J I N
"Tulaley, Sij? Kanina ka pa walang kibo. Hindi mo pa nagagalaw ang pagkain mo." Sabi ni Mary sa akin habang marahang iwinawagayway ang kamay niya sa mukha ko.
"Huh?" I respond unconciously.
Umiling lang ito at saka may ibinulong sa katabi niyang si Medie na busy sa pagtingin ng isang hand bag na nasa tabi niya. Ilang saglit pa silang nag-usap na hindi ko maintidihan at sabay bigla nila akong tinitigan ng kakaiba.
Palipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa.
"What?" Habang pinaglaruan ang pagkaing nasa harapan ko.
Sila lang dalawa ang nandito ngayon at kasama ko sa usual place namin sa canteen, as usual din na busy sa training sina Dareen, Sophia at Jewel. Malimit ko na nga lang silang makita these past days.
At ito namang si Medie ay tapos na raw ang session nila ng Candidate namin, kaya nandito siya. Samantalang si Mary naman ay may tuntrums na naman sa Org niya. Sinusumpong na naman siya ng kaniyang katamaran.
Agad na hinila ni Medie ang plato ko palayo sa akin at tinaasan ako ng kilay na parang nagsasabing 'Ano na?'.
"Sij, if may problem ka you can open to us. We are here to listen." Wika naman ni Mary habang tapik-tapik ang balikat ko.
Tumango lang si Medie bilang pagsang-ayon.
Huminga ako ng malalim bago ko sila tinitigan.
"Guys, kasi..." Pagsisimula ko at saka ikinuwento ang mga nangyari sa akin.
Pumuwesto sila sa paraang tila magiging interesante ang ikukuwesnto ko. Abala sila sa pakikinig na tila naiintindihan nila ang sitwasyon ko. Lahat ng detalye ay isinawalat ko even his kissess, medyo nailang nga lang ako at namula nang maalala kung paano 'yon naganap sa amin.
Impit na tili ang naging feedback nila sa tuwing ikukuwento ko 'yon.
"...and those are the reasons, why I am here." Pagtatapos ko, ngunit bigla silang nalungkot at may kung anong emosyon ang nabasa ko sa mga mata nila.
"Eh gago naman pala 'yang Art na 'yan eh!" Bulalas ni Medie na may nagtitimping gigil.
"Resbakan ko na ba?" Dagdag pa nito at saka tumayo sa kinauupuan niya kaya nakakuha siya ng iilang mga atensyon sa paligid.
Agad naman siyang hinila pabalik ni Mary at biniro.
"Gaga ka Meds sa liit mong 'yan?"
"You know, may mali sa both side eh, una naghinala ka na agad na si Daddy Art na talaga ang nanira ng mga outputs mo without valid evidence and the thought that you didn't hear his side about it, ang mas nagpalala. And I can't judge you, kasi nadala ka lang naman ng emosyon mo." Seryosong wika ulit ni Mary habang matamang nakamasid sa akin.
Gov Rein and her has the same point.
Pero what the fvck is that endearment, Daddy?
Tahimik lang ako at prinoproseso ang mga sinambit niya.
"And about kay Daddy Art, I feel something wetty. Just imagine, one of the hottie sa Univ ang hinalikan ka, not only once, not only twice but for the God sake, thrice Sij, thrice. Kaya sana all talaga!" Agad siyang binatukan ni Medie dahil sa kilig na kilig na boses nito.
"But on the serious note, based on your story I can say that he is very dominant, bossy, bully kaya 'maybe', ayan a in-emphasze ko ang word na maybe, kasi ayokong i-judge si Daddy Art. Maybe he can do that talaga. Pero hindi ko sinasabi sa'yong, patagalin mo 'yang galit mo sa taong inakala mo lang na may gawa n'on." Pagtatapos nito.
BINABASA MO ANG
Love, ARKI (Boys Love)
General FictionOne night, Big trouble. Isang Bossy na Arki student ang makakatagpo ng kaniyang katapat sa isang gabing hindi nila malilimutan. Mabago kaya ng Destiny ang kanilang nararamdaman, kung sa simula't sapul pa lang ay hindi na maganda ang kanilang pagtata...