama ng candidate ng aming faculty para sa make up sample for the coronation night one of these days.
Si Dareen ay kinokondisyon ang sarili nila para bukas sa pagko-compete nila sa Taekwandoo.
Sina Sophia at Jewel ay nasa field na para sa opening. Dahil according sa scheduled program para sa first day ng event ay entrada raw ang University dance troupe which is kinabibilangan ni Soph.
Samantalang cheerdance naman ang gagawin before the basketball game na kasama naman si Jewel.
Haist. Yeah, basketball game.
For today's event ang mapapanuod ay mga sports na soccer, baseball, tennis, basketball and too many to mentioned at sa iba-ibang campus gaganapin.
I do not know pero parang sinasadyang dito ilagay sa campus na kinatitirikan ng faculty namin ganapin ang basketball game: Faculty of Public Administration Vs. Faculty of Architecture.
"That's okay Mary. Ayos na ayos." Natatawa kong sagot dito habang tinataas-taas ko ang dalawa kong kilay na lalong nagpabusangot sa mukha nito.
"Bwiset ka, Sij!" Inis niyang wika habang nagdadabog.
"Sige na Mary shoooo!" Biro ko muli habang sinesenyasan na umalis na.
"How dare you! Bahala ka sa buhay mo----basta huwag mong iindihan si Daddy Art, naku patay ka sa buong blockmates natin 'pag nagkataon. Oh siya, babooo!" Napailing na lang ako sa kabaliwan niya habang natatawang tinitignan ang papalayo niyang pigura.
Heaven.
I am all alone. Walang maingay at walang manga-alaska.
Now Jin, saan ka ngayon pupunta? Sige nga?
Napakamot na lamang ako ng batok habang nag-iisip kung saan nga ba ako pupunta ngayong wala na akong kasama.
Bagsak ang balikat akong gumuhit ng hakbang papunta sa kung saan.
BINABASA MO ANG
Love, ARKI (Boys Love)
General FictionOne night, Big trouble. Isang Bossy na Arki student ang makakatagpo ng kaniyang katapat sa isang gabing hindi nila malilimutan. Mabago kaya ng Destiny ang kanilang nararamdaman, kung sa simula't sapul pa lang ay hindi na maganda ang kanilang pagtata...