J I N
"Sandali lang guys!" Angal ko at saka hinihila ang mga braso ko mula sa mahigpit nilang pagkakahawak.
Binitawan naman nila ako at saka bigla kong naramdaman ang panganangalay dahil sa matagal na pagkakakapit ng mga baliw na babaeng ito. I stretched my arms and I give them a heavy sigh.
Nagdadalawang isip tuloy ako kung mga babae ba talaga ang mga ito? Pakiramdam ko tuloy mas lalaki pa sila sa akin. Maton na maton kung tutuusin.
"Ikaw ang lalaki sa amin, Sij. Kaya ikaw na lang ang bumili ng mga rekados." Pagpupumilit pa rin ni Dareen at saka ako sinubukan muling itulak palabas.
"Okay-okay, I get it. Pero wala bang sasama man sa inyo para tulungan ako?" Inis kong tugon sa kanila pero nagkatinginan lang silang lahat at saka biglang ngumiti na parang may masamang balak.
"No need, Sij. You can do it!" Saad naman ni Medie na may hawak pang mga libro.
Wala na akong nagawa nang sapilitan nilang ipinahawak sa akin ang isang parihabang papel at isang pitaka.
"Uy, teka—" Huli na ang lahat nang pintuan na lamang ang nasa harapan ko.
Napakamot na lamang ako ng ulo at saka ilang minutong tinitigan ang mga hawak ko.
List ng mga bibilhin at perang gagamitin.
Kanino naman nila galing ang perang ito?
Haist.
We're at Sophia's place, tulad ng napagkasunduan na mag-group study 'di umano pero ang ginawa lang naman nila ay mangalkal ng kung anu-ano sa second floor nina Soph. Mabuti na lamang at wala ang mga magulang ni Sophia na nasa work daw, kun'di kahihiyan ang aabutin namin sa pagha-house raid ng mga kasama ko.
Kaya kanina madalas naiiwan kami ni Medie sa sala nina Soph habang sila ay walang habas na nagpapatay ng oras.
Tulad ng inaasahan ko.
Wala pa nga yatang pumapasok sa utak nila na mga aaralin namin. Kung ako lang ang tatanungin I had enough knowledge para sa exam namin, pero syempre hindi ko naman sila pwedeng pabayaan dahil ako lang ang natitirang may alam ng kung ano ang re-reviewhin dahil I am the only one who stayed in our classroom, samantalang nasa field naman sila.
At ngayon ay hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isipan nila at mabe-bake daw sila kaya ako ang inatasan nilang bumili ng mga Ingredients na gagamitin nila.
Ang mga babae talaga, hindi mo maunawan ang ugali. Ang hirap nilang basahin.
Asar na asar man ay lumakad na lamang ako palabas sa subdivision nina Soph at pumara ng taxi papunta sa pinakamalapit na Grocery store.
Nang makarating ako sa isang Supermarket ay agad na akong nagbayad at bumaba sa sinasakyan ko at saka pumasok sa loob. Pagkapasok ko pa lamang ay bumungad agad sa akin ang mga mamimiling tulad ko.
Dahil it's weekend ay marami-rami rin ang bumibili rito.
Agad kong hinanap ang stall ng mga baking ingredients. Nang mahanap ko ito ay agad kong tinignan ang papel na ibinigay ng mga baliw. Sa awa ng Diyos ay mabilis at madali ko lang naman nahanap ang mga ito at naging dillema ang pagtulak ko sa pushcart dahil sa halos mapuno na ito.
"Last one, fresh milk..." Bulong ko habang hinahanap ang sariwang gatas.
Habang naglalakad ako sa mga stall ay nahagip ng mata ko ang mga babaeng nagbubulungan habang nakatingin sa gawi ko. Hindi ko man gaanong marinig kung ano ang kanilang ibinubulong pero base sa ikinikilos nila ay kinikilig ang mga ito dahil sa impit na tili nila.
BINABASA MO ANG
Love, ARKI (Boys Love)
General FictionOne night, Big trouble. Isang Bossy na Arki student ang makakatagpo ng kaniyang katapat sa isang gabing hindi nila malilimutan. Mabago kaya ng Destiny ang kanilang nararamdaman, kung sa simula't sapul pa lang ay hindi na maganda ang kanilang pagtata...