My ARKI 2

1.1K 29 2
                                    

J I N

"This Friday na raw ang pasahan ng mga plates. Are you done?" Bungad sa akin ni Jarred habang dali-daling umupo sa upuang nasa harap ko.

"Almost." walang gana kong sagot dahil naaalala ko na naman ang pang-iiwan niya sa akin nang nakaraang linggo.

Speaking of nakaraang linggo, I'm still on the verge of that fvcking scene. Hindi ko pa rin makalimutan ang gagong lalaking 'yon---or, should I say, Gay.

Nandidiri pa rin ako sa sarili ko and sa nangyari. Matapos nga ang pangyayaring 'yon halos mapudpod na ang labi ko sa kato-toothbrush and kaka-mouthwash.

That f%cking asshole, humanda siya sa akin kapag nagkita kaming muli. Babasagin ko talaga ang pagmumukha ng tarantadong 'yon.

"You're out of your mind agan, bro? Hahaha so tell me, sino ba 'yang iniisip mo at mula kahapon ay lutang ka? Hmmm, P%T$NGINA NAKA-SCORE KA 'NO! MAGKUWENTO KA NAMAN GAG---!" aligagang sigaw nito.

Pinasakan ko na lang ng lukot na papel na nasa mesa ko ang bunganga niya, pvta daig niya pa ang babae sa pagka-chismosa.

"Gago, hindi ako tulad mong sobrang libog"

Hindi ako tinantanan ng gago hangga't hindi dumating prof namin sa Calculus.

Matapos ang apat na oras na sakit sa ulong mga explanations and seatworks ay natapos din ang klase namin.

Nag-aya na ang iba naming blockmates na mananghalian na pero tumanggi ako at sinabing tatapusin ko na ngayon ang mga plates na ginagawa ko, para hindi na matambakan kung sakali.

Sumama si Jarred sa kanila, and mabuti 'yon nang wala munang panggulo sa konsentrasyon ko.

Naglakad na ako papunta sa lugar na nahahanap ng maraming estudyante ang piece of mind---sa library.

I am a sophomore student, sa awa ng Diyos nakatapos ako ng isang academic year pero mukhang ngayong sem ay ito na ang tatapos sa akin.

Sa isang pamantasan sa aming lugar ko piniling magkolehiyo, bukod sa quality education dito gusto ko ng thrill sa buhay. Nagdo-dorm ako malapit lang din dito sa University and my part time job din ako every weekend. Pandagdag allowance rin, ayoko naman laging umaasa lang kay Nanay at Tatay, matanda na ako and kaya ko ng maging independent.

And the rest is history.

Ang daming gawain, nakakabaliw. Nakakabutas ng bulsa. Nakakapagod ng utak at katawan. College life is fvcking hell. Mayroon kaming tatlong oras na bakante, bago ang susunod na subject kaya heto ako, mas piniling magpaka-good boy. I realized na walang magagawa ang pagmumukmok dahil broken ka, time will come makakahanap din ako ng taong magi-stay sa piling ko.

Sh*t, too gay amp!

Nang makarating ako sa library ay agad kong ginawa ang dapat kong gawin. Sa kalagitnaan ng panunukat ko ng mga lines ay ang pag-vibrate ng phone ko na nakapatong sa mesa.

Nakita kong si Jarred 'yon. I picked up the call.

["Bro, nasa'n ka? Pasuyo ako ng B1 pencil sa National Bookstore, nawala kasi 'yong ginagamit ko. Kunin ko sa'yo later, and sabi pala ni Pres hindi raw makakapasok si Ma'am Calgo, so wala na tayong klase ng 6:00 PM, maaga tayong makakuwi."] Dire-diretso niyang banggit.

"Sira ulo ka! Ako papupuntahin mo sa Bookstore? Gago ka ba? Nasan ka ba hah!" Pabulong kong singhal dito.

["Sige na Bro, please. May sakit kasi si Julie eh hindi ko maiwan"] kumunot ang noo ko sa narinig.

Love, ARKI (Boys Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon