J I N
Kaba, takot, nerbyos. Hindi ko na nga maintindihan kung ano ang dapat kong maramdaman ngayon. Parang rollercoster ang pakiramdam ko, halo-halong emosyon.
I am on my way papunta sa Faculty of Architecture. Sakay ng shuttle ay madalian akong nakarating sa napakalawak na field ng mga Arki students. Hindi naman gaanong mainit ang campus nila bukod sa mga puno sa paligid ay maraming pathway na may silungan. Isama mo pang medyo makulilim ngayon, kaya naman natatakpan ng ulap si haring araw. Samantalang halos hindi magkamayaw ang mga estudyanteng may dalang mga blueprints na mukhang papasok na sa kani-kanilang mga klase.
'Art Kiel Lopez'
'Yan ang pangalan ng taong kailangan kong hanapin. Sa taong ito nakasalalay ang pangarap ko at ang pagi-stay ko sa Faculty of Engineering. It's now or never.
Nagsimula na akong maglakad sa pathway na walang patutunguhan. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko. Napapamura na lamang ako sa isip ko sa kawalang pag-asa, hanggang sa may mamataan akong isang estudyante. Sa wakas!
"Excuse me Sir!" pagtawag ko sa isang lalaki na naabutan kong nagmamadali ring maglakad. Halos siya na lang ang natirang estudyante sa paligid at mukhang lahat ay nasa klase na.
Huminto naman ito at nagpalinga-linga. Kumaway ako rito nang makuha ko ang atensyon niya, at saka patakbong tinungo ang kinalalagyan nito. Nakita ko pang tinuro nito ang sarili niya na tila nagsasabing "Ako?".
Hingal na hingal ako nang makalapit dito, ngayon ko lamang napansin na marami itong dalang kape mula sa isang sikat na shop.
"Ah, oo. Nawawala kasi ako at hindi ko alam kung saan pupunta. Wait, I'm Jin from—" pinutol nito ang sasabihin ko.
"Faculty of Engineering, I know." sagot nito habang tinitignan ang bihis ako mula ulo hanggang paa. Nahihiya naman akong tumango.
Nabigla siya nang biglang tumunog ang phone nito at saka tuminging-tingin sa suot niyang relo. Nakita ko sa mukha niya ang pagkabalisa.
"J-Jin right? Ahm, s-sorry Jin. I have to go. Baka hinahanap na nila ako. Malilintikan ako nito kay B-Boss." utal-utal nitong saad, hindi ko masyadong narinig ang huling sinabi niya at kita kong pinagpapawisan ito.
Sh*t!
"Just a moment please, hinahanap ko kasi si Art Kiel Lope—" bakit ba ang hilig nitong sumabat?
"S-Si Boss?" naguguluhan nitong saad. Hindi ko man ma-gets ang term na ginamit nito patungkol sa kung sino ay tumango na lang ako dahil sa pagkakaroon muli ng pag-asa.
"Geeez, sumama ka na lang sa akin, sa kaniya rin ang punta ko. Dalian natin, baka ma-beast mode na naman 'yon" sabi nito at saka mabilis na naglakad.
Sa kalagitnaan ng aming paglalakad ay kita ko sa kaniya ang ngawit sa mga dala niya dahil bukod sa mga kape ay may mga supot pa itong dala. Nag-alok naman ako ng tulong dito at binigay niya sa akin ang mga kape na hawak niya. Ngumiti naman ito at saka nagpasalamat.
Ilang minuto pa ay narating namin ang fourth floor ng building na pinasukan namin. Hindi ko mapigilang mapamura, wala bang elevator man lang? Dahil hagdan ang ginamit namin para makapunta rito. Hapong-hapo tuloy kami nang makatapak sa palapag na ito.
"S-Sorry Jin. Ang daming estudyanteng nakapila sa elevator, baka abutin tayo ng siyam-siyam kung maghihintay pa tayo." paghingi nito ng paumanhin. Kung ako ay pagod na, mas kita ko sa kaniya ang sobrang pagod. Mula kanina ay hinid na ito mapakali at takot din ang kanina ko pa nakikita sa mga mata niya, kahit hindi niya sabihin ay alam kong may pinangangambahan siya.
BINABASA MO ANG
Love, ARKI (Boys Love)
General FictionOne night, Big trouble. Isang Bossy na Arki student ang makakatagpo ng kaniyang katapat sa isang gabing hindi nila malilimutan. Mabago kaya ng Destiny ang kanilang nararamdaman, kung sa simula't sapul pa lang ay hindi na maganda ang kanilang pagtata...