J I N
Week passed very fast, sa loob ng dalawang linggo ay inabala ko ang sarili ko sa mga bagay na dapat kong pagtuunan ng pansin.
Tama si Jarred, na hindi dahilan ang pagkawala ng pangarap ko upang hindi magpatuloy sa buhay. There are so many ways to cope up. Napakaraming opportunity na kailangan kong i-grab.
Nalaman na rin nina Mama at Papa ang pag-alis ko sa Engineering program and of course I did not spilled to them the real reason why I chose to give up my dream course. Basta ang sinabi ko lang na nahihirapan na ako rito, which is not true. I don't want to make them worried about my situation.
Naging abala ako sa paglalakad ng mag papeles ko and of course sa pagpasok sa part time job as a crew to Primera Daily Café.
Sa ngayon ang problema ko na lang ang papasukan kong faculty. Ang tanging nago-open ng slot for shifter ay bilang lang sa daliri. I thought madali lang ang pagdaraan ng mga shifter na tulad ko pero hindi pala. Nakakaubos ng lakas at sobrang nakakapagod ang maghabol ng mga taong pipirma ng mga papers mo.
Gutom at oras ang kalaban ko, dahil laging wala ang Dean ng dati kong Faculty or baka naman pinagtataguan lang talaga nila ako? Hindi ko siya natyetyempuhan kung pwede nga lang sana ay dito na ako matulog sa labas ng office niya para maabutan ko siya kung saan man ito nagsusuot.
Subalit God is good talaga, sa awa niya ay natapos ko rin itong mga papers ko.
Habang naglalakad ako pababa ng Computer Aid room ay agad na umakbay sa akin at sinabayan ako nito sa paglalakad. Ma-miss ko itong gagong 'to.
"Alam kong ma-miss mo 'ko kaya nagpakita na ako sa'yo ngayon. Pa-kiss nga ako." mahangin nitong saad at saka umaktong ngunguso sa akin nang harangan ko ito ng dala kong plastic envelop.
"Gago! Nababakla ka na naman sa akin" natatawa kong saad na nagpanguso dito lalo. Nagkuwento lang ito ng kung anu-anong kalokohan niya sa buhay at syempre namin, sa kaunting panahong pagsasama namin ay halos kapatid na nga turing ko rito.
"Teka anong program ba ang pinasok mo?" bigla niyang basag sa kalagitnaan ng mga kuwentong siya rin ang pasimuno.
Oh yeah, Faculty of Nursing, Communication Arts, Public Administration and Architecture lang ang mga nag-open for shifter, kaya pinag-isipan kong mabuti ang papasukan ko na siguro ng pangmatagalan.
Ekis na agad sa akin ang Arki, kahit na magkasing lapit lang sila ng future ng Engineering but the fact na naroon ang taong halos isumpa ko na at makakasalamuha—NO WAY!
Isinusumpa ko ang kursong iyon.
Ayoko rin naman sa Nursing, I am also afraid sa mga injections or any related to medical kit, baka mauna pa akong mamatay sa mga pasyente ko kung sakali HAHAHA. Just kidding.
"Oh tulaley gurl?" napabulanghit ako ng isang malakas na tawa sa bigla niyang sabi.
Saan naman nito napupulot ang mga gay lingo term na iyon. Mukha kasing inipit na palaka ang boses ng gago at medyo bilog na malambot pa ang tono nito, habang naka-cross arm pa siya na bading na bading ang datingan ng gago.
"Saan mo naman natutunan 'yang mga 'yan?" Tanong ko sa kabila ng pagtawa ko at saka pinunasan ang mga luha sa gilid ng mata ko sa sobrang tuwa.
"Kaya Fransha" Ngiting-ngiti niyang saad kaya bigla ko siyang binatukan.
Sino naman si Fransha? Bagong fling na naman siguro ng gago.
Tinaasan ko ito ng kilay.
"Okay fine Bro, Syota ko si Fransh from Business Ad ang major niya." mabilis niyang bawi at nakita ko ang pag-puso ng mga mata nito. Hindi literal pero may ningning dito na ngayon ko lang nakita kay Jarred.
BINABASA MO ANG
Love, ARKI (Boys Love)
General FictionOne night, Big trouble. Isang Bossy na Arki student ang makakatagpo ng kaniyang katapat sa isang gabing hindi nila malilimutan. Mabago kaya ng Destiny ang kanilang nararamdaman, kung sa simula't sapul pa lang ay hindi na maganda ang kanilang pagtata...