J I N
Isang malalim na paghinga ang pinakawalan ko.
Kabadong-kabado at halos hindi na magkamayaw sa paglikot ang aking mga paa sa kinauupuan ko ngayon.
I am here at the Lion's statue of the Faculty of Architecture. Sa lugar na kung saan nangyari ang isang bagay na hindi na dapat pang muling mangyari at dito rin sa lugar na ito matapos ang lahat ngayon.
I'm still thinking, if this is the right moment na pakinggan ko siya.
All of his explanation.
Gustong-gusto ko ng mag-move forward sa buhay ko. I want to forget those things happened in the past. Ayaw ko ng makaramdam ng pagkailang sa tuwing magkikita kami. Gusto ko ng matahimik itong damdamin ko.
Baka sakali kung maintindihan ko na ang lahat ay mawala na rin itong hindi ko maipaliwanag na emosyon sa loob ko, nang dahil sa kaniya.
Ilang minuto na ang lumipas nang makaalis ako sa set nila ay inabala ko ang sarili ko sa pagtitingin ng mga message sa Group chat ng section namin.
Nabasa kong tapos na ang Pre-Production ng gagawin namin.
Nakapag-brasinstorm na ang mga tumatayong mga lider dito.
Napag-usapan na nila ang mga gagawin and may concept na raw na nabuo for the mini series na gagawin namin. Casting na lang daw ang pag-uusapan namin and mga Officer-In-Charge during the Production.
Nakakamangha nga ang lawak ng ideya at imahinasyon ng mga tao sa Program namin. Napaka-versatile nila sa lahat ng bagay.
May apat na linggo pa naman kami bago ang Finals kaya hindi gaanong ka-hassle ang pakiramdam namin. And we are very sure na ikokonsidera ni Ma'am Santos ang kalagayan namin, kung hihingi kami ng extension. Alam niyo naman na it is not easy to make something like this.
Matapos kong makapag-seen sa GC namin ay may isang message request ang nag-pop up sa notification bar ko at nakita kong panibagong GC na naman ang lumitaw.
"I-Don't-Know-What's-The-Name-Of-The-Group-Squad" Pagbasa ko rito at ilang saglit pa ay nagsipasukan ang mga message na galing kay Mary na nagwawala sa GC.
Halos mapamura ako sa sarili ko nang i-send nito ang mga larawan kong kinunan niya kanina, maging ang pilyong halik ni Jarred ay 'di nakaligtas.
Kaniya-kaniya namang komento at alaska ang apat kaya hindi ko napagilang mag-react sa mga ito.
Nag-sorry rin ulit si Jewel sa nangyari kanina and we answered it, no biggie.
Ilang saglit pa ay nagsimulang mag-video call sa GC si Medie kaya agad ko naman itong sinagot.
"HOY SIJ! NASAAN KA?" Bumungad na sigaw ni Mary habang buong mukha nito ang lumitaw sa screen.
"Somewhere? By the way, sorry kung umalis ako agad Maey, may pinuntahan lang ako..." Nakangiwi kong sagot sa kanila.
Binigyan naman nila ako ng kakaibang tingin.
"Teka, tapos na ba ang shooting niyo, Mary?" Pag-iiba ko ng tanong.
"Yes, actually nga muntikan pang ma-delay kasi naaksidente raw si Daddy Art, may sugat sa kamay." Pagpapaliwanag nito.
"Hala! Ano nangyari kay Fafa Art?" Tanong ni Dareen matapos nitong uminom ng tubig sa may tumbler niya. Pansin kong suot pa rin niya ang taekwandoo suit niya.
Haist. Another call name na naman niya.
"Ang Chika ng mga source ko mukhang may binugbog raw o kaya sinuntok. Nakakawa kaya kanina si Daddy Art"
BINABASA MO ANG
Love, ARKI (Boys Love)
Fiksi UmumOne night, Big trouble. Isang Bossy na Arki student ang makakatagpo ng kaniyang katapat sa isang gabing hindi nila malilimutan. Mabago kaya ng Destiny ang kanilang nararamdaman, kung sa simula't sapul pa lang ay hindi na maganda ang kanilang pagtata...